Chapter 1

1005 Words
I am unpacking my things after giving myself some rest. Nilabas ko ang tent at inayos sa ilalim ng lilim ng malaking puno. After fixing my tent, I walked towards the edge of the cliff to jump. Syempre joke lang 'yan, hindi naman ako umakyat ng bundok ng ilang oras at ilang tubig ang naubos para lang magpakamatay. Tumayo ako sa edge at dinamdam ang hangin. Ang ganda ng tanawin, parang pang-Sagada na rin ang view. Pumikit ako para namnamin ang katahimikan. Napaka-refreshing ng lugar, tanging pagaspas ng hangin at huni ng mga ibon ang maririnig. "Oy oy mga tol! Tulong naman! 'Wag niyo 'kong iwan!" ...at maingay na hiyaw ng lalaking parang bakla rin pala. Ano ba 'yan, nasa tuktok na nga ako ng bundok para maasam ang katahimikang minimithi ko pero hindi rin pala. Bumalik nalang ako sa tent dahil nasira na ang solemnity. "'Nak ng! Seryoso na 'to mga tol! Hoy!" Nakarinig nalang ako ng mga nag-uunahang yabag. "Tara tol! Kaya niya na 'yan" Napailing nalang ako, nagkamali yata ako ng piniling lugar. "Tulong! May tao ba riyan? Help!" Ano bang trip ng mga 'to? In-on ko na lang ang maliit na bluetooth speaker na dala ko. I let Bon Jovi hit the place with his It's My Life. Pumwesto pa akong parang may hawak na gitara at sinabayan ang kanta. "This isn't a song for a brokenhearted No silent prayer for the faith-departed!" "May tao! May tao! Help! Whoever you are with a kind heart! Help me please!" Napatigil ako sa pag-he-headbang sa narinig. Seryoso na ba talaga 'yan? Naglakad ako patungo kung saan nanggagaling ang sigaw. "Tulong! Kung sino ka man, please tulungan mo ako!" Umabot na ako sa dulo ng bangin wala pa rin akong nakikita. Nanlaki ang mata ko, 'di kaya may nahulog na rito? Tapos ngayon nanghihingi ng tulong? Jusko. Mag-isa pa man din ako. "Tulong! Nandito ako! Hello? I'm here sa baba! Please naman, the sanga will gonna c***k na!" The sanga will what?! Napaka-conyo, anak ng! Yumuko pa ako dahil baka nasa ilalim mismo ng bangin ang sumisigaw. I bend my knees and clutch on the big rock beside me. Mahirap na, kakasilip ko sa baba eh ako ang pumaibaba. Sa ilalim, sa pinakagilid, soon ko nga nakita ang lalaking parang bakla kung humiyaw. "Miss! Tulungan mo ako! Iniwan ako ng mga walangya kong kaibigan!" Talagang mahuhulog nga siya at tanging ugat nalang ng puno ang kinakapitan niya, unti-unti na nga rin iyong bumibigay. "Miss titigan portion lang ba tayo? Patulong naman oh!" Umatras ako. "Miss! 'Wag kang umalis! Miss tulungan mo'ko! ano, ano ba ahm – ano? Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Bahala na – Miss! Ibibigay ko sa'yo virginity ko 'pag niligtas mo ako!" Huh? Napahinto ako sa paglalakad pabalik sa tent para kumuha ng tali, ano raw? Virginity niya? Aanhin ko 'yon? Nakakayaman ba 'yon? At saka pwede na palang i-trade ‘yon ngayon? Nagdadalawang isip na tuloy ako kung tutulungan ko siya. Baka pala m******s ito o r****t. Kinuha ko pa rin ang tali sa bag, girl scout yata 'to. Ilang mga kabundukan at kagubatan na rin ang naeexplore ko kaya always ready na ako. Aktong ibaba ko na ang tali pero tinanong ko muna siya. “Bago kita tulungan, paano ako makasisiguradong hindi ka masamang tao?” sigaw ko para marinig niya. “H-ha?! Do I really need to answer that right now? In the middle of my life and death?” “Syempre! Hindi ako sigurado. Baka pala runaway convict ka!” “Shucks! How will I prove it? Magre-recite ako ng bible verse rito?!” Napailing-iling ako. Wala rin akong maisip para patunayan ang sarili niya. Basta maling galaw niya lang mamaya, kaya kong maging masamang tao para iligtas ang sarili ko. Hinawakan ko ang dulo ng tali. "Miss! Are you still there? Tulong!" "Aish, ito na nga 'wag ka ng magsalita. Ang sakit mo sa tenga. Oh, hawakan mo." Hinulog ko ang kabilang dulo ng tali sa kanya. Mabilis niya naman itong hinawakan kaya sinubukan ko ng hilain, pero ang bigat niya. "Oy suportahan mo rin sarili mo, ang bigat mo kaya."   Dahan-dahan ko nang hinila ang tali. Dinig ko rin ang paghihikahos niya para maiangat ko hanggang sa huling malakas na ng pwersa ang binigay ko. Napaatras ako at bumagsak nang makaakyat na siya. At dahil sa hila-hila ko ang tali ay bumagsak siya sa'kin. "Ugh!" I grunted. Ang sakit sa likod. "So-sorry... Miss?!" nanlalaki ang mata niyang sabi at inaasahan kong tatayo na siya pero wala.  Nakatingin lang siya sa'kin na parang inuusisa ang mukha ko. "Ba't alam mo pangalan ko?" "Huh? Uh... Miss...Miss...Miss, babae ka eh." Ah, ay oo nga pala. Ano ba naman kasing pangalan 'yan, ilang beses na akong naging assuming dahil sa pangalan ko eh. Pakiramdam ko kilala ako ng lahat ng tao. "Hoy ano na? Alis na, ang bigat mo kaya." "Ay akala ko kasi sisingilin mo na ako ng virginity ko" "Ha? Gago!" Tinulak ko siya paalis sa ibabaw ko at tumayo. Pinagpagan ko ang sarili, pagkatapos ay inirolyo ulit ang tali. “Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka pero isang maling aksyon mo lang, makikita mo,” pagbabanta ko. Tiningnan ko siya from head to foot at hindi naiwasang mapatawa sa itsura niya. Naka-sleeveless at yellow miniskirt siya, wala rin siyang suot na tsinelas. Litaw na litaw ang kaputian niya sa itim na sleeveless pati na rin ang may katamtamang laki niyang biceps. Sinuyod ko ang suot niynag miniskirt, kitang-kita ang makinis niyang legs, may kakaunting balahibo lang. Nakaka-insecure ang kutis niya, at siguro kung sa ibang pagkakataon ko lang siya nakita na iba ang suot niya baka nagka-crush na ako sa kanya. Pero teka nga, ba’t ganyan ang suot niya? Ginahasa ba siya?  Putek mas lalaki pa ang outfit ko sa kanya. Nakasuot ako ng cargo pants at black v-neck shirt. Napatingin siya sa sarili. Napakamot siya sa batok at tila nahihiya nang tumingin sa'kin. Tumalikod na lang ako at bumalik sa tent matapos irolyo ang tali. Siya nama'y parang natuod na sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung ngayon lang ba siya nakakita ng maganda, o multo na ang nakikita niya o 'di kaya'y 'yong nanggahasa sa kanya. Shookt na shookt siya eh. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "A-ano...salamat ulit." Hindi na ako sumagot at dire-diretso lang sa tent. I'm Missy Variego. Kaya gano’n nalang ang reaction ko kung tinatawag akong Miss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD