Naestatwa sya dahil sa bigla nitong pag halik ngunit ng maka bawi ay nilabanan nya din ang masarap at nakakaliyo na halik nito. Sya ang unang bumitaw sa pinagsaluhan nilang halik saka tinitigan si Timothy at nginitian.
"you just took my first kiss" Sabi nya habang nakatitig sa binata.
"I'm glad love, I'll be your first in everything" sagot naman nito sabay yakap sakanya, naramdaman nya ang pag halik nito sa kanyang ulo.
"you made me the happiest man alive, I love you" dagdag pa nito.
"Hmmm I love you too" tugon ko.
Nag stay pa sila ng halos Isang oras bago nila napag pasyahan na umuwe na dahil may parehas pa silang lakad kinabukasan. malapit lang ang apartment na inuukupa ni Timothy dto kaya madadaanan nila ito pauwe sa kanilang bahay.
Ewan ba nya at bakit mas pinili ng lalaki na sa Olongapo mag stay eh mas madami at mas malaking oportunidad kung sa manila sya bumase. Naikwento sakanya nito na may business ang magulang nito sa manila pero mas gusto nito na sa Olongapo mag tayo ng business, napag alaman nya din na nung unang pagkikita nila sa bar ay galing ito sa pag hahanap ng lugar na magandang pagtayuan nya ng pinaplano nyang resort.
Isa pa sa iniisip nya ay baka ayawan sya ng magulang nito dahil sa estado ng buhay nya natatakot sya sa posibleng maging reaksyon ng mga ito.
"Love?" tawag ng binata sakanya.
"hmmm?" nilingon nya ito.
Hinawakan nito ang kamay nya habang Ang Isang kamay ay nasa manibela "thank you binigyan moko ng chance" Sabi nito sabay pisil ng kanyang kamay.
"thank you din kasi nag tiyaga kang ligawan ako" sagot nya dito.
"let's celebrate next week sa day off ko love?" patanong nitong sabi.
"Sure mag papaalam lang ako kay aling minda". Sabi nya dto.
"medyo malayo pa tayo sa inyo pwede mokong tanungin love" pahabol nito.
"hmmm okay sige let me think" iisipin nya munang mabuti kung ano ang mga gusto nyang itanong dto.
"okay, curious lang ako sa trabaho mo, sabi mo nag hahanap ka ng pag tatayuan mo ng business pero you have a job right now diba?" mahaba nyang sabi.
"well im working yeah, nung kumain ako sa karinderya i just had finished a meeting with my colleagues, I'm working as an architect in the City right now love" sagot nito sa tanong nya.
"hmmm i see" tumatango tangong sabi nya "uhm. Tim curious lang ako! paano mo ako nagustuhan?" dagdag nyang tanong.
Saglit na tumingin sakanya ang lalaki namumungay ang mga mata nang binalik nya ang tingin sa kalsada ay saka ito nag salita "simula pumasok ka sa bar hindi ko na maalis yung tingin ko sayo, you're wearing revealing clothes that night but your eyes and movements screams innocence" paliwanag nito.
"and you liked me because of that?" tanong nya ulit.
"well not really because of that, i was just curious about you back then, then later on when we started talking, i fell" nakangiti nitong sabi.
Hndi ko naman mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa aking labi "ahh so sinandya mo pala talaga ako nun nung kumain ka sa karinderya?" may halong pang aasar nyang tanong Kay Timothy.
Napaubo it at biglang namula ang tenga.
" I was in the location to look for a beach resort, naalala ko na every Saturday Ang duty mo sa karinderya kaya dumaan Ako" halos nagkanda utal utal nitong paliwanag.
"ahh ganun ba" Sabi ko nalang para kumalma ito "bakit pala dito mo napili mag hanap ng Lugar para sa beach resort na gusto mo?" dagdag nya pang tanong dito.
"Why not? Olongapo have a very nice beaches, i just need to find a good spot" sagot naman nito.
Madami pa silang napag kwentuhan na mga bagay bagay kaya pakiramdam nya na mas nakilala pa nya si Timothy, hndi rin nag tagal ay nakarating na sila sa tapat ng bahay at eto na nga ang mga chismosa na hindi magkamayaw kakadungaw sa lalaking kanyang kasama pinipigilan nya na nga na wag na itong bumaba ngunit hndi ito nag papigil dahil gusto daw nito na personal na mag paalam sa kanyang nanay at tatay.
Ngayon nga'y nasa sala sila katabi nya si Timothy sa kanilang mahabang kahoy na upuan at katapat naman nito ang upuan ng kanyang nanay Lia at tatay bert, naipaalam nya naman na ito sakanila ngunit kinakabahan padin sya pero itong lalaking katabi ay parang walang kakaba kaba sa katawan dahil naka ngiti lang ito sa kanyang nanay at tatay, nagulat pa sya kanina nang batiin nya ang mga ito at nag mano.
"Magandang gabi po ulit sainyo" diretsong tagalog nito.
Ngumiti ang nanay lia nya pero nanatiling walang reaksyon ang tatay bert.
"Buti Naman at napadalaw ka iho, matagal kana naming gustong makilala kaya nga lang ay abala ka daw sa iyong trabaho" si nanay Lia ang unang bumasag ng katahimikan dahil ang tatay ay nanatiling nag mamasid lamang.
"Opo sorry po at ngayon lang po ako naka punta sainyo" hinging pasensya ni Timothy.
"ayos lang iyon iho" sagot ni nanay Lia.
"Anong sadya mo iho" biglang tanong Naman ni tatay bert na nag pakaba sakin.
Wala namang tutol Ang kanyang tatay nang sabihin nya sa mga ito na napag disisyonan nyang sagutin na si Timothy dahil gusto din naman nya ito, pero ewan ba nya at bakit natatakot sya sa walang ekspresyong muka ng kanyang tatay.
"Sir, ma'am, gusto ko pong ipaalam sainyo na kami na po ni Pau" diretsong sabi nito at biglang hinawakan ang kanyang kamay.
Hindi na nagulat Ang kanyang nanay at tatay dahil gaya nga ng sabi nya ay nauna nya nang sabihin sakanila, pero mas nagulat sya sa walang padalos dalos na sinabi nitong katabi nya sa harap ng kanyang magulang na ngayon nya lang nakita at parang hndi naapektuhan sa mga tingin ng tatay bert nya.
"natutuwa kami iho, alagaan mo sana ang aming bunso wag mo syang sasaktan" nakangiting sabi ng kanyang nanay Lia.
"opo nay tay, promise po aalagaan ko po ng mabuti si pau" sagot ni Timothy.
Nanatiling tahimik ang tatay bert nya Hanggang sa makapag paalam si Timothy, lumapit sya sa kanyang tatay saka yumakap.
"dalaga na talaga ang bunso ko" Sabi nito habang hinahaplos ang buhok nya.
"natakot kaba kay tatay kanina?"
"medyo kinabahan lang po tay, bakit ang tahimik nyo po simula pa kaninang pag dating namin?" tanong nya dito.
"wag mo nang pansinin si tatay medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina" pag papaliwanag nito.
Nag alala sya dito kaya tinanong nya ito kung ano ang nararamdaman nito o kung may masakit ba dito ngunit sabi nya ay ayos na daw Ang pakiramdam nya, Lalo syang nag sumiksik sa tabi ng tatay bert nya at niyakap ito ng mahigpit.
"sobrang saya kopo ngayong araw Tay, salamat po sainyo ni nanay mahal kopo kayo ng sobra" Sabi nya dito ngumiti ito at humalik sa aking ulo.
"mahal ka din namin ng nanay at mga kapatid mo bunso" sagot ng kanyang tatay bert.