Chapter 3

4634 Words
Ten years ago... 'HUWAG na huwag kang gagawa ng kalokohan. Mag-aral ka lang ng mabuti para matapos mo ang pag-aaral mo. H'wag mo kong bibigyan ng sakit ng ulo.' Nag-e-echo sa tenga ni Ginger ang striktong boses ng tiyahin nya na para bang nasa tabi nya lang ito. Nagsimulang kumabog ng mabilis ang puso nya dala ng takot at pag-aalala habang nakatulala syang nakatitig sa uniporme nyang namantsahan ng ulam at sabaw. Unang araw nya pa lang sa kolehiyo pero parang ayaw na nyang pumasok. Ganito ba talaga ang buhay ng isang iskolar na nag-aaral sa isang pribadong pamantasan? Hindi nya akalain na uso pa rin pala ang pambubuyo sa mga kapwa estudyante pagdating sa kolehiyo. "Oh s**t, tumapon kay Theo yung food nya." "She's done. This will be her first and last day in this school." "Look at how pathetic she is, knowing Theo since highschool. He'll probably tell her to f**k off." Nagising sya mula sa pagkakatulala dahil sa mga bulungan at agad na nag-angat ng tingin. Lalong bumilis ang t***k ng puso nya nang makita ang lalaking nasa harap nya na ngayo'y naligo rin ng ulam at sabaw. Wala syang kaide-ideya na may tao sa harap nya noong mapatid sya at tumilapon ang food tray na hawak nya kanina. Hindi nya kilala ang lalaki pero base sa reaksyon ng mga nasa paligid ay alam nyang isa ito sa mga sikat na estudyante sa campus nila. Kumbaga yung tila ba campus crush or hearthrob na tinatawag. May kasama itong tatlong babae kanina sa entrance ng school pero ngayo'y dalawa na lang, pero kung titingnan ay talagang nasa ibang lebel ang mga ito. "Omg, you're so dungis na." Saad ng babaeng kasama nito tsaka nandidiring tinanggal ang karne na nasa tuktok ng ulo ng binata. "Shut up, Veronica." "You shut up, asshole." Sagot pabalik ng babae. "Damn it..." Mura nito bago dahan-dahang lumingon sa direksyon ni Ginger. "Guys, this is not the right time and place to argue." Awat ng babaeng nakasalamin. Napaigtad si Ginger ng magtama ang tingin nilang dalawa, literal na umangat ang mga balikat nya. Nakakunot ang noo ng lalaki at tila ba anumang oras ay sasabog na sa inis kaya naman mabilis syang tumayo at naglabas ng panyo tsaka dali-daling lumapit sa binatang nanatili lang sa kinatatayuan nito. Nanunuot sa balat nya ang matalim na tingin ng lalaki habang nakasimangot kaya naman nagsimulang mag-init at mamasa ang sulok ng mga mata nya dala ng kahihiyan. Hiyang-hiya sya sa sarili nya dahil sa nangyari. "S-sorry..." Mahina ang boses na hingi nya ng tawad habang pinupunasan ang lukot na mukha ni Theo. "H-hindi ko sinasadya... Sorry talaga..." Tumaas ang kilay ni Theo habang hindi nawawala ang pagkakasimangot. Mariin na nakatitig sa kanya ang lalaki kaya hindi naiwasan ni Ginger ang pagkagat sa labi nya. Baka nandidiri na rin ito dahil mataba sya. Naiintindihan naman nya kung bakit at hindi na rin sya nagugulat, yun nga lang ay hindi nya pa rin maiwasang hindi madismaya dahil akala nya ay iba na mag-isip ang mga taong nasa kolehiyo na. Maya-maya pa'y narinig nya ang pagbuntong hininga nito bago naglabas ng sariling panyo. Nahigit nya ang hininga nya noong hawakan nito ang baba nya at walang pag-aalinlangan na pinunasan ang basa nyang pisngi. "What the hell are you crying for?" Kumurap-kurap si Ginger. "K-kasi... natapunan kita?" Natulala sya ng ikutan sya ng mata ng lalaki na para bang nadismaya ito sa sagot nya. "Ugh, it's just food, you