Chapter 5

1794 Words
                I am disassembling the tent while Miel is arranging some of my things. It’s my third day and I should go home. And this gay man is the more excited. Tahimik lang kami sa ginagawa nang bigla niyang ibagsak ang mga gamit ko. “What the hell!” “Are you kidding me? How will these damn things of yours will fit in your bag?” turo niya sa backpack ko. Dalawang bag lang ang dala ko, isang backpack at isang duffel bag para sa tent ko. Pinaikutan ko siya ng mata tsaka binagsak ang natapos ko ng irolyong tent. Inagaw ko ang mga gamit ko mula sa kanya at ako na lang nag-arrange nito sa bag. Padabog siyang umupo sa malaking bato at pinanood na lang ako. Habang sinasalampak ko ang mga gamit sa bag ay pinanlilisikan ko siya ng mata. Uma-attitude ang baklang ‘to, hmp! Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko ay sinuot ko na ang duffel bag at ang backpack ay initsa ko sa kanya kaya gano’n na lang ang pagkahisterya niya. “Ouch! Ano ba!” “Dahil pinakain at pinatulog kita ng dalawang araw at isasabay pa kita pauwi.” Hindi na siya umimik at isinukbit na sa balikat niya ang backpack na may kalakihan din. Kahit anong gawin niya talaga ay attituding. Nakakainis. Inayos ko ang gray na sombrero na suot at binitbit na rin ang mini jug na dala ko. Sa kabilang kamay ko naman ay ang kahoy na ipangtungkod ko habang pababa sa bundok na ito. “Mamulot ka na rin ng kahoy na ipangtungkod mo,” sabi ko sa kanya. “What is that for?” “Ipangtungkod nga at saka panghawi ng mga d**o sa daan.” “No thanks, I can manage,” mataray niya na namang sagot. Bahala nga siya sa buhay niya. Nag-umpisa na akong maglakad at kasunod ko naman siya. Mga isang oras ang lalakarin namin pababa ng bundok. Maya’t-maya’y nililingon ko siya at halata ang pagkairita niya sa mga nakasagabal na kahoy at dahon. Kung tao lang iyon ay baka nasubunutan na niya. “See? Kung namulot ka ng kahoy riyan at ‘yon ang pinanghawi, de sana madali buhay mo ngayon.” Yamot na yamot siyang naghanap ng kahoy, maarte niya pang pinulot ang kinuha. Hinlalaki at hintuturo niya lang ang nakahawak sa kahoy, ang tatlo’y nakapilantik na. “Gusto mong tissue?” sarkastikong wika ko sa kanya. “Can I have one?” Ay pucha, pinatulan nga. Binalik ko nalang ang atensyon sa nilalakaran. “Ganyan ka rin ba umasta noong kasama mo ang so-called friends mo paakyat dito?” tanong ko nang hindi siya tinitingnan. “Of course not. I was so manly. Kaya pa kitang buhatin paakyat sa sobrang tigas ko.” Bahagya akong napatawa na mas kinayamot niya. “Aish. Accepting their dare is the biggest regret of my life. You see?” Lumingon ulit ako sa kanya. “Walang magandang naidulot sa akin. They left me. I can’t be with them now. I don’t even know if I can guarantee that they won’t spread a thing about me. And here I am now, haven’t washed myself yet, haven’t even comb my hair, wearing clothes aren’t mine and struggling to go home,” he ranted. Ipinilig ko ang ulo. Kaawa-awang bakla. “There’s no use of ranting there, just charge it to experience. Bilisan mo na lang, kung ganyan ka kabagal ay aabutin tayo ng dalawang oras sa paglalakad.” Wala na naman siyang nagawa kundi bumusangot. Napangiti na lang ako at binalik na ang atensyon sa dinadaanan namin. “Wait,” aniya. Nilingon ko siya at tinaasan siya ng kilay. Ano na naman ang kaartehan niya? Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Binaba niya ang tungkod at lumuhod sa harap ko. Anong ginagawa niya? Inabot niya ang sapatos ko at tinali ang lumuwag na sintas nito. Wala siyang imik habang ginagawa iyon habang ako’y nanlalaki ang mata at tila napako sa kinatatayuan. Syet, Missy. Kinikilig ka sa isang bakla? Pwede niya naming sabihin lang para ako na magtali, ah? Ba’t kailangan siya pa ang magtali? “There.” Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harap ko at magkapantay na kami. Matangkad siya at medyo hindi ako pinagpala sa height, hanggang baba niya lang ako kaya bahagya akong nakatingala sa kanya ngayon. “Uhm, Salamat. Sana sinabi mo na lang para ako na nagtali.” “I’m bothered with untied or loose shoelaces.” Tumango-tango na lang ako at tumalikod na at nagsimulang maglakad. Napahawak ako sa dibdib at ilang beses huminga nang malalim. Ang simple ng ginawa niya pero parang naapektuhan ang buong sistema ko. Makalipas ang kalahating oras na paglalakad ay nakaramdam na rin ako ng uhaw at pagod. “Let’s stop for a while.” “Sa wakas!” Agad siyang sumalampak paupo mismo kung saan siya nakatayo. Para bang hinihintay niya lang talaga ang pagsabi ko na magpahinga muna. Mabuti na lang at sa damuhan ang bagsak niya. “Akala ko hindi ka tao na nakakaramdam ng pagod.” Tahimik na rin akong umupo sa damuhan mga isang metro mula sa kanya. Hinubad ko muna ang sombrero. Tila nakikiayon din sa amin ang panahon dahil mag-aalas onse na pero hindi gaanong mataas ang sikat ng araw. The walk is not that exhausting. Plus, the fact that I have lessened my baggage. Binuksan ko ang jug at tinungga ito. Pagkatapos kong pawiin ang uhaw ay napatingin ako sa kanya na nakatitig sa jug. Shucks. Wala akong dalang baso, tumbler o straw dahil ako lang naman ang iinom.   Kahapon, wala lang naman sa akin na nagshe-share kami sa jug na ito. Siya pa nga ang nag-inarte nang i-offer ko sa kanya pero wala siyang choice, makiinom siya o mamatay siya sa dehydration. Pero ngayon nag-aalangan na akong i-offer ito sa kanya dahil sa ginawa niya kanina. Kainis, ba’t kasi may ganoong paepek siya. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin. “O-oh.” Iniabot ko sa kanya ang mini jug habang iniiwas ko ang tingin ko. Kitang-kita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang malawak niyang ngiti nang abutin ito. “Thank you. Gosh, I’m so thirsty.” “’W-wag mong ubusin. Nangangalahati pa lang tayo sa daan.” Nagpahinga pa kami ng mga limang minuto bago nagpatuloy muli. Kukunin ko na sana ang jug sa kanya pero inilayo niya ang kamay. “Ako na magbibitbit nito.” “Ako pala? Baka dadayain mo ako, habang nakatalikod ako iinom ka,” banat ko na lang bago ko pa lagyan ng ibang ibig sabihin ang ginagawa niyang ‘to. “Hmm, I didn’t think of that but thanks for the idea,” nakangisi niyang tugon kaya nakita ko na naman ang perfect set ng maputi niyang ngipin. Inirapan ko na lang siya at napahilamos sa mukha pagkatalikod sa kanya. This is so dangerous. I’m starting to appreciate everything about him. Remember Missy, nakalimot ka man pero ‘wag mong kalimutang bakla siya.   Malapit nang mag-ala una ng hapon nang makarating kami sa bayan. Inaya ko muna siyang kumain ng pananghalian sa isang maliit na karinderya bago maghintay ng bus. Pumasok muna kami at nilagay ang mga gamit bago namili ng ulam. “Ano sa’yo?” tanong ko habang abala sa pagpili ng ulam. Nakapili na ako at nakapag-order na rin. “Nakapili ka na?” tanong ko pa ulit habang kumukuha ng pera sa wallet ko pero napatigil ako nang makita ang mukha niyang hindi na naman maipinta. Palinga-linga rin siya sa paligid. “Bakit? Anong problema?” Nabigla ako nang hinawakan niya ang braso ko at hilain palabas ng karinderya. “Ay, wait lang po ate ha,” sabi ko sa tindera. “Oy bakit bigla ka nalang nanghihila, bitiw nga.” “Sigurado kang diyan tayo kakain? Malinis ba riyan? Kilala mo ba sila? Alam mo ba kung saan galing ang mga niluluto nila?” Napabuga ako ng malalim na hininga. “You’re so judgmental. Naghahanapbuhay sila, tingin mo ba manglalason sila ng mga tao kung gusto lang naman nila kumita?” Dinuro ko pa siya. “Namumuhay ng marangal ang tao eh. At saka kailangan ko bang kilalanin at ipa-background check ang kakainan ko?” “I’m just being cautious. I’m not judgmental,” he retorted. “Whatever you say, so kakain ka ba?” Hindi pa man siya nakasagot eh naunahan na siya ng tiyan niya. Kapwa bumaba ang tingin namin sa tiyan niya. Binigyan ko naman siya ng nang-aasar na ngiti bago pumasok ulit sa karinderya. Kinuha ko na ang order ko at tinungo ang mesa naming. Hinayaan ko siyang mag-order ng kanya. “Ate, what is this ba?” maarteng turo niya sa isang putahe. “Papait po, trenta lang.” “Is this lamang loob?” Lihim nalang akong natatawa sa kaartehan niya. Sa huli’y binigyan siya ng beefsteak ni ate. Nahalata yata nito ang pagkamaarte kaya binigyan ng kilala niyang ulam. Pagkatapos kumain ay tinungo na namin ang hintayan ng bus na nasa gilid lang din ng daan. “Dami mo ng utang sa akin. Paano mo kaya ako babayaran?” wika ko at umupo sa kawayan na upuan sa gilid ng daan. Ako naman kasi ang nagbayad ng pagkain niya dahil dinala ng mga so-called friends niya ang mga gamit niya kabilang ang wallet at cellphone. Medyo maraming tao rin ang naghihintay kaya talagang makikipagsiksikan ako mamaya ano mang mangyari. In-extend ko ang kamay at pinatong sa back rest ng upuan na gawa rin sa kawayan at dumekwatro pa. Tiningnan ko siya na nanatiling nakatayo sa harap ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Suot niya ang plain moss green t-shirt ko at black jogger pants. Medyo bitin sa kanya ang jogger pants ko pero hindi iyon ikinasira ng pagkatao niya dahil ang galing niya magdala. Nangunot ang noo ko nang tinakpan niya ang katawan na para bang pinagsamantalahan siya. “What?” asik ko. “I can pay you with cash. Bakit kailangan itong katawan ko pa?” Pucha. Anong iniisip niya? Hindi na ako nag-atubiling itama ang marumi niyang pag-iisip, bagkus ay sinabayan ko na ito. Ngumisi ako at muling pinasadahan siya ng tingin, sinigurado kong malagkit iyon. “Bakit? Mas malaki babalik sa akin kung pagkakakitaan ko ang katawan mo.” “How dare you!” Mag-iinarte pa sana siya nang dumating na ang bus. Agad ko siyang hinila nang magsitakbuhan ang iba pang pasahero patungo sa bus. Nagsisiksikan na kami ngayon sa pinto ng bus at hindi na rin kami makontrol ng driver at konduktor. Walang gustong magpahuli dahil walang gustong tumayo. Limang oras ang byahe pabalik sa syudad, walang gugustuhing tatayo ng ganoon kahaba. Nang malapit na ako sa pinto ay naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay kong pinanghila ko sa kanya. Sigurado akong sa palapulsuhan ko lang siya hinawakan kanina pero bakit magkahawak kamay na kami ngayon? Nilingon ko siya dahil nahihiwalay na siya sa akin dala ng pagtutulakan ng mga tao. Tsk. Halatang anak mayaman, hindi marunong dumiskarte at makipagsiksikan. Narinig ko ang malakas niyang pagtikhim saka nagsalita. “Excuse me.” Isang baritonong boses ang pinakawalan niya. Natahimik at natigilan ang mga tao, kahit ako’y nagulat sa ginawa niya. Hindi siya sumigaw pero sapat na para marinig ng mga taong nag-uunahan. Hindi pa rin nakagalaw ang mga tao at nakatulala lang sa kanya. Dahan-dahan siyang humakbang hanggang sa makalapit na siya sa akin. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko at ako na ang iginiya niya papasok ng bus, nakasunod ang lahat ng mata sa amin. Napakatahimik na bawat yabag lang namin ang naririnig. Tila ba tumigil ang mundo at ang oras ng ibang tao at kami lang ang gumagalaw. Hanggang sa makaupo na kami saka lang muling bumalik sa reyalidad ang mga tao at nagtulakan. What did he just do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD