CHAPTER 6(inlove)

1396 Words
Ilang lingo matapos nyang sagutin si Timothy at ang biglang pag bisita nito sa bahay nila ay naging mas madami na ang oras nito sakanya. Halos oras oras din ito kung tumawag kaya ang ginagawa nya ay pinapatay nya ang kanyang phone kada may klase sya dahil nung huli ay napagalitan nanaman sya ng kanyang professor dahil sa ingay ng phone nito. Nang matapos ang klase ay saka nya binuksan ulit ang kanyang phone, at madami ngang missed calls at may mga messages pa galing kay Timothy. Hindi nya alam bakit natutuwa sya imbis na mainis. Binasa nya ang message nito. "love?" "why are you not answering love?" "sorry maybe you have a class" "i don't know your class schedules that's why i kept on ringing you" "make sure to call me back when you're class is done" "i need a copy of your class schedule also" "i love you love, imissyou" Nakakatuwang makabasa ng mga ganong messages galing sakanya, di nya namalayan na napapangiti na sya napansin naman ito ng mga kaklase nya at inasar sya ng mga ito. "Blooming si pau ngayon noh" pansin ng kaklase nyang si liane. "ganyan talaga nagagawa ng INLOVE " sabi naman ni jenny. nag hiyawan ang mga ito na medyo ikinahiya nya dahil nag tinginan ang ibang mga studyante sa kabilang table dahil nasa canteen sila. "kayo talaga wala naman nag bago sa itsura ko ganun padin" Sabi nya sa mga ito. Patuloy padin ang panunukso ng mga ito ng biglang nag ring ang phone nya, nang tignan ay si Timothy ang tumatawag, nag excuse sya dahil tapus nadin naman syang kumain, dumiretso sya sa garden sa gilid ng university nila dahil presko ang simoy ng hangin dito, nang makarating ay agad nyang sinagot ang tawag nito. "Hello" Sabi nito nang sagutin nya ang tawag. "Hi love, How are you doing?" agad nitong tanong na nagpakilig sakanya. "hmm okay naman, Ikaw ba?" balik nyang tanong dito. "i miss you already" mababang boses nitong sagot "can i pick you up later?" "okay lang ba? baka may work Kapa?" balik tanong nya dito. "it'll be done in an hour love, so don't worry" "okay i have one subject left, see you later" "see you later love, i love you" kinilig ang Lola nyo. "i love you too" sagot nya dito saka pinatay ang tawag. Hindi nya alam kung sya lang ba pero nabibilisan sya sa mga nangyayari pero hindi nya naman maitatanggi na nagugustuhan nya din ito , si Timothy ang una nyang nanging boyfriend kaya hindi nya alam kung masyado bang mabilis ang mga pangyayari. Pumasok na sya sa huling subject sya ngayong araw malapit na ang kanilang graduation kaya mas lalaong mahihirap na ang mga lesson na itinuturo ng professor nila, next week ay ang huling finals nila kaya kailangan nyang pag butihan para maka graduate sya at matupad nya ang pangarap ng kanyang magulang. "OKAY CLASS! KAILANGAN NYONG IPASA ITONG FINALS DAHIL SAWANG SAWA NAKO SA MGA PAG MUMUKA NINYO" Pasigaw na sabi ng kanila kalog na professor. "YES MA'AM" sabay sabay din nilang sigaw pabalik sakanya, tinakpan nito ang tenga nya na nagpatawa sa buong klase. Nang matapos ay nauna na syang lumabas dahil nag message nga si Timothy na nasa parking lot na ito at nag aantay, kailangan nya nang mauna doon dahil baka makita pa sila ng mga kaklase nya at asarin sya. Hindi naman sya nahirapan na hanapin ito dahil inaantay sya nito sa hood ng kotse nya, ngumiti at kumaway ito ng makita sya. nang makalapit ay mabilis itong humalik at mahigpit na yumakap ayaw man nyang bumitaw ay naiilang sya dahil may mga dumadaan na ibang mga studyante. Naintindihan naman ito ni Timothy at iginiyak sya nito sa sasakyan, pinag buksan ng pinto at ito nadin ang nag kabit ng kanyang seatbelt. nang makapasok sa driver seat si Timothy ay mabilis sya nitong hinalikan, ramdam padin siguro nitong naiilang sya kaya sinabi nitong tinted ang kanyang sasakyan. Ilang minuto din ang tinagal ng kanyang halik bago ito bumitaw, hinalikan muna ako nito sa noo bago umayos ng upo pero naka harap padin saakin. "i miss you so bad today" naka nguso nitong sabi. "sinundo mo din kaya ako kahapon, namiss mo kaagad ako" sagot nya dito. Malambing itong tumawa saka hinaplos ang aking pisngi "is it bad to miss my girlfriend?" tanong ni Timothy. "Juskooolord ano pong ginawa ko at pinag pala nyo ako ng boyfriend na ganito" pag kausap nya sa isip nya dahil nga naman napaka sweet nito. Napag pasyahan nga nila na mag hanap ng beach front na gusto nyang patayuan ng gusto nyang beach resort dahil maaga pa naman ay dadaan muna sila sa restaurant na pinabook nito para kumain ng lunch, kahit hndi pa man sya gutom ay umoo nalang sya dahil hndi pa nga daw ito kumakain simula pa kaninang umaga bago ito pumasok sa trabaho. Huminto nga sila sa tapat ng Isang asian cuisine na restaurant, medyo madaming tao sa loob dahil oras nga ng lunch, Buti nalang ang pinili nyang table ay yung medyo malayo sa mga tao dahil nasa gilid sila. "what do you want to eat love?" siya pa ang unang tinanong eh ito nga yung gutom. "kahit ano nalang love dipa naman ako masyadong gutom" Sabi nya sa lalaki "okay love, mild lang order ko sayo" sagot nya. Ang inorder nga nigo para sakanya ay vietnamese spring rolls, at sa huli naman ay kare-kare at sabi nga nito na gusto nitong ipatikim sakanya ang kanilang beef pho kaya umorder din ito. Akala nya nga eh hndi nya magugustuhan ang lasa ng vietnamese spring rolls dahil bago sakanya ito, pero dahil likhang mahilig sya sa gulay ay nagustuhan nya naman ito. At hndi nya nga namalayan na naubos nya pala ang apat na piraso nito. Nang matapos silang dalawang kumain ay pareho silang sobrang busog dahil hndi naman tumigil si Timothy na pakainin sya ng kare-kare at beef pho na inorder nito halos ayaw nya nang tumayo sa upuan kaya tumatawa si Timothy. "Ngayon tinatawanan mo Ako" naka nguso nyang sabi dto saka inirapan. Lalo naman itong natuwa saka lumapit sakanya at hinalikan ang naka nguso kong labi "you look cute love" sabi pa nya pagkatapos syang nakawan ng halik. "tsee, nambobola kapa" kunwari pading nag tatampo. Tumayo na sya nang makapag bayad si Timothy mauuna na sana syang lumabas kaso hindi nya naalalang mahaba pala ang biyas at braso nito kaya mabilis sya nitong naabutan at inakbayan. "you're not going to leave me like that miss, pay me with lots of kisses" Sabi nito habang nag lalakad sila papunta sa pinag parkan ng sasakyan ng lalaki. "hmm nakakadami ka na ngang kiss ihh, how about no kiss for a week" balik nyang sabi dito. "ohh no love not for a week" nalalaking matang sabi nito. natuwa naman sya sa nanging reaksyon nito kaya mas aasarin pa nya ito. Tinanggal nya ang pag kakaakbay nito sakanya saka mas binilisan pa ang lakad nya hindi nya pinapansin ang pag tawag nito at pinanatiling walang emosyon ang kanyang muka, nang makalapit sa kotse nito ay lumapit muna ang lalaki sakanya pero tinabig nya ang kamay nito. sya daw muna ang mang aasar for today's video hahahaha. Wala itong nagawa kundi pagbukasan sya ng pinto, natutuwa syang asarin si Timothy dahil tuwing nag gagalit galitan sya ay akala nito ay totoong galit sya, Pero kahit ganun ay hndi padin nito nakalimutang ikabit ang kanyang Seatbelt. Nang pumasok ito sa drivers side ay malungkot ito, naawa naman sya kaya bago pa nito maistart ang kanyang sasakyan ay niyakap nya ito, lumiwanag naman ulit ang muka nito saka ngumiti. Umayos sta ng upo saka inabot ang pisngi nito at hinalikan sa labi. Ang balak nya sana ay saglit na halik lang pero mas pinalalim ito ni Timothy, sinabayan nya ang labi nitong mapag hanap, mas naging mapusok ang mga halik ni Timothy, naramdaman nya Ang init ng palad nitong humahaplos sa kanyang bewang at ang Isa naman ay humihimas sa kanyang hita, para syang sinisilaban ng apoy dahil sa init na nararamdaman nya, bumitaw sila ng parehong mawalan ng hininga. Magkaharap sila at magkadikit ang kanilang mga noo, natamis na naka ngiti sakanya si Timothy mabilis pa ulit itong nag nakaw ng halik bago humalik sa kanyang noo. "i love you love" malambing nitong saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD