Nakarating ako ng school alas otso pa lang pero mamayang 9:30 pa ang klase ko. Dumiretso na muna ako ng cafeteria para kumain. Pagkarating ay bumili ako ng yogurt milk at pinaresan ko ng pancake As usual sa sulok na naman ako, kakaunti pa lang naman ang estudyante dahil nga siguro’y maaga pa. Tahimik lang akong kumakain nang may tatlong babae ang umupo sa kabilang table. Kaliwa’t kanan ang bitbit nilang libro, may naka-roll pang puting kartolina yata at may laptop bag pa. Ang isa sa kanila’y nakasuot pa ng makapal na eyeglass. Hmm by the looks of it, ito yata ang grupo ng estudyanteng ang gusto lang eh mag-aral at walang panahon sa ibang bagay basta hindi academic related, at sila rin ang kadalasan ang prone to bully. Naiwan sa upuan ang babaeng nakasalamin at ang kasama nitong napaka-k

