Prologue

556 Words
Nag-aayos ako ng gamit sa men's locker room. Ang dami kasing nagbibihis this hour eh, syempre obligasyon kong busugin ang mga mata ko sa nagkalat na mga pandesal. Newly baked pa 'yan ah, hot eh. Hmm! Hindi naman nila ako napapansin dahil kanya-kanya silang busy-ness. Pero nagulantang ang lahat nang may babaeng lakas maka-grand entrance. Gosh. I wish I can do that someday. Lahat napatingin sa kanya. "Nasaan si Miel Lordan?" maangas niyang tanong. But wait, that's me. May mga sumipol pa. "Oy Miel hanap ka oh." Uh, who’s that girl? She’s kinda familiar. "Hanep. Chix mo tol?" tanong ni Andrew with matching akbay sa akin. Oh my, napapikit ako dahil sa pakiramdam na magkadikit ang katawan namin ni Andrew ngayon. Minulat ko ang mata nang bahagya niya akong binunggo ng balikat niya. Gosh, magpigil Miel! Magpigil! "Bakit?" astig at buo ang boses kong tanong. Walang ano-ano'y hinila niya ang kwelyo ko papunta sa CR na siyang katabi lang ng locker room. Wait! What is she doing? Inulan kami ng kantyawan at sipol ng nga papabols dito. Pinasok niya ako sa isang cubicle.  Windang na windang ako sa akto ni girl. Pilit niya akong hinahalikan. "What the! What are you doing?" buo pa rin ang boses kong tanong habang nakakunot ang noo dahil sa pagtataka. "Hahalikan ka. 'Di ba obvious? Sabi ko naman sa'yo diba, matagal na kitang gusto." Hindi na ako nakapag-react nang tuluyan niya na akong nahalikan. Oh my gosh. Ang first kiss ko! Tinulak ko siya't sinampal kaya siya naman ang windang ngayon. Napahawak siya sa pisngi niyang nasampal ko. Kaya pala siya familiar. Siya itong babaeng bigla na lang mag-a-appear sa harap ko at sabihing gusto niya ako. "Hindi tayo talo, ano ba!" Hindi ko napigilang maipakita sa kanya ang tunay na ako. "Ba-bakla... bakla k-ka?" "Yes. I'm a gay kaya hindi tayo talo. Mas pretty pa nga ako sa'yo no. Don't you dare spread what you knew, I can change your life in just a minute," pagbabanta ko. "Bakla ka." Hindi na siya tanong kundi statement at tulaley ang peg niya. Parang na-trauma. Gosh. Traumatic pala 'pag malamang bakla ang lalaking gusto mo? "Yes, miss kaya –" "You know my name –" Naputol ang sasabihin niya dahil fainted princess ang peg niya. Gosh. What to do. "Oy tol. Maya niyo na ipatuloy 'yan, may klase pa tayo," may pang-asar na tonong sabi ng kasama ko sa labas. I cleared my throat and make my voice deep again. "O-oo tol, sandali lang." "Swerte ni Miel, siya na ang hinihila." "Siya na ang ginagahasa." "I'm sure enjoy na enjoy 'yan." At marami pa akong maling conclusions na narinig. The next days, nabalitaan kung hindi na nakapasok ang babae. I found out she's Missy Variego, an engineering department student. Until school year end, walang balita sa kanya. Mag-thi-third year college na kami at walang Missy Variego ang nagpa-enroll. Even her family, walang balita. Maraming nagsasabi na baka napano na ito. May iba ring nag-sa-suggest na magpamisa na para kung saan man siya napadpad at least napadasalan na. After that incident kasi sa CR, dinala ko siya sa clinic. Naiwan siya sandali ng nurse and then doon na nagsimula ang Nasaan Ka Maruja – este Missy Operation dahil nga sa biglang pagkawala niya. Feeling ko tuloy ako ang suspect. Ako ang may sala kung bakit nangyari sa kanya iyon. Shucks. I’m Miel Lordan, naturingang heartthrob sa university. Pero habang pinagkakaguluhan ako ng mga babae ay siya namang pandidiri ko sa kanila. Hello? Hindi nga kami talo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD