Emma’s Point Of View Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero mabilis akong umiwas ng tingin nang may sumulpo sa likod nitong nakaputing polo. Tinawag niya si Raven kaya sa kaniya naibaling ng kapatid ni Paxton. “Sir, okay na po ‘yung sasakyan,” sabi nito. Hindi ko na hinintay ang sinabi ni Raven sa kaniya dahil agad na akong naglakad upang maakalis doon. Wala naman akong pakialam sa gagawin ng lalaking ‘yun, at kung mananatili ako roon ay mabubuwesit lang ako sa pagmumukha niya. Kaya mas mabuti pang umalis na lang dahil wala naman akong kailangan sa kaniya. Malayo na ang nalakad ko nang may humawak sa braso ko na naging dahilan ng paghinto. Napalingon ako rito, tumingin muna ako sa kamay nitong nasa aking braso bago sa nakakainis niyang pagmumukha. “Wher

