Chapter 3

1383 Words
Gabi na at nasa labas kami ng tent nagmuni-muni. Kanya-kanya rin kaming tampal ng lamok na dumadapo sa amin. Kamot na rin siya ng kamot. Tanging ang dala kong solar emergency light ang nagbibigay liwanag sa amin, kahit medyo madilim ay naaaninag ko ang namumula niyang balat dahil sa pagkamot. Kinapkap ko sa bulsa ang pinahid kong off-lotion kanina, gano’n pa rin naman, nilalamok pa rin ako pero baka umepekto naman sa kanya. Inabot ko ang lotion sa kanya. “What’s that?” “Off lotion.” “Is it even effective?” I rolled my eyes on him. Bago ko pa ibaba ang kamay na nakalahad ay kinuha niya na ang lotion. Tsk, kukunin din pala. Sinimulan niya na iyong ipahid sa binti at braso. "Anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan itsura mo?" tanong ko tukoy sa pananamit niya. "Napagtripan ng kaibigan," aniya. "At hinahayaan mo lang ganyanin ka? Bakit ka nahulog do’n?" Natigilan siya sa pagpahid at tiningnan ako. A frustrated look. Woah, what’s that? Bakit sa akin niya ‘yan binibigay? Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "You really don't know me?" "Hindi nga. Sino ka ba?" "So, I guess I can disclose my real self to you?" "Bakit? Peke ba pagkatao mo?" "Ay grabe makapeke. Pakiramdam mo sa'kin? Pirata?" "Malapit na." "Ay iba rin ang tabil ng dila mo girl." "So ano na nga?" Yumuko siya ta nag-umpisa na naman magpahid sa binti niya. "To make it short. My whole life was a lie." Nakatanga ako sa kanya sa pag-aakalang may idudugtong pa siya o mag-uumpisa ng mag-kwento pero wala na. Aamagin na yata ako, wala pa rin. Puro kuliglig at kung ano-anong insekto na lang ang narinig ko. "Grabeng shortcut naman. Details please," wika ko. "Ay okay. Basta I trust you ha?" "It depends." Mabilis pa sa alas-kwatro siyang tumingin sa akin. He’s giving me sharp looks. "Wala na girl. Naipakita ko na ang pagkatao ko, sabunutan kita eh.” He paused for a moment then continued again. “So ito na nga, ‘yong mga papalicious na kasama – " Ipinilig ko ang ulo baka sakaling mali lang ako ng rinig. "Ano? Pakiulit? Papalicious?" Natapos na siya sa pagpahid, tumayo siya at pinagpagan ang puwit. “Yes!” aniya saka umupo sa tabi ko, leaving a space between us. “Hindi mo ba napansin? Ang yummy kaya nila. Kung hindi nga lang nila yinurakan ang pagkatao ko naku naku." Napakunot ang noo ko at ilang beses na kumurap-kurap. Hinead to foot ko siya uli. "Bakla ka?" voicing out my thought. Although kanina ko pa napansin, pero iba pa talaga nang makumpirma ko ngayon. ‘Yong tipong naghinayang ako sa p*********i niya? Ang gwapo niya kayang lalaki. Tsk. Sayang ang lahi kung babakla-bakla. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. May pahampas pa siyang nalalaman na akala mo close kami at nagbiro ako sa kanya. "Sagutin mo ako. Hoy!" "Ay." Napahawak siya sa dibdib. "Nililigawan mo ako?" Gulat-gulatan pa ang ekspresyon niya. "Ano ka? Pinagsasabi mo?" "Sabi mo sagutin kita eh." "Lantod mo! Sagutin mo 'yong tanong ko." "Okay fine fine." With hand gesture pa siya at papikit-pikit acting like defeated. "So, the story goes like, they're my friends. Kita mo 'yon? Ang sayang diba? Friends ko sila, kaya 'di ko sila malandi-landi." "Malandi ka nga," komento ko. "So ayun. I make friends with them in order to cover the real me. But then, nalaman nila kanina dahil sa pangyayari na napasigaw ako at napayakap sa uhm oh la la biceps ni Alred. I was forced to concede." Ngumawa na naman siya. Putek 'yan, with matching paiyak-iyak effect pa siya. "Kaya ayun napagtripan nila ako. You see, what I'm wearing? I don't like this naman. I'm a gay but I still dressed like a guy – " "Ayun. Okay na, nasagot mo na. Dami mong nobela," putol ko sa kanya at tumayo na. "Huh? Wait. Patapusin mo na ako, sinimulan mo eh. Panindigan mo ako." Hindi na ako sumagot at desidido ng papasok sa tent. Ang landi niya kausap eh. Para bang binuntis ko kung makapagsabi ng panindigan ko siya. Nagulat ako nang hinila niya ang palapulsuhan ko kaya napabalik ako ng upo. Napangiwi ako sa impact, ang sakit ng pagkasalampak ko sa damuhan. Akmang susuntukin ko siya nang umatras siya. “Oops, ang violent.” Binigyan ko siya ng masamang tingin bago inayos ang pagkakaupo. "So, going back...” Simula niya, determinado siyang magkwento at desperado siyang mapakinggan. “I need to dare to climb down para tanggapin