dimwit. It's not even hot." Ngiwi ng lalaki habang nakasimangot na tinatanggal ang piraso ng ulam sa sariling ulo at balikat. "Are you even okay? May gasgas yung tuhod mo." Doon nya lang naramdaman ang kirot sa tuhod nya matapos sabihin ng lalaki ang tungkol doon. Kung hindi lang sya mataba at mabigat ay malamang na hindi sya magagasgasan sa tuhod sa simpleng pagkadapa lang. Napapangiwi ang labi nya ng magsimulang maramdaman ang hapdi kaya mas lalo syang naluha. "Damn it, stop crying already. Magpunas ka nga ng mukha mo." "S-sorry—" "And stop apologizing repeatedly. Once is enough." He held her chin again and wiped her face down to her neck. "Magang-maga na yung mata at ilong mo. Tumigil ka na sa kakaiyak." Utos nito. He said it in an angry tone. Hindi nya alam pero otomatikong napatigil sya sa pag-iyak at inosenteng nag-angat ng tingin kay Theo. She can hear everyone's gasps, gusto nyang lingunin ang mga ito pero hindi nya magawa dahil hawak ni Theo ang mukha nya. "Done." Anya tsaka binitiwan si Ginger. Akala nya ay aalis na ang binata ng walang paalam na lagpasan sya nito kaya naman agad nya itong sinundan ng tingin. Umawang ang labi nya ng mapagtantong naglalakad ito papunta sa direksyon ng estudyanteng pumatid sa kanya. Nagsinghapan ang mga tao sa paligid nila nang walang salitang dinampot ni Theodore ang bowl ng ulam sa kalapit na mesa at itinapon sa ulo ng babaeng kanina ay tatawa-tawa pa. Napatakip sya ng bibig habang hindi makapaniwalang pinanonood si Theo na hindi pa nakuntento at talagang pati ang basong may juice ay ipinaligo sa babaeng estudyante na ngayo'y nagtititili. "See you at the dean's office, bitch." Saad ng binata tsaka tila walang nangyaring naglakad palabas ng cafeteria. Malakas ang naging halakhak ng babaeng tinawag nitong Veronica kanina, nakangisi nitong inirapan ang mga kasamahan ng babaeng bully sa table bago ito nilagpasan. Hindi naman alam ni Ginger kung anong ire-react nya kaya naman ng alalayan sya ng isa pang babaeng nagngangalang Vasselisa ay agad na syang nagpahatak dito. *** "THAT was not our fault." Umawang ang labi ni Ginger sa sinabing 'yon ni Theodore ng tanungin sila ng Dean kung anong nangyari. Actually, lahat sila ay nalaglag ang panga. Si Ginger, yung babaeng namatid sa kanya at ang mismong Dean. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya sa inaakto ng lalaki, paano nito nakukuhang sumagot ng ganon sa Dean ng eskwelahan nila? Tsaka bakit parang hindi man lang ito natatakot o kinakabahan? Komportableng-komportable pa itong nakasandal sa upuan habang naka-dekwatro ang mga binti at naka-ekis ang mga braso sa dibdib habang tila inaantok na inililibot ang paningin sa paligid. "What? Not your fault?" Biglang sigaw ng babae na tumayo pa para lang duruin si Theo. "Dean! Nakita ng lahat ng estudyante sa cafeteria na tinapon nya sa'kin yung food at juice intentionally!" Sunod-sunod ang naging paglunok ni Ginger habang binibilang yung ugat na lumitaw sa gilid ng noo at leeg ng babae dala ng sobrang galit. Kung sya ang sinigawan nito ng harapan ay baka kanina pa sa umiyak. Bumaling ang tingin nya pabalik kay Theo na ngayo'y sarkastikong nakangisi habang matalim ang tingin sa babae. Napapagitnaan kasi sya ng dalawa, kaya lumilipat ang tingin nya mula kanan patungo sa kaliwa para lang tingnan ang reaksyon ng dalawa. Sa totoo lang ay nagugutom na rin sya, amoy ulam at juice kasi yung katabi nya. "Which is your fault because you're being a mean stupid bitch." Sabay ang naging pagsinghap ni Ginger at ng babae kaya nagkatinginan sila. Sinamaan sya agad nito ng tingin na tila ba kine-kwestyon ang naging reaksyon nya kaya mabilis nyang itinuon ang tingin sa makintab na kalbong ulo ng Dean nila. Bakit parang kasalanan pa nyang napa-singhap rin sya? Eh sa nagulat sya sa pagiging bulgar ng bunganga ni Theodore eh. Malalim ang naging paghugot ng hininga ng Dean habang hinihilot ang magkabilang sentido na para bang pagod na pagod na syang makinig sa dalawang katabi nya. "Mr. Scott, language please. Baka nakakalimutan mong nasa Dean's office ka." Sumenyas ito sa babae. "And you, take your seat. What are you standing up for? Pwede ka naman magkwento ng nakaupo." Napapahiyang umupo ang babae pero iniurong pa nito palayo ang upuan ng magkadikit sila ng braso. Unti-unting tumulis ang nguso ni Ginger tsaka iniurong rin palayo ang upuan, pero napahinto sya ng dumikit naman ang kabilang braso nya kay Theo. Nakaramdam sya ng hiya dahil baka mandiri ito sa kanya, medyo malagkit kasi sya dala ng pawis kaya ibabalik nya sana sa dating pwesto ang silya pero nagulat sya ng si Theo na mismo ang humila sa upuan nya dahilan para magkadikit sila. Mukha tuloy itong nakaakbay sa kanya. "I request to check the cctv camera on the cafeteria and you'll see why I did what I did." "You did it because you're an asshole." Sabat ng babae. "I know that I'm an asshole, but atleast hindi ako namamatid ng estudyante sa unang araw ng klase just because they're fat and disable. I'm an asshole with a class. I only bully bullies like you." "What?" Galit na hinampas ng Dean ang mesa tsaka binalingan ang babae. "Totoo ba 'yon, Miss Ferrer?" "I—that's not true!" Pagdadahilan nito. "I did not tripped her! Tatanga-tanga sya kaya sya napatid, and besides how would I know na PWD sya?" Bahagyang yumuko si Ginger. Baka nga kasalanan nya kaya sya napatid? Hindi nya siguro napansin ang paa nitong nakaharang sa daan kaya napatid sya at tumalsik ang tray kay Theo? Siguro hindi sila mapupuntang tatlo dito sa Dean's office kung nag-sorry na lang sya sa babae. Bumuka ang bibig ni Ginger para sana magsalita at humingi ng tawad sa babae pero agad nyang naitikom ang bibig ng pumatong na ng tuluyan ang braso ni Theodore sa balikat nya. "Ikaw ang tanga." Malutong nitong saad. "You didn't even know the meaning of the color of her ID lace? Don't you see this f*****g pin on her blouse? Ignorante ka, maski 'tong hearing aid na suot nya hindi mo nakita o sadyang bobo ka lang talaga? Puro pulbo at liptint lang kasi ang alam mo kaya pagdating sa ibang bagay eh wala kang kwenta kausap." "W-what!?" "You didn't get it? I said you're f*****g stupid, woman. Tingnan mo yung tuhod nya, she got scratched because of your stupid actions." "MR. SCOTT!" "Uhm, a-ano... a-ako yung—" Naputol ang sasabihin ni Ginger dahil biglang tumayo si Theo. Hindi nya maunawaan yung galit na ekspresyon ng binata. Bakit ba parang ito pa ang galit na galit para sa kanya? Yung reaksyon nya eh para bang sya mismo yung pinatid sa harap ng maraming estudyante. "I'm sorry, Dean, but I can't just shut up when this b***h keeps on lying just to avoid being accountable for her actions." "Because it's not my fault nga na tatanga-tanga sya!" Umigting ang panga ni Theo kasabay ng masamang tingin. "Bobo ka talaga eh, 'no? Paano ka umabot ng fourth year ng hindi ginagamit 'yang utak mo? Hindi ka nahihiya? You're beefing with a first year student at the first day of school, warhog." "Can we just talk about it calmly? Please, both of you take a seat—" "No, this is unacceptable, Dean. This chuckie doll is bullying someone younger than her, worse part is hindi naman sila magkakilala so why the f**k is she targeting someone like this girl?" Hinawakan ni Theo ang magkabilang pisngi ni Ginger tsaka iniharap sa Dean. "Look, ano sa tingin mo Dean ang dahilan kung bakit sya tina-target ng pangit na yan? That b***h is clearly insecure to her!" "A-ako? Insecure!? Sa taba at laki nyang yan, ako pa ang insecure!?" Nilingon ni Ginger si Theo. "Oo nga, ba't sya ma-insecure sa'kin?" Inosenteng bulong nya. Kumunot ang noo ni Theo. "Bakit nakiki-tanong ka? Are you dumb?" "No." Iling nya. "Ako si Ginger eh. Sino si dumb?" Hindi nakasagot si Theo. Wala syang mahanap na pwedeng i-rebut sa dalaga ng hindi ito masasaktan o maiinsulto. Umiling-iling na lang sya tsaka muling bumaling sa bruha. "Sinong hindi ma-i-insecure dito? Sure, she's fat but can you see this face card? Her face card is so high tipong kayang bayaran yung utang ng Pinas." Pinisil-pisil nya ang mataba at malambot na pisngi ni Ginger. "I mean, just f*****g look at her! Kung babae lang ako ay maiinggit rin ako sa kanya. She's beautiful as she is! Bare face? No make up? Walang rhino-rhinoplasty yan yung ilong nyan, kaya mo 'yon?" Nagkatinginan ang Dean at ang babae, hindi na maunawaan ang puntong ipinaglalaban ni Theo. Maski si Ginger at naguguluminahan na sa kanya, nananakit na rin yung pisngi nya sa kakapisil nito. 'Bulag ba sya?' anya ni Ginger sa isip nya habang nakatitig kay Theo. Anong maganda sa pagiging mataba? Ang laki ng space na sakop nya, tapos ang bilis pa nyang pawisan at mainitan. Hindi ba nakikita ni Theo 'yon? Napansin naman ng binata na mukhang wala ng masabi ang babae kaya nagkibit-balikat na lang sya bago hinawakan sa pulsuhan si Ginger. "Well, whatever. You can call my parents and suspend me, but make sure that that b***h will also be punished or else, I'll let my parents know that this school is trash and that their investments and sponsorships are being wasted by the management." "Mr. Scott! Just a moment please!" "Ciao." Iyon ang tipid na sagot ni Theo at hinila na lang palabas si Ginger na wala man lang naintindihan sa bilis ng mga pangyayari. Hindi na lang rin pumalag ang babae tsaka sumunod na lang sa binata. "Theo, here!" Sabay silang bumaling sa direksyon ng babaeng tumawag sa pangalan ni Theo. Yun ang babaeng nakasalamin na kasama ng binata kanina, kung hindi sya nagkakamali ay Vasselisa ang pangalan nito habang ang babaeng kasagutan ni Theo ay nagngangalang Veronica. Nagpakilala rin naman ito kanina sa kanya noong dalhin sya ng mga 'to sa clinic para malagyan ng first aid yung tuhod nyang nagasgasan bago sila dumiretso sa Dean's office. Natutulala si Ginger habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Naglalaban kasi ang ganda nila na para bang yin at yang. Yung ganda ni Vasselisa ay parang sampaguita, puro at napaka-inosente tingnan habang si Veronica ay tila ba pulang rosas na sobrang nakakahalina ang ganda pero kaya kang saktan gamit ang mga tinik nya. At sya? Hindi maikumpara ni Ginger ang sarili sa isang bulaklak, kung magiging halaman man sya ay isa syang kabute. Isa syang cute na cute at chubby na button mushroom. "What happened?" Tanong ni Vassy ng makalapit sa kanila. "I'll probably get suspended, of course." Vero grinned as she cross her arms on her chest. "Suspension sa first day ng klase? Nice one, asshole. Tito Damien and Tita Eclair will surely grill you after knowing this." "What can I do? Alangan naman na pabayaan ko yung pangit na 'yon? She got no f*****g idea how pissed off I am just by staring at her ugly lying face." Doon nya lang binitawan ang kamay ni Ginger tsaka inilabas ang cellphone. "I'll call mom. I'll show that Regina George wannabe on what happens if you mess with me." Tumaas ang kilay ni Vero. "For what?" "I'll tell her to withdraw her investments in this school and also to trample on that b***h's business. How dare she talk back to me? I'll give her the taste poverty." Nagkatinginan si Vassy at Veronica bago nagkanya-kanya rin ng labas ng cellphone. "Let me call my dad too. Let's bring them down to their knees." Si Vero habang hinahanap sa contacts ang pangalan ng ama. Vassy scratched her nape. "Wait, let me try to contact my ate Hennessy instead. My parents are on a business trip kasi." Ginger can't help but to bit her lip in anxiousness. Halata kasi sa mukha ng tatlo na seryoso ang mga ito, halata rin naman na mayayaman ito kaya hindi imposibleng totohanin nila ang sinasabi nila. "W-wait lang..." Hindi nakatakas sa pandinig nilang tatlo ang bulong na iyon ni Ginger kaya agad silang napatingin dito. Napakamot ang dalaga sa pisngi bago nagpatuloy ng sasabihin. "P-pwede bang wag na lang?" Pinagtaasan sya ng kilay ni Theo na pinag-ekis pa ang mga braso para ipakitang hindi ito sang-ayon sa sinasabi ni Ginger. "What? Don't tell me na okay lang sayo na gina-ganon ka lang? She's a b***h so she deserve it anyway. Isa pa ay may pagkabulok ang administrasyon ng eskwelahan na 'to, I don't want my family to fund a school that tolerates discrimination and bullying." "Pero first day pa lang naman ng school!" Naglulumikot ang mga daliri ni Ginger sa ID lace na gamit nya. "I already forgave her naman na. I-isang beses lang naman nangyari. Maybe she's not gonna do it again?" Inosenteng dagdag nya habang nag-iiwas ng tingin. Nagkatinginan sina Vero at Vassy but Theo just groaned. He's starting to feel irritated dahil hindi nya ma-gets ang logic ni Ginger. "You're an idiot, alam mo ba 'yon?" He blurted out na nagpa-pantig ng tenga ni Vero kaya agad sya nitong hinampas sa balikat. "How dare you call her an idiot, you douchebag!?" Hindi nakuntento si Vero at sinabunutan pa si Theo. "Kung may tanga dito ay ikaw 'yon! Don't you ever call her that word again!" "Totoo naman ah! She got bullied by that b***h na hindi naman nya kilala pero napatawad na nya? She got bodyshamed and discriminated!" Asar nyang nilingon si Ginger habang pilit na binabawi ang buhok kay Vero na sabu-sabunot pa rin nito. "Hey! Hindi ka ba nanonood ng pelikula o nagbabasa ng libro? Most of the bullies don't just stop at a simple guidance session with a Dean or a higher up whatsoever, worse case scenario is that she might be planning her revenge on you right now because I f****d her popularity." "Pero hindi pa naman sya gaganti ngayon di'ba?" Theo literally dropped his jaw in disbelief. As in ngangang-nganga sya. "What?" "Ang sabi mo nagpa-plano pa lang sya, meaning hindi pa