Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Papalabas na ako ng bahay nang makasalubong ko pa si Mama sa pinto na kakarating lang. “Where are you going, Missy?” “May emergency lang po kay Miel, babalik din ako agad Ma, tatawag po ako mamaya,” tuloy-tuloy kong pahayag para wala ng dahilan para pigilan pa ako ni Mama. “O-kay? Mag-ingat ka. Don’t forget to give me a call.” “Opo.” Nilampasan ko na siya sa pinto, pabukas na sana ako ng gate nang may maisip. “Ma! Can I use your car?” sigaw ko mula sa pinto dahil nasa itaas na siya ng hagdan. Malayo man pero kitang-kita ko ang kunot ng noo niya. “What is that kind of emergency?” Sasabihin ko ba? I’m sure Mama wouldn’t like the idea of me being involved in other’s family issue and she doesn’t know yet that Miel is gay. “Magta-taxi na la

