Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa pisngi.
“Wake up, Missy.” Umungol ako at balak pa sanang humingi ng 5 more minutes nang maramdaman ko kung anong posisyon ko.
Inangat ko ang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat niya. Masyado akong malapit sa pisngi niya kaya nang lumingon siya sa akin ay napakalapit namin sa isa’t-isa. I got a chance again to see his hypnotic brown eyes. Yes, hypnotic, because every time I stare at them it feels like it’s inviting me to be drown deep down what’s beyond those expression.
“We’re here. Sabog ka girl?”
And every time after I appreciate him, he never fails to remind me that he’s gay with just his simple words.
“Nan-nandito na tayo? Tulog ako buong byahe?”
“Hmm...” Tumayo na siya at saka ini-stretch ang balikat niya kung saan ako nakasandal kanina. “Not much,” he sarcastically said while intentionally showing me his cramped shoulder.
“Sorry. Sana ginising mo.”
“’Wag na, nakakahiya naman sa’yo.” Pinaikot niya pa ang mata bago kinuha ang mga gamit ko sa taas kung saan pwedeng ilagay ang mga bag.
Binigay niya sa akin ang duffel bag at nauna ng bumaba. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, alas sais na. Kaya pala medyo madilim na rin. Dali-dali kong inayos ang magulo kong buhok at sumunod na rin.
Pagkalabas namin ng terminal ay narinig ko ang sigaw ng kapatid ko.
“Ate!” Kumakaway siyang tumatakbo sa akin. She’s 16, a senior high school student. Kasunod niya si Mama na nakangiti lang.
“Mira,” sambit ko sa pangalan niya nang tuluyan na siyang makalapit at niyakap ako.
“Grabe namang yakap ‘to, dalawang araw lang ako nawala.” Kumalas na siya sa yakap kaya si Mama naman ang binalingan ko.
Pagkatapos ng aming yakapan ay saka ko lang naalala ang kasama ko na ngayo’y tinitingnan ni Mira. At kung pwede lang din umirap ang baklang ‘to baka ginawa niya na sa kapatid ko.
“Akala ko peace of mind ang hinanap mo ate, lalaki pala.”
“Baliw, nagkakilala lang kami roon. Ma, ahm...” Hindi ko naipatuloy ang sasabihin dahil nakalimutan ko ang pangalan niya. Ano nga ‘yon? Mikael? Miko? Milo? Shucks.
Tiningnan ko siya at gano’n na lang ang panlalaki ng mata niya habang nakatingin kay Mama.
“Dean Variego?”
Kilala niya si Mama? Ngumiti lang si Mama. “I assume you go to BIS? Since you know me?”
BIS? Ah, right. He mentioned he’s studying there. Mama is a dean in College of Business and Accountancy in Benjamin International School.
“Uhm yes po. I’m Miel Lordan, an incoming 4th year AB PolSci student po,” pagpapakilala niya na lamang sa sarili at inilahad ang kamay. Oh right, Miel. It’s just four letters, bakit ko ba nakalimutan? Nakangiti namang tinanggap ni Mama ang kamay niya.
He’s taking Political Science pala, I didn’t know that.
The way he introduces himself is so manly. Hindi pilit ang pagpabuo niya ng boses. Manly voice naman siya kapag normal voice eh, kapag nagtitili lang, doon mo malalaman ang tunay na kulay niya.
“Alright.” Tinungo ko na ang sasakyan ni Mama na ‘di kalayuan sa likod nila at sumunod naman sila. It’s a white Mazda CX9. Nilagay ko na sa loob ang duffel bag ko saka ko siya binalikan at kinuha ang backpack at mini jug ko sa kanya. Matagal kong tinitigan ang jug, pakiramdam ko maalala ko siya sa jug na ‘to.
Putek, napakamalisyosong alaala.
Pumasok na sa passenger seat si Mira at si Mama nama’y binuksan na ang pinto sa driver’s seat at akmang sasakay. “Missy, bakit hindi na lang natin siya ihatid? Gabi na rin naman.” Binalingan niya ito na nakatayo lang. “Saan ba ang inyo, iho?”
Napatingin din ako sa kanya at gano’n din siya sa akin na para bang hinihingi niya ang permiso ko sa magiging sagot niya.
“Po? No need na po, Dean.”
“Sige na, wala kang pamasahe pauwi,” pahayag ko.
“I’ll just contact someone to fetch me.”
“You don’t have cellphone,” agad kong sagot. He heaved a sigh as if defeated.
“Dela Mercedita Subdivision po.” Kita ko ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha ni Mama.
“How come you don’t have money nor phone when you live in that expensive place? And you’re Lordan, you came from a rich family. Walang Lordan na nauubusan ng pera,” Mama said frankly while there’s a hint of silliness in her voice.
Napakamot na lamang siya sa batok. He obviously got shy.
“Long story ma. Tara na.” Ako na ang sumagot. Kung gusto ni Mama ng kwento, we can do that while she’s driving.
Binuksan ko ang pinto sa backseat at sinenyasan siyang pumasok. Nag-aalangan pa siya pero pinandilatan ko siya at mabilis na ipinilig ang ulo ko. Wala na siyang nagawa kundi sumakay na rin. Wengya, pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan?
Sumunod na rin ako papasok. Pinaandar na rin ni Mama ang sasakyan. Tahimik lang ang byahe nang bigla akong kinulbit ng isang ‘to. I turned to him and saw him mouthing something.
“What?” I mouthed too. Patuloy lang siya sa pagsasalita ng walang tunog at ang tanging nakukuha ko lang ay ang pagtanong niya ng ‘why’. Sumenyas siyang ibigay ko sa kanya ang cellphone ko. Nagtataka man ay ibinigay ko na lang para malaman kung anong kinapuputok ng butsi niya.
May tinipa siya sa cellphone ko saka binalik sa akin.
You didn’t tell me Dean Marian Variego is your mom.
Tinipa ko rin ang sagot ko.
You didn’t ask. Ano bang problema? Were you scolded in her office?
What? No. I’m under College of Law and I’ve never been scolded.
Nababasa ko lang ito pero rinig na rinig ko ang boses niya sa isipan ko.
Then, what’s with your exaggerated reaction?
I’m just so shy.
Pagkabasa ko niyon ay hindi ko na pinahiram sa kanya ang cellphone. Ewan ko sa kanya. Anong gagawin ko sa hiya niya kung nandito na siya ngayon nakasakay at ihahatid namin.
Wala na kaming imikan. Napakatahimik ng byahe. Inaabala ko kasi ang sarili sa tanawin sa labas. Big billboards, tall buildings, streetlights and busy people. I just like the view of lights every night. Hindi rin umiimik si Mama. Si Mira nama’y tulog siguro.
Lumiko na kami, sandaling huminto si Mama sa gate at ibinaba ang bintana para kausapin ang guard.
“Good evening po, saan po tayo Ma’am?” tanong ng guard.
“Lordan’s residence.” Kasabay niyon ay binaba ni Mama ang bintana rito sa likod.
“Let us in,” nakangiting wika nitong katabi ko. Agad naman siyang nakilala ng gwardiya kaya binuksan na nito ang gate.
Tinuro niya kay Mama kung saan ang bahay nila. All I know and based on my observation through his actions, he really grew up from a rich family. It was confirmed by what Mama said earlier. But I didn’t know that he’s really living a luxury life when we stopped at the biggest house – no a mansion-like house in this subdivision.
“This is where you live?” I asked unbelievably. He just nodded.
“Thank you so much. Dean, please come inside. Let’s have dinner first, I just don’t know how to pay you back and all for Missy’s help on me.”
“Thank you but maybe next time. Missy’s father is waiting and also prepared a dinner for us.”
Tumango-tango na lang siya at binuksan na ang pinto ng sasakyan saka bumaba. Binaba ko rin ang bintana ng pintong binabaan niya. “Missy, can you lend me your phone for a while?”
“Bakit?”
“Since I don’t have phone with me, I can’t save your number. I will just save mine.”
Kinuha ko mula sa bulsa ang phone at binigay sa kanya. “Please contact me so that I can pay you back for all the expenses,” aniya habang tumitipa na sa cellphone ko. Binalik niya na ito pagkatapos. Akmang kukunin ko na ito pero hindi niya pa rin binibitiwan bagkus ay nakatitig na naman siya sa akin.
“I owe you my life.” Sa lahat ng nagpapasalamat sa akin, ngayon lang ako hindi naging komportable. Hindi na ako makatingin sa mata niya.
Binitiwan niya na ang cellphone ko saka si Mama naman ang kinausap. Todo pasalamat siya sa paghatid sa kanya. Ako nama’y ise-save sana ang number niya pero nakalimutan ko kung anong ire-register na pangalan niya.
“Bye po, ingat kayo,” aniya.
“Wait lang po, Ma.” Ibinaba niya ang bintana sa akin.
“What’s your name again?” I asked awkwardly. He brushed his hair and heaved a sigh again. I know I’m not good in remembering names.
“Miel. M-I-E-L. It’s just four letters, Missy,” he said as if frustrated on me being forgetful.
“Okay got it,” nakangiti kong tugon. Bago ko itinaas ang bintana ay nagpeke ako ng bahing. “Achoo! Oops, paminta.” I saw him giving me death glare before I rolled up the window.
Kanina pa kasi siya nagpapakalalaki, na-miss ko lang ang pagiging bakla niya.
He owes me his life. Hmm, what good payment should I ask for.