Chapter 4

1682 Words
Malalim na ang gabi. Sinipat ko ang cellphone para tingnan ang oras. Alas onse na pala, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gano’n din yata ang kasama kong ‘to na kanina pa walang imik at kibo. Nagbukas ako ng cup noodles na dala ko, binigyan ko rin siya. Mabuti nalang talaga at sobra-sobra ang mga dala ko. Magkaharapan kaming naka-indian sit sa loob ng tent habang kumakain. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Nilapag ko sandal ang cup noodles at naghalungkat sa bag ko ng ekstrang damit ko. Kinuha ko ang isang white tshirt at camouflage short. Buti nalang din talaga hindi ako girly kaya swak lang din itong damit ko sa kanya. “Oh.” Tinapon ko sa kanya ang mga iyon. Hindi niya naman ine-expect ‘yon kaya nag-isang linya na naman ang kilay niya. “What are these?” Bumalik ako sa pag-indian sit. “Isuot mo. Asiwang-asiwa na ako sa itsura mo, hindi na ako nag-eenjoy. Masakit na sa mata,” sabi ko at binalik ang atensyon sa pagkain. Ilang minute pa ang lumipas pero wala pa rin siyang imik. Yakap-yakap niya ang mga damit at nakatingin lang din sa akin. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Uhm... where can I change?” I heaved a deep sigh. Tumayo nalang ako at binitbit ang cup noodles palabas. Pambihira, ako talaga nag-a-adjust sa lahat. Pagkatapos kumain ay nagsindi ako ng mga sanga, malayo-layo sa tent. Mahirap na kung malapit, masunog pa eh. Nakapagbihis na siya at lalaking-lalaki na siya ngayon. Napapagitnaan namin ang apoy at wala kaming imik. Pero maya-maya lang ay panay ang titig niya sa akin. Ano bang problema ng baklang 'to? "Anong tingin 'yan?" "Ahm..." Para siyang balisa, hindi mapakali. Panay rin ang paglinga niya sa paligid. "Ano nga?" "Pwede mo ba akong samahan?" Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Samahang umihi," dugtong niya. Ha? Sigurado ba siya? "Kaya mo na 'yan. Diyan lang oh. " Turo ko sa madilim na kakahuyan. Napatakip ako sa tainga nang bigla siyang tumili.  I can’t help but to roll my eyes. Aish! Ang baklang ‘to. "Eh paano kung biglang may tumuklaw sa akin diyan?" "Oh, anong pinagkaiba niyon kapag kasama ako? Gagawin mo akong shield?" "Hindi naman. At least diba, may kasama akong matuklaw." Ang sarap tadyakan ng isang 'to. "Halika na nga," sabi ko at tumayo. Tumayo rin siya't lumingkis pa sa akin. Ang awkward lang at ganyan siya makayapos sa akin. Ngayong maayos na ang suot niya, hindi talaga siya mapaghihinalaang bakla. Pati pagsasalita niya ay maayos rin minus the kaartehan at tili part. Hindi siya katulad ng ibang bakla na hindi ko alam kung saang planeta pinulot ang lengwahe nila. Maarteng conyo lang siya. Shucks. Masyado ko namang nililinis ang pagkatao niya. Ano bang makukuha ko rito? Pagkarating sa kakahuyan ay nagdadalawang-isip pa siya kung bibitiw siya sa akin o hindi. "Oh. Bitiw na. Baka gusto mong ako pa magpaihi sa'yo?” "Sige, ikaw na rin maghubad," aniya. Mariin akong napapikit. Kung dakila akong pang-asar at pilosopa, mukhang nakakita na nga ako ng katapat ko. "Tse! Manyak kang bakla ka!" Lumayo ako ng kaunti dahil baka ibang ahas pa ang makita ko. Sandali lang ang lumipas at tapos na siya. "Ikaw? Hindi ka iihi?" "'Wag na, bosohan mo pa ako eh." "Dami na'kong nakita sa babae," simple niyang turan pero ako’y gulantang. "Anong ibig mong sabihin?" "Kusa silang naghuhubad sa harap ko para mapansin ko, sabi ko naman sa'yo, heartthrob ang paningin nila sa akin sa school." "Heartthrob?" Pinigilan ko ang tawa. Tiningnan niya lang ako kaya tinapos ko na ang tawa. "Anong reaksyon mo 'pag gano’n?" tanong ko at nag-umpisa nang maglakad pabalik sa tent. "Nagugulat syempre. Pero hindi ako pumapatol." "'Yon lang? 'Di ka naaapektuhan?" "Depende sa babae." "Taray, ang choosy." Pagkabalik sa tent ay mahabang kwentuhan pa ang naganap. Buhay niya lang naman ang nakekwento. Wala naman akong mai-share dahil wala akong maalala. Kahit kasi pakonti-konting flashback ay wala. "Alam mo bang...” Bumitiw na siya sa akin pagkabalik namin sa pwesto. Umupo muna siya bago niya pinagpatuloy ang kwento. “May babaeng humila sa akin dati sa school? Pinasok ako sa cubicle at ginahasa." Napaatras naman ako sa sinabi niya. "Ginahasa ka talaga?" Napangiti siya. "Joke lang. Ninakawan ako ng kiss dahil matagal niya na raw akong gusto." Bigla akong naging interesado sa kinkwento niya. "Tapos? Anong ginawa mo?" "Sinampal ko." "What? Ang hard mo ah." "Malamang! 'Di kami talo no!" "Kawawa naman 'yong babae. Kilala mo ba siya?" "Siya si..." Natigilan siya't napatingin sa akin. Kakaiba 'yong tingin niya, seryosong-seryoso at hindi ko na nakikita ang may papilantik na pilikmata niyang kalandian. "Ano na? Pabitin naman eh," sabi ko dahil nakakabigat na ng atmospera ang titig niya. Yumuko siya at pumulot ng sanga saka iginatong sa apoy. "Nakalimutan ko pangalan eh." "Ano ba 'yan, nag-isip ka pa." Mahaba-haba pa ang napag-usapan namin bago napagpasyahang matulog. Nang matutulog na ako ay saka ko lang naisip kung saan matutulog ang isang 'to. "Saan ka matutulog?" tanong ko "Ako nga dapat ang magtanong niyan. Saan mo ako patutulugin?" "Makatanong 'to, obligasyon kita?" Malaki naman ang tent ko pero... "Sige na nga, dito ka na sa loob. Pero ayusin mo ah, may mali ka lang magawa. Sisipain kita palabas." "Depende 'yan. Tayong dalawa lang pa naman dito," sabi niya at kumindat. Gwapong malanding bakla! "Ngayon pa lang, parang sisipain na kita." "Joki joki lang. Ito naman, 'wag masyadong feeling. Baka nga ikaw pa gumapang sa akin at pagsamantalahan mo ang aking virginity," aniya't may pa yakap pa sa sariling nalalaman. "Asa ka, bakla!" Humiga na ako at tumalikod sa kanya. "Goodnight Missy, thank you." Natigilan ako sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko. Parang ang sarap sa tainga, parang gusto kong mapakinggang muli. Napahawak ako sa magkabilang tainga. Ano ba ‘tong iniisip ko? Rinig ko ang malalim niyang paghinga. Tulog na agad? Umikot ako at hinarap siya. Tinitigan. Hmmm, gwapo siya at 'di maikakaila 'yon. Hindi talagang mapaghihinalaang bakla siya. Naalala ko ang paulit-ulit niyang pagtanong kanina kung hindi ko ba siya kilala. Kilala ko kaya siya dati? O kilala kaya niya ako? Hindi ko siya maalala pero bakit pakiramdam ko kilala ko siya? Ang hirap ng walang maalala. Para kong kinakapa sa dilim ang mga mukha ng nakakasalamuha ko araw-araw noong nasa bahay ako. Kaya mas pinili kong gumala nalang nang gumala.   I have dissociative amnesia. Yes, I lied to him when he asked. Ayokong kaawaan niya ako. For the two years, bawat taong nakikilala ko at nakakausap, kinakaawaan ako. I hate those pity eyes. After hearing that I’m suffering from this amnesia, the next step of those people I met is to help me remember things. At first, okay pa siya dahil gusto ko ring makaalala pero wala, napagod na ako. I think I am meant to create new memories. My doctor said it was due to too much emotional strain and I don’t know what traumatic event it could be that led me to emotional breakdown and worst, amnesia. My family is safe. My parents are alive, my younger sister is healthy. All the people that concern me are there. ‘Yan ang alam ko dahil ‘yan ang sinabi ng pamilya ko. I just don’t know. That’s why until now I’m still wondering what event is it that my mind chose to forget. Naramdaman yata ng isip ko na hindi na kaya ng puso ko ang sakit kaya napagpasyahan ng utak kong kalimutan iyon. Binuksan ko ang cellphone at nagpunta sa notes. Kinwento ko ang nangyari ngayong araw. Ganito ang ginagawa ko araw-araw, parang daily journal ko, and was prescribed by my doctor.   Pagkatapos ay sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Nakapikit ako pero mulat na mulat ang isip ko. May eksena sa isipan ko na parang nasa eskwelahan. Normal lang naman, may mga estudyanteng gumagala kahit saan. May mga grupo ng babae na nagsisigawan at may mga grupo ng lalaking naglalakad. Tapos may isang eksena na namang may babae na hinihila sa kwelyo ang isang lalaki at patungo sila sa CR. Minulat ko ang mata dahil may kumagat sa'king lamok kaya napabangon ako. Hindi ko naman nahuli, kainis. Humiga ulit ako at pumikit. Pilit inalala kung ano 'yong naisip ko kanina pero wala ng natira, wala na akong naaalala. Ano 'yon? Bwisit na lamok 'yon. First time pa naman mangyari ang gano’n dalawang taon akong walang maalala. Simula na ba 'yon? Simula na ba 'to ng pagbalik ng memorya ko? Hindi na rin naman ako umaasa na may maalala pa ako. Tiningnan ko ang katabi ko, mabuti pa 'to ang himbing ng tulog. Ilang papalit-palit pa ng pwesto ang ginawa ko para makatulog pero wala. Gising na gising ang diwa ko. Lumabas ako ng tent. Napahimas ako sa braso nang kumapit agad ang malamig na hangin sa balat ko. Madilim, pero hindi naman ako natatakot. Sanay na ako sa mga ganitong lugar. "Missy?" Napalingon ako sa kanya. Medyo malat pa ang boses niya at pupungas-pungas siyang sumisilip sa labasan ng tent.  Teka, ano nga ulit pangalan niya? Dapat pala sinasali ko na sa daily journal ko ang mga pangalan ng mga taong nakikilala ko. "Hmm?" tanong ko nalang. "Anong ginagawa mo riyan?" "Naghihintay," simpleng sagot ko. "Ng?" "Multo," biro ko. "Multo? For real na 'yan, ses? Anong gagawin mo 'pag naka face to face mo riyan?" "Kukumustahin siya." "For sure? Goodluck to you ah, chika mo nalang sa akin bukas – " Natahimik siya pati na rin ako dahil sa biglang paglakas ng hangin. "Oh my gosh, did you feel that? Dumating na yata ang hinhintay mo." "Baka nga, kaya matulog ka na riyan." "Aren't you scared?" "Hindi ako katulad mong matatakutin no –" Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi nang naulit ang nangyari. Lumakas ulit ang hangin at nagsiliparan ang mga dahon. Napatigil ako nang makarinig ng ilang kaluskos. Walang ano-ano'y pumasok ako sa tent. "Oh! Akala ko ba 'di ka takot?" may pang-asar niyang tanong na bumalik na sa pagkakahiga. "'Di talaga! Malamig sa labas! Matulog ka na!" "Oh, kalma ses. Ang high mo." Binaba niya ang eye mask na suot. Napatitig ako roon, teka akin 'yon ah. Kailan niya kinuha ‘yon? "Hoy!" Hinila ko ang eye mask mula sa pagka-feel na feel niyang pagsuot nito. "Ouch!" Napabangon siya't napaupo. "Akin 'to ah! Aba, mahiya ka na. Tinulungan na kita, pinakain, binihisan, pinatulog –" "Ah uh, I know pero 'wag ka namang magdrama na parang nag-adopt ka ng bata at nilayasan ka." "Walangya talaga." Sinuot ko muna sa ulo eye mask, kaya siguro hindi ako makatulog kanina. Humiga na ako at binaba sa mata ang eye mask. Naramdaman ko namang humiga na siya. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD