“Miel! Miel!” Alam kong naririnig niya ako pero bwiset na baklang ‘to, nagbibingi-bingihan. Kanina ko pa siya tinatawag at sinusundan mula library at ngayon nasa Law Building na kami, medyo malayo-layo rin ah. Nakaupo lang ako roon sa tambayan ko kanina nang makita ko siyang lumabas ng library kaya tinawag ko pero hindi niya ako pinapansin. Nakakainis. Sa aming dalawa, ako dapat ang nagdadrama ng ganyan dahil ako ang sinampal niya kahapon. Ngayon siya pa ang may lakas ng loob para umasta ng ganyan. Huminto ako at napayuko. Humahangos kong itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Bwiset talaga. Wala na akong choice. “Kung hindi ka hihinto, ipagsisigawan ko ang sekreto mo!” sigaw ko at boom, awtomatiko siyang lumingon. Nakarinig ako ng tawanan mula sa grupo ng lalaki na nasa gi