nila ako. They assure naman na they'll help me but 'yon nga ang nangyari they left me." Sinundan niya pa rin iyon ng maarte niyang iyak. "Bakit kailangan mong magpanggap?" "For the reputation. For my father. Sa school, do you even know that we're heartthrob? Jusko. The ewness is with me when there are girls making landi-landi to me, but I just can't. Ako pa man din ang habulin, kasi ako raw ang pretty – I mean gwapo." "Bakit ba kayo nandito?" tanong ko. He shrugged his shoulder. "Trip lang, adventure rin since its vacay break." "Saang school ka ba nag-aaral?" "Benjamin International School." Tumango-tango lang ako. "How about you? What happened to you? A-are you... still studying?" Hindi ko alam kung saang part ang dapat niyang ikautal. Bakit kailangan niyang mautal? "Ewan. ‘Di ko alam. Ang natatandaan ko lang ang pangalan ko." Naramdaman kong hinigit niya ang hininga, maarte niya pang tinakpan ang bibig na tila ba gulat na gulat. "What?! You mean, you have amnesia?" "Exagge. Hindi naman amnesia. But I'm not sure." "Saan ka umuuwi?" "Sa bahay. They say, they're my family." "So, what are you doing here? Balak mong mag second the motion kay Dora?" "Adventure. Exploring. Trekking. Tama ka nga, balak kong mag second the motion kay Dora. This is my life when I can't remember anything anymore except my name." Tiningnan ko siya baka kasi dada ako ng dada tinulugan na pala ako. Pero hindi, titig na titig siya sa akin. "Anong tingin 'yan?" Hindi pa rin siya nakasagot. He looks at me intently and it’s getting awkward for me. It seems like he’s giving me time to appreciate his expressive brown eyes. At ang nakaawang niyang mapupulang labi, para bang ang sarap halikan. Lalo na’t sa kanya nakatutok ang lights, nagniningning siya sa mga mata ko. Para bang siya ang liwanag sa kadilimang ito. Bago pa ako makaabot kung saan ay binawi ko na ang tingin at tumikhim pero hindi pa rin siya natinag. Tsk, saan na rin kaya naglagalag ang isip nito. "Hoy!" untag ko sa kanya sabay pilantik ng daliri sa mismong harap ng mukha niya. Ilang beses siyang napakurap-kurap. "A-ah uh. Ano? Ano 'yon?" "Anong tingin 'yan? Nai-inlove ka na sa akin?" nakangisi kong banat sa kanya pero napalis iyon sa eksaherado niyang reaksyon. “What?! No!” Ramdam ko ang matinding pagkagusto niya sa mga babae. "Grabe maka-react. Halikan kita riyan eh!" Nagulat ako sa biglaang pagtayo niya. Nakahawak sa labi ang isa niyang kamay at ang isa nama’y nakapameywang. Naglakad siya pabalik-balik sa harap ko na parang balisa. Teka, nakaka-offend na siya ah. Babae rin ako, ‘no. Sa inaasta niya ngayon parang wala ng advantage ang babae sa lalaki kundi ang pagkakaroon na lang ng matres. "Oy joke lang. Ito naman masyadong seryoso, ganyan ka ka-allergy ka sa halik ng babae?" natatawa kong tanong. Tumigil na siya at luminga-linga sa paligid. "Hindi ka pa uuwi?" tanong niya. Balak niya bang umuwi sa gantong oras? Dapat kanina pa sya nagtanong. Umiling ako. "Nope. Sa makalawa pa ako uuwi, at saka wala ng byahe papunta sa bayan para makasakay ka sa bus going to Manila," paliwanag ko na siya na namang ikinagulat niya.  "You mean to say, I can't go home na?" "Depende," sagot ko. "Puro ka depende girl – " "Depende. Dahil malay ko bang may susundo sa'yo? Edi makakauwi ka, pero kung wala. Malamang hindi," putol ko. "So true?!" mataas ang boses niya sa pagtanong. Sigaw na nga eh. "Oo nga, 'wag kang sumigaw. Hindi porket bundok 'to magsisigawan na tayo. Nakakabwisit pa naman 'yang boses mo." "Ay ang harsh mo girl ah. Pero how?" Tumingala siya sa langit na may pahawak pa sa dibdib. 'Di pa rin ako maka-get over sa suot niya, kaganda ng katawan, bakla! "How? How will I go home?" pagkanta niya sa tonong Where did I go wrong. "Maglakad ka," simple kong sagot. "No. Alam mo girl, pretty ka pero 'di ka brilliant." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Ano ba naiisip mo?" hamon ko. "Cellphone. Do you have cellphone?" maarte niyang sabi. "Alam mo bakla, bakla ka nga pero wala kang common sense," panggagaya ko sa kaartehan niya. "What?" "Walang signal dito." "What?" Wala na ba siyang ibang masabi? "What?" balik ko rin sa kanya. Sumalampak siya sa damuhan at doon na nagmukmok. Hanggang sa lumalim na ang gabi, nando’n pa rin siya. Nagrorosaryo yata, hindi na umiimik eh.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD