(Third Person's POV)
"HE'S so mean..."
Agad na natuon ang atensyon ni Harper kay Thunder na syang padabog na nagbukas ng pinto. Mabibigat ang hakbang nito habang papaakyat ng hagdan, kasunod ang dalawa pang kapatid na magkahawak kamay na naglalakad.
Agad syang binalot ng pag-aalala ng makitang halos hindi na makadilat si Hurricane sa sobrang pamamaga ng mata, sumisinghot-singhot rin ito kasabay ng pamumula ng pisngi at ilong.
"What the—anong nangyari sayo, Hurricane?" Tanong nya ng makalapit sa inaanak tsaka sinimulang i-check ang buong katawan nito. "Bakit ka umiyak? Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?"
"He tripped and fell on the ground. May sugat sya pero maliit lang." Itinuro ni Storm ang tuhod ng kapatid na may maliit na gasgas.
Pumalatak si Harper. "Nako, mabuti na lang at maliit lang. Gagamutin natin yan para gumaling agad kaya h'wag ka ng umiyak, huh?"
Humihikbing tumango-tango si Hurricane, samantalang huminto si Thunder sa paglalakad sa hagdan tsaka nakasimangot na itinuro ang kambal.
"He tripped because of that mean motherfucker!" Puno ng galit nyang anya. "Pinaiyak nya si Hurricane!"
Nanlaki ang mata ni Harper. "Hey, bunganga mo, Thunder!" Saway nya sa inaanak pero hindi man lang sya nito sinagot at basta na lang tumakbo paakyat. "Anak ng tinolang batang 'to, kuhang-kuha yung bunganga ng damuhong tatay nya."
Pare-parehong umangat ang balikat nila sa pabagsak na pagsara ng pinto ng kwarto ni Thunder.
"Tingnan mo talaga 'tong..." Asar na ginulo ni Harper ang buhok nya, hindi matuloy-tuloy ang pagmumura dahil sa mahigpit na bilin ng kaibigan nya. "Sino bang tinutukoy nya? May nang-away ba sa inyo?"
Agad na umiling si Storm. "I'm sorry, Ninang. Kakausapin ko na lang po si Thunder mamaya."
Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Harper bago ipinatong ang magkabilang palad sa ulo ni Storm at Hurricane tsaka ginulo ang parehong buhok nito.
"Sige na, umakyat muna kayo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Storm, help your brother to wash his wound, ha? Pagkatapos ay bumaba kayong tatlo dito para makakain kayo ng meryenda nyo."
"Yes po, Ninang Harper."
Sumunod naman agad ang dalawa at umakyat na ng 2nd floor tulad ng utos nya. Sakto naman ang naging paglabas ni Jerlyn na nanggaling sa kusina bitbit ang niluto nitong baked mac and cheese. Suot nito ang pink floral apron na may ruffles sa laylayan na mas lalong nagpa-cute sa kanya.
"Nakabalik na po sila?" Jerlyn asked before passing the rectangular glass baking tray to Harper who carefully put it in the sala table.
"Oo, umiiyak nga yung isa at napatid daw. May gasgas sa tuhod." Umangat ang kilay ni Harper ng may mapagtanto tsaka nag-ekis ang mga braso sa dibdib. "Teka nga, bakit mo 'ko pino-po?"
"Uhm, kasi kasing edad mo po si miss Vassy? Tsaka twenty five pa lang ako." Inosente nitong sagot.
"Eh ano naman kung thirty three na ako? Akala ko ba mas gusto mo ng mas matanda kaysa sayo?"
"I-iba naman 'yun."
Mabilis na nangamatis ang buong mukha ni Jerlyn. Nagtakip sya ng mukha gamit ang dalawang palad tsaka tumalikod, pero natawa lang si Harper sa ginawa nya dahil kahit nakatalikod ang dalaga ay kitang-kita naman ang pamumula ng tenga nito.
Lumitaw ang ngising kanina pa nya pinipigilan tsaka inisang hakbang ang pagitan nila. Umangat ang mga braso nya para sana yakapin si Jerlyn mula sa likuran pero naantala ang balak nya noong tumunog ng malakas ang tablet nya.
"May tawag ka." Saad ni Jerlyn.
Umungol si Harper sa inis bago dinampot ang tablet sa sala table tsaka naupo. Samantalang nagpaalam naman si Jerlyn na babalik sa kusina para kumuha ng mga plato at kubyertos na gagamitin nila sa pagkain.
Pagkasagot ng video call ay agad na lumitaw ang mukha ng ina ng triplets. Medyo magulo ang pagkakapusod ng buhok nito sa magkabilang gilid na para bang si pucca-pucca na cartoon, puro tuyong harina rin ang nasa pisngi ng babae pero hindi matatawaran ang ngiting ibinungad nya kay Harper na syang nagpa-ganda ng mood nito.
Sa sobrang pagka-baby face ng babae ay hindi halatang bente otso na ang edad nito at may tatlong makukulit na chikiting.
"Hello, hello, hello! Kamusta na kayo dyan, Harpy?" Masiglang bati nito na sinabayan pa ng maganang pagkaway at malawak na ngiti.
"Ugh, heto, pagod tsaka stress." Nakangusong reklamo ni Harper.
"Huh? Why? Akala ko ba kaya ka pumunta dyan kasi kailangan mo maglabas ng stress?"
"Oo nga, kasama ko nga yung pampawala ng stress ko pero yung tatlong anak mo naman yung nagbibigay sa'kin ng sakit ng ulo." Pagsusumbong nya bago ngumiwi. "When are you coming here, Ginger? Puputi na yung buhok ko sa kanilang tatlo, kung saan-saan sila nagpupupunta. Malingat lang kami saglit ni Jerlyn, bigla na lang silang nawawala."
"Sorry! Malikot talaga sila, hayaan mo pagsasabihan ko pagdating ko dyan. Bukas ako aalis kaya baka pagdating ng hapon ay nandyan na ako hehehe."
Kumibot-kibot ang sulok ng labi ni Harper, pilit pinipigil ang pagngiwi. "Paano mo kinakayang i-handle yung triplets? Hindi ko talaga ma-imagine kung paano mo sila nadi-disiplina araw-araw."
Umaktong tila nag-iisip si Ginger, yung tipong humawak pa sa baba habang nakatingin sa taas.
"Hmn... Why? Mabait naman ang mga baby boys ko ah. Sa akin kaya nagmana yan."
'Pero si Thunder kuhang-kuha yung ugali ng ama nya.' Saad ni Harper sa isip nya. Gusto nyang sabihin 'yon sa mukha ng kaibigan pero ayaw nyang ipaalala pa ang kupal na 'yon kay Ginger.
"Nga pala, ano ba yung pina-bake sayo ng kliyente mo?" Paglilihis nya ng usapan, baka mamaya kasi ay mabanggit nya pa yung damuhong 'yon ng wala sa oras.
Masayang pumalakpak si Ginger kasabay ng paghagikgik na para bang kanina pa nya hinihintay ang tanong na 'yon mula kay Harper. May hinila itong isang malaking stainless steel tray at tsaka ipinakita sa camera.
Tumaas ang kilay ni Harper ng makita ang dose-dosenang cupcakes na may iba't ibang disenyo. As usual, hindi halata sa mukha ni Harper na namangha sya sa ganda ng mga cupcakes na 'yon dahil malikhain at malawak ang imahinasyon ni Ginger pagdating sa pagbe-bake, kaya rin siguro lagi itong busy dahil maraming suking customers ang nagbo-book at nagpapa-order sa kaibigan nya.
"Tadaaa~ Flower themed birthday cupcakes!" Dinampot nito ang may sunflower na design at iniharap sa camera. "Look, Harpy! I made a sunflower! I hope magustuhan 'to ng birthday celebrant, favorite flower nya raw 'to eh."
Harper smiled. "Wow, that's very pretty, Ginger. Siguradong magugustuhan nila yan. Maganda na sa mata, masarap pa ang lasa."
"Thank you!" Ginger giggled as she happily put back the cupcake to the tray.
"MAMAAAAA!"
Nilingon ni Harper ang tatlo na nakangiting nag-uunahang bumaba ng hagdan. Nakaligo at nakabihis na ang mga ito ng ternong pastel pajama na may cartoon floral prints.
Agad na nagkumpol ang tatlo sa harap ng tablet, mas lalo itong nagkagulo ng makita ang meryendang inihanda ni Jerlyn para sa kanila.
"Mama! Look, nagluto si tita Jerlyn ng baked mac with cheese!" Iniangat ni Thunder ang bowl na hawak nya. "She's a good cook too just like you po. She put a lot of cheese on it!"
"Wooow! Parang ang sarap-sarap naman nyan! Sana makatikim rin ako ng luto ni Jerlyn." Nakangusong anya ni Ginger habang nakahalumbaba, dahilan para umusli lalo ang matambok at namumula nitong mga pisngi.
"I'll save some for you po, mama. Hati po tayo." Hurricane said while trying to divide the mac and cheese on his plate.
"No babyyy~ It's okay, mama's all good!" Nag-thumbs up si Ginger. "Di'ba sabi ko always eat all the food in your plate para mabilis kang tumangkad at para mas maging strong ka pa?"
Hurricane pouted, the same cute pout that her mother always do. "Eh paano po ikaw, mama? Mamaya uubusin na po 'to ni Thunder."
"Hey! Patay gutom ba ako, 'ha?"
"Medyo." Inosenteng sagot ni Hurricane.
Umismid ang kakambal nya habang pinupuno ng macaroni ang bibig, bumubukol tuloy ang pisngi ni Thunder dahil sa sunod-sunod nitong pagsubo.
Samantala, tahimik na nakangiti lang si Storm habang nakikinig. Panaka-naka nya ring pinupunasan ang bibig ni Hurricane gamit ang tissue sa tuwing nalalagyan ng sauce ang bibig at pisngi nito. Sinubukan nya ring punasan si Thunder pero padabog nitong inagaw ang tissue at tsaka pinunasan ang sarili.
"Thank you, kuya Storm sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa mga kapatid mo habang wala ako. Hayaan nyo, babawi si mama bukas sa inyo."
Nagliwanag ang mga mata ni Storm kasabay ng pamumula ng pisngi. "Okay lang po, mama. Basta punta ka lang dito bukas, happy na po kami."
Ipinaubaya ni Harper ang tablet sa triplets para makapag-usap silang mag-iina ng maayos. Tumayo sya para lumapit kay Jerlyn na nasa hamba ng pintuan ng kusina, nakangiti itong nanonood sa tatlong bata.
"Grabe, talagang super love nila yung mama nila, 'no?" Komento ni Jerlyn na tinanguan ni Harper.
Mas nagiging masigla at makulit talaga yung triplets sa tuwing kasama o kausap nila ang nanay nila, maski si Thunder na bugnutin ay nagiging pa-baby pagdating sa mama nila.
Minsan ay napapaisip sya sa paraan ng pananalita at kilos ni Ginger na para bang bata pa rin ito pero hindi nya kayang tiisin yung inosente at cute na cute na mukha nito, lalo na ang natural na mapipintog nitong pisngi na nakakapanggigil sa tuwing ngumunguso ito para lang magpaawa sa kanya o kaya naman kapag nagtatampo ito. Mas nakadagdag pa sa ka-kyutan ng babae ang medyo bilugan nitong mata na para bang bituin na laging kumikinang dala ng sobrang sigla.
In short, wala syang pakielam kung isip bata pa rin ito dahil kung sino man ang magpaiyak kay Ginger ay talagang tatamaan sa kanya.
"Iba magmahal si ate Ginger sa mga anak nya. Lumalaking ma-respeto at mapagmahal yung triplets." Dagdag pa ni Jerlyn.
Pumalatak si Harper bago pasimpleng dumikit dito para akbayan ito. Hindi naman pumalag ang dalaga dahil ang mata nito ay nakatutok sa tatlong bata.
