Emma’s Point Of View “Why are smiling like that?” Naimulat ko ang mga mata ko at napatingin ako sa kaniya. Kanina pa kami tapos kumain at pinagsasaluhan na lang namin ang mga junk foods na binili ko kasama ang soft drinks. Nandito pa rin kaming dalawa sa blanket na inilatag ko at nakatingala ako sa langit na puno ng bituin habang nakapikit ang mga mata at nakangiti. Dinadama ko ang simoy ng malamig na hangin na pinapawi ang mabibigat kong dinadala. “Masaya lang ako, bawal ba?” Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko at napansin kong nakatitig ito sa akin kaya muli akong umiwas ng tingin. “Why are you happy? Is someone confess to you?” “Wala!” mabilis kong sagot, “Masaya lang ako dahil nararanasan ko ito. I think, this is my happiest night ever.” Inilibo