sya gaganti ngayon." Confident nitong sagot. "Malay mo next year na sya makaganti sa'kin. Eh di'ba matagal-tagal pa yun?" Isinara ni Theo ang bibig nyang nakanganga tsaka umismid. "This one needs an upgrade. She only has 15 mb processor on her brain. Tell me, hindi ba nalalagyan ng memory card yang hearing aid mo—ouch!" "Don't mind him." Saad ni Vassy na syang nangurot sa tagiliran ni Theo. "If you don't want it then let's just leave it but since Theo also have a point, I want you to call us if something happens." Kumapit sa braso nya si Veronica na pumisil pa sa pisngi nya. "Give me your phone, baby girl. I'll punch our digits in para anytime ay pwede mo kaming i-chat or tawagan." "O-okay..." Walang alinlangan nyang ibinigay ang cellphone nya kung saan agad naman kinuha ni Vero. Tutok ang atensyon ni Ginger sa dalawang babaeng hindi magkamayaw sa paglalagay ng cellphone number nila. Noong akmang kukunin na nya ang cellphone mula kay Vassy ay syang agaw naman ni Theo dito tsaka inilagay rin ang sariling cellphone number. Nagtagpo na naman ang tingin nila ng mag-angat ng tingin ang binata bago ibinalik ang cellphone sa kanya. Hindi naman ito galit pero nakakunot naman ang noo, hindi nya tuloy alam kung anong mararamdaman sa klase ng tingin ng ibinibigay nito sa kanya. "Call me too." *** RAMDAM nya ang walang humpay na pag-vibrate ng cellphone na nasa loob ng bulsa ng skirt nya. Limang araw ng walang tigil ang pagpasok ng messages sa cellphone nya dahil kay Vasselisa at Veronica, maya't maya kasi sya nitong china-chat at niyayaya kung saan-saan. Ang dalawang babae ang lagi nyang kasama bago pumasok sa klase, pag lunch breaks hanggang sa uwian papuntang sakayan ng jeep ay sinasamahan sya nito. Doon na nga rin nya nalaman na third year Business Administration student si Veronica habang graduating Hospital Management naman si Vasselisa. Napag-alaman nya rin na huling taon na rin ni Theodore sa kolehiyo at parehas pa sila ng kursong kinuha. Hindi inakala ni Ginger na sa supladong 'yon ni Theodore ay gusto pala nitong maging Chef, wala sa mukha nito ang pagiging Culinary Arts student. Kinwento lang sa kanya nina Vero at Vassy ang tungkol doon, wala kasi si Theo dahil na-suspend nga ito tulad ng sabi nya pero hindi nya alam kung kailan babalik ang binata. Nasa kalagitnaan ng discussion ang professor nila sa subject na Baking and Pastries ng bumukas ang pinto at iniluwa ang taong kanina pa takbo ng takbo sa isip nya, dahilan para mapanganga at manlaki ang mata nya. Sa sobrang gulat nya ay dumulas pa ang ulo nya mula sa pagkakahalumbaba sa arm chair nya. Tumingin ang propesora sa orasan na nasa bisig nya bago nakangiwing binalingan si Theodore. "And why are you thirty three minutes late, Mr. Scott?" Iniabot ni Theo ang isang papel sa guro. "I went to the Dean's office first, ma'am." "I see. So totoo pala ang balitang na-suspend ka since first day of class." "Yes, ma'am. Mas totoo pa kaysa sa ilong ng babaeng 'yon." Seryosong saad ni Theo pero naging dahilan iyon ng tawanan ng mga kaklase ni Ginger, lalo na ang mga babaeng parang bulateng inasinan habang malagkit ang tingin sa lalaki. "This is your last chance to pass this subject, Theodore. Kung ayaw mong ma-delay ang graduation mo, you should study harder than the past three years." Hinawakan ni Ginger ang sariling bibig para lang itikom 'yon mula sa pagkakanganga. Tama ba ang narinig nya? Hindi maipasa-pasa ni Theo ang subject na Baking and Pastries mula first year? Anong mahirap sa pagbi-bake? Nameywang ang ginang bago masungit na sumenyas. "Take your seat na para makasabay ka pa sa discussion." Hindi alam ni Ginger kung bakit pero pakiramdam nya ay alam na agad ni Theo kung nasaan sya dahil otomatikong nagtama ang paningin nila ng hindi man lang nito iginala ang tingin sa paligid. Nataranta sya noong nagsimula itong maglakad papunta sa direksyon nya. 'Nakatingin ba sya sa'kin? Bakit nakatingin sya sa'kin? Bakit papalapit sya dito?' saad nya sa isip matapos nyang yumuko at itinuon ang atensyon sa notebook nya para lang iwasan ang tingin nito. Ilang saglit pa ay may pares ng paang huminto sa mismong harap nya. Isang paglunok muna ang ginawa nya bago dahan-dahang nag-angat ng ulo kung saan sinalubong nya ang malalim na titig ni Theo. Tumabingi ang ulo ng lalaki bago ininguso ang bakanteng upuan sa tabi ni Ginger. "Is that sit taken?" Kumurap-kurap si Ginger. "Huh? E-ewan ko. H-hindi yata." "Then I'll sit here." Sabay lapag ng backpack at naupo. "Okie..." Nag-focus sya ng tingin sa whiteboard at sa propesorang nagpatuloy na sa pagdi-discuss. Busy sya sa pagsusulat sa notebook ng mga notes pero sumusulyap sya paminsan-minsan sa katabi nya na wala man lang pakialam na lagi nyang nahuhuling nakatingin sa kanya. Nakahalumbaba ito sa arm chair habang pinagmamasdan ang kabuuan nya na para bang mag interesante syang titigan kaysa sa mga lecture na nasa harap. "B-bakit mo ko tinititigan?" Utal na saad ng dalaga noong hindi na sya nakatiis sa titig ni Theo. Dinampot ni Theo ang ID ni Ginger tsaka tinitigan. Maya-maya pa ay ngumiwi ito. "Ashley Morales pala pangalan mo?" Ngumuso si Ginger. "Oo..." "Eh bakit Ginger palayaw mo? It's not even close to the name Ashley, tsaka Ginger starts with G, not A." Anya ng lalaki na umirap pa. Marahang binawi ni Ginger ang ID habang mariin na nakasunod naman ng tingin si Theo sa bawat kilos nya. Hindi kinakaya ni Ginger ang mga titig ng binata sa kanya, lalo tuloy pinagpapawisan yung kili-kili nya. "Bakit kasi nitatanong pa eh..." Hindi nakatakas sa pandinig ni Theo ang naging pagbulong ni Ginger kaya naman ay pinagtaasan nya ito ng kilay. "Hey, I saved you from that wicked b***h last time. Bawal ba kitang tanungin?" Hindi sya sinagot ni Ginger pero bigla na lang nitong inilapit ang mukha sa kanya tsaka idinilat ang mga mata na ikinabato ni Theo. Nakatitig sya sa mahahabang pilik mata ni Ginger na nagso-slow motion kada kumukurap ito. Maya-maya pa ay dumapo ang tingin nya sa mamula-mulang bilog na pisngi nito. "Tingnan mo yung mata ko." He cleared his throat, trying to regain his cool. "Uh, and why should I?" "Brown sya di'ba?" "Yeah... and...?" Lumayo si Ginger at iniusog ang upuan papunta sa may sinag ng araw sa katabi nitong bintana. "Tingnan mo yung mata ko, mukha syang color orange kapag may sinag ng araw kaya Ginger tawag nila sa'kin. Yung Ginger na orange color, hah? Hindi yung luyang dilaw." Natatawa nitong saad. "Ang babaw 'no? Si kuya ko yung nagtawag sa'kin ng Ginger eh kaya yun na rin palayaw ko sa iba." Natulala si Theo habang titig na titig sa mukha ni Ginger na nasisinagan ng araw. Why is she laughing like that? Why does she look so cute? Bakit naaakit syang kagatin ang matatabang pisngi nito? "I... see." Tumikhim ang binata na para bang may kung anong matigas ang nakabara sa lalamunan nya. Umayos rin ito ng upo tsaka naglabas ng notebook binder at ballpen tsaka nagsimulang magsulat. Lumitaw naman ang ngiti sa labi ni Ginger ng makitang hindi naman nagsusulat ng notes si Theo, bagkus ay nagsimula itong mag-doodle ng kung ano-ano sa notebook na wala naman kinalaman sa itinuturo ng propesora. Ganon lang ang ginawa ng lalaki hanggang sa matapos ang klase nila. Hindi rin naman na sya nito kinausap na ipinagpasalamat nya dahil kahit papaano ay nakapag-focus sya sa pakikinig at pagkopya ng lecture notes. Mukhang sanay na rin naman ang ginang kay Theodore dahil hindi man lang ito tinawag para mag-recite sa klase kahit halatang hindi ito nakikinig. Napansin ni Ginger na may iilan syang kaklase na gustong lumapit kay Theo, mukhang gustong magpakilala sa lalaki. Kaya naman agad-agad nyang niligpit yung gamit nya at akmang aalis na para iwan ito sa mga kaklase nya noong biglang hawakan nito ang kamay nya para pigilan. "Where are you going?" Huminto ang mga tao sa paligid nila tsaka hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Nagtataka man ay sumagot pa rin naman si Ginger. "Uhm, sa cafeteria?" "Okay." Tumayo na rin si Theo tsaka naunang naglakad papunta sa pinto. Pinagmasdan lang sya ni Ginger habang naglalakad ng bigla syang lingunin nito, ayan na naman yung supladong tingin ng lalaki. Kung hindi nakataas ang kilay ay nakakunot naman ang noo. "What are you doing?" "Uh, nakatayo?" Tiningnan ni Ginger ang sarili bago nag-thumbs up. "Yup. Nakatayo ako." Theo clicked his tongue before walking back to her direction, ng makalapit ay tsaka sya nito hinawakan muli sa pulsuhan at marahang hinila. "Kasama ka?" Takang tanong ni Ginger habang nagpapahila kay Theodore. "Of course. Ayaw mo ba?" Muling pumalatak si Theodore. "Well, what do I expect? Ni hindi mo nga ako ti-next so maybe you really don't want to be friends with me. If I know, malamang ay sina Vero at Vassy lang ang kinakausap mo." Walang nakuhang sagot si Theo kay Ginger kaya frustrated syang napabuga ng hangin. Masyado ba syang naging masungit o suplado dito? Sanay si Theo na minamalditahan o kinagagalitan ng mga plastikadang babae katulad ng nambully dito last time, pero yung mga inosente at talagang mababait na babae katulad ni Ginger or Vassy? Na-o-awkward sya. Mabait naman sya sa mabait kaya hindi nya maintindihan kung bakit parang hindi interesadong makipag-close sa kanya si Ginger. Akmang magsasalita na sya ng tumunog ang ringtone ng cellphone nya. Napasimangot sya lalo ng makitang may tumatawag na unknown number sa kanya, naiinis man ay sinagot pa rin naman nya ang tawag. "What do you want?" Sagot nya rito. "Okay ka na?" Huminto sya sa paglalakad tsaka agad na nilingon si Ginger na nasa likuran nya. Ilang segundo nyang pinakatitigan ang babae bago humagalpak ng tawa. Paano ba naman ay ito pala ang tumatawag sa kanya. "You silly girl." Saad ni Theo tsaka ipinatong ang kamay sa ulo ni Ginger tsaka ginulo ang buhok non. Nagkatinginan sina Vasselisa at Veronica ng maabutan ang eksenang 'yon bago nawi-wirduhang ibinaling ang tingin kay Theodore na hindi man lang sila napansin—actually, hindi lang silang dalawa kundi pati na rin ang ibang kapwa estudyante at mga propesor na dumadaan sa hallway ay napapalingon sa kanilang dalawa dahil tila ba may sariling mundo ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD