Nakahilata lang ako sa kama rito sa kwarto ko at kanina ko pa tinitigan ang number ni baklang Miel sa cellphone.
Dalawang araw na ang nakalipas pero iniisip ko pa rin kung tatawagan ko ba siya o hindi. Kung tatawagan nama’y wala rin akong sasabihin. Yes, I helped him, but I don’t intend to make him pay back. If he owed me his life, I haven’t thought of any things on how to make him pay.
Binalik ko na lang ang cellphone sa bedside table ko at humilata ulit, tiningnan ang kisame. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto, bumukas iyon at pumasok si Mira.
“Ate!” She’s so excited that she jumped and only made two steps from the door and landed on my bed. She’s enrolled in a taekwondo class this summer vacation. No wonder she can do that. Maya’t-maya makikita ko na lang lumilipad at nagsisipa sa ere.
“Mira, ano ba!”
“My crush accepted my friend request!” Nagtitili siya at halatang-halata ang kilig sa lawak ng ngiti niya.
“Good for you. Now get off my bed, matutulog na ako,” tugon ko lamang at inayos na ang kumot ko pero hinila niya iyon.
“Ate naman, ‘yon lang? Mula ng nakalimot ka, nakalimutan mo na rin yatang kiligin. Eh dati naman parang gusto mo akong sabunutan sa sobrang kilig mo sa crush mong taga college of law.”
Kilig?
I suddenly remembered Miel tying my shoelace. That time nakalimutan ko talagang bakla siya at totoong kinilig ako. It’s a sweet gesture for me. Bumangon ako nang may naisipang itanong kay Mira.
She’s also studying at BIS as a senior high school student in STEM strand and by mentioning about my crush, I think she knows about it.
“Taga-College of Law ang crush ko?” Tumango-tango siya. “Alam mo ba pangalan niya o itsura?”
“Hindi. Palagi kitang kinukulit na ipakita mo naman sa akin ang picture niya para ma-judge ko pero wala, ang damot mo. Ni pangalan, ‘di mo binigay.” Pinaikutan niya pa ako ng mata. Aba, bratinella.
“What was my last story with you about him?”
Sandali siyang napaisip. “Oh!” she exclaimed and even raised her index finger. Kulang na lang lightbulb sa ulo niya. “I remember you’re not being contented already just taking glances on him. Hmm, oo…” Tumatango-tango pa siya. “You’re being vocal of your feelings for him and you make sure, alam niya. Pero sabi mo rin na tinuturing ka lang niyang isa sa mga babaeng patay na patay sa kanya and!” Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Itinaas niya pa ang nakakuyom na kamao na para bang may pinaglalaban.
“You firmly believed that you should not be one of the other girls. You should be a step higher on them. In short, you should be special in the eyes of your crush. So, that night, you pledge to yourself in front of me that you’ll confess your feelings by hook or by crook.” Pinaliwanag niya iyan na para bang nagde-declamation, hay ewan ko na lang.
Napakunot ang noo ko. “Sigurado ka bang ako iyang kinikwento mo o isa lang sa k-drama characters na pinapanood mo?”
“Of course, my dearest unnie. I still know how to distinguish reality from dramas.”
“So, anong ginawa ko?”
Pinorma niyang krus ang mga braso. “Dead end. Kinabukasan ng gabing iyon, iyon ‘yong simula ng araw na nawala ka. At dahil nawala ka, hindi ka nakapagkwento sa akin at nang makabalik ka…”
I saw a glint of pain in her eyes.
“You can’t remember anything…” Nagtubig ang mata niya at nag-umpisa na nga iyong tumulo. “Even me.” Tuluyan na siyang humikbi. Hinila ko siya at kinulong sa mga braso ko.
Mira must have been so brokenhearted when I was gone missing. She still shed tears every time she remembers it. I hushed her. Ano ba ‘yan, kinikilig siyang pumasok dito kanina tapos ngayon umiiyak. Kasalanan ko pa yata dahil sa tanong ko.
“Tahan na. Nandito na ako oh, hindi na ako mawawala. “
“You must be.”
Her f*******: notification tone interrupted our drama.
“Wait lang.” Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang luha niya. Napangiti na lang ako, ang cute ng kapatid ko.
Binuksan niya ang cellphone. “Oh, that guy friend of yours named Miel, accepted my friend request.” Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.
“Huh? Patingin nga.” Agad niya namang binigay ang cellphone niya.
I opened his profile. Tumabi na rin siya sa akin para makakita.
“Woah,” she said in amazement. Paano ba naman kasi parang modelo siya sa bawat picture nito, parang endorser ng mga sinusuot niya.
“You know ate. He’s handsome. Paano mo ba siya nakilala?”
I smiled before started telling her the story.
“It was very unexpected. Alam mo naman akong mag-adventure trip, sa dulo ng mundo. So, who would’ve thought na may maliligaw roon na kagaya niya.”
“What is he doing there?”
“He was hanging by the cliff,” I plainly stated but Mira’s face is in shock.
“What? Are you serious? Anong ginagawa niya? Is he one of those people na near-death experience ang gustong maranasan?”
I smiled when I picture out in my mind Miel screaming and holding on for his life.
“No, he was one of the people that are unlucky. He was betrayed by his friends. They left them there hanging.”
Napatakip pa si Mira ng bibig niya. Itong kapatid ko minsan ang OA, ‘yon pa nga lang nasabi ko. Ano nalang kung sinabi kong bakla si Miel? Baka mag-flying kick na ‘to sa gulat.
Pinagpatuloy ko na ang pagkwento pero hindi ko lang muna sinali ang parteng bakla siya. I will let her discover it.
Nawala ang ngiti ko sa naisip. Discover? What? Am I looking forward that I will meet him again and expect hanging out with him?
Scroll lang kami ng scroll sa mga pictures niya at ingat na ingat. Mahirap na, baka aksidenteng maka-react, malaman pa niyang sino-stalk siya.
“I think you just found your new crush,” kinikilig na wika ni Mira.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Pagkaraa’y bumagsak ang balikat ko. “You think so?” tanong ko biglang pagsuko. Bakit ko pa ide-deny kay Mira kung kinikwento ko naman pala sa kanya dati ang mga nagugustuhan ko at higit pa roon, bakit ko pa ide-deny sa sarili ko. Ilang araw ko pa lang siyang nakasama pero nakaramdam na ako ng kilig sa ginawa niya at naa-appreciate ko na ang existence niya.
Wala namang masamang magka-crush sa kanya, crush lang naman. Ang pumipigil lang ay ang pagiging bakla niya. Hmp.
Tumango-tango si Mira. Lumawak ang ngiti namin at magkahawak kamay na tumili. Maya-maya lang ay tinulak ko siya.
“Aray, ate!” reklamo niya dahil nahulog siya sa kama.
“Alas nwebe na, matulog ka na. Tama na ang kilig. ‘Wag mo na rin munang pagpuyatan iyang crush mo.”
“You really got a mood.” Inirapan niya ako mabilis na naglakad palabas. Binagsak niya pa ang pinto ko.
Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang f*******: ko. Bagong gawa ko itong f*******:, dahil dineactivate ni Mira ang account ko dati noong mawala ako. Matagal na hindi na-activate kaya tuluyan ng na-delete.
I searched for his account. Should I send friend request? Naka-public naman ang profile niya. I scrolled in his timeline. Wala siyang gaanong post at minsanan lang din mag-post ng pictures. ‘Yong kaninang nakita ko sa cellphone ni Mira ay mga featured photos niya.
I scrolled – no, I stalked his timeline until I felt sleepy.
Pababa na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina para sa umagahan.
“Good morning,” I greeted. Papa is in his suit already, he’s a finance director in a car company.
“Let’s eat, where’s Mira?” ani Papa at sinimsim ang kape niya.
“Pinagising ko na kay manang,” sagot ni Mama na nakaupo rin sa tabi ni Papa. Umupo na ako at kumuha ng pagkain.
“Nakagayak ka Ma, saan ka?” tanong ko nang mapansin ang suot niya.
“Sa BIS, we will have a meeting for the enrollment next week. Oh, by the way.” Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. “I have talked to your doctor, he assessed you and says that you’re doing fine recovering. Pwede ka na ring bumalik sa pag-aaral if you like, should you enroll yourself already?”
Handa na ba talaga akong bumalik? Natatakot kasi ako. I was lost 3 years ago and after almost a year of searching they find me in a secluded orphan center which is a five-hour drive from the city. They found me there not as an orphan, of course, but a volunteer helping the sisters. And I don’t know how the heck I end up there.
Ang sabi ng mga sisters. It was one night and its raining hard, they found me helplessly lying outside, already pale and unconscious. They tried to ask for my identity, but I can’t remember a thing. The sisters just came up with my name Ellie.
Nang kinuha na ako nila Mama, dahan-dahan nila akong pinangalanan at binigyan ulit ng pagkatao. And for almost two years, I did nothing but soul searching. I haven’t gone to school for two years, too. I am afraid, I will be shocked and lost my mind again.