Emma's Point Of View Kakatapos lang ng klase at ngayo'y magkasama na kaming apat na naglalakad papunta sa parking lot. Kung saan naka-park ang kaniya-kaniya naming mga sasakyan. "So, do you guys have plans today?" Tumingin ako kay Ivy, may hawak-hawak siyang bulaklak na inaamoy-amoy niya. Pinitas niya iyon kanina sa garden na malapit sa aming building. "We can go to the mall muna bago tayo umuwi, maaga pa naman kasi," her twin's sister said. Ibinaling ko ang tingin kay Lily at saktong nakatingin siya sa akin. Tumango naman ito and a smile plaster on her face, kaya ayos lang sa kaniya na pumunta nga kami sa mall. "Okay, let's go," sagot ko sa dalawa. "Can I come?" Natigilan kami at sabay-sabay na lumingon sa likod namin kung saan naroroon sina Paxton, kasama ang dalawq nitong kaibigan