"Ganon talaga kasi natural na mabait si Ginger. Tsaka baka nakakalimutan mo..." Ngumisi ang babae bago hinawakan ang baba ni Jerlyn para iharap ang mukha nito sa kanya. "They also have me, their one and only mabait na ninang na kasamang nagpalaki sa kanilang tatlo."
Jerlyn frowned. "Oh, okay."
"Why? Are you not impressed? Or hindi ka lang naniniwala?" Taas kilay na tanong ni Harper, medyo dismayado dahil ni hindi man lang nya napangiti ang dalaga.
"Uh, hindi naman. I was just wondering kung anong ugali ng papa nila ang nakuha nil—"
"WALA." Biglang putol ni Harper sa kanya na medyo napalakas pa ang boses.
Napalingon ang triplets sa kanila kaya napapahiyang ngumiti si Harper bago binalingan si Jerlyn na ngayo'y nakataas na ang kilay.
"Edi wala. Hindi mo naman po ako kailangang pagtaasan ng boses."
Hindi na naka-alma si Harper ng bigla na lang syang talikuran ni Jerlyn at agad na naglakad patungo sa second floor. Natulala na lang sya sa pinaglakaran ng dalaga bago pabulong na na nagmura habang ginugulo ang sariling buhok.
"Tangina kasing Theodore na 'yon, kahit wala dito ang lakas makamalas." Dagdag bulong nya pa.
(Theo's POV)
"WHY do you keep on scratching your ear in front of us?! That's disgusting!"
Pinagtaasan ko ng kilay 'tong maarteng babaeng 'to. Sya 'tong tatawag-tawag sa'kin, tapos ako 'tong sasabihan nya ng kadiri? Looks who's desperately trying to reach me in the middle of my vacation.
"Watch your mouth, b***h. Pasalamat ka at sinagot ko pa yung tawag mo."
I took a sip from the vodka that I just ordered. Napangiwi ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang lasa ng alak. I'm not sure but hindi ko feel yung alak nila ngayon, is it because it's just seven o'clock in the morning? Or maybe because I'm already in my thirties and supposedly kape dapat ang iniinom ko kasabay ng breakfast? I don't know anymore.
"What the f**k happened to his ugly face? Akala ko ba nasa bakasyon 'tong pangit na 'to?" Veronica retorted na tinawanan lang ng mga kaibigan namin na kasama sa video call.
I let out a sarcastic laugh. "Said by the fat b***h who's crying to me last week because her hair started to fall."
Nanlaki ang mata ni Vero bago unti-unting nagsalubong ang kilay tsaka galit na dinutdot ang screen ng cellphone nya na para bang tatagos ang daliri nya papunta sa'kin.
"You, asshole! That's supposed to be our secret! Aaargh!" Inis na umungol si Veronica dala ng galit. "Walang kwenta ka talaga! I thought we're bestfriends?! How dare you betray me you f*****g psycho?!"
"It's too early para mag-away kayong dalawa. Kumain na ba kayo? I've made bacon and eggs for breakfast." Saway ni Vassy na kasalukuyang nagluluto ng breakfast.
Chryseis clicked her tongue, umiiling-iling pa habang busy sa pag-assemble ng Cheytac M200, ang paborito nyang sniper rifle. "Damn. That looks good. I miss bacon and eggs. Napurga na ako kakakain ng falafel at kebab dito sa Saudi."
"I'll cook you one pag umuwi ka rito." I offered.
She smirked. "Thanks in advance, jackass. I can't wait to go home."
JR started laughing hard. "Tangina, bakit mo naman tinatago sa'min 'yon, Vero? We're aging, natural lang malagasan ng buhok."
"That's not it, okay?! I just don't want you to see that I'm getting ugly na! I can't accept it! What if iwan ako ni Seph kapag bigla akong nakalbo?" Vero's eyes went teary all of a sudden. "Hindi ko na nga mabawi yung original waistline ko eh, then now I'm having hairfall? I don't like it!"
"Let's get you checked. I-se-set up kita ng appointment sa hospital namin for this weekend. Maybe you're just lacking some vitamins." Singit ni Charlotte habang pinuputulan ng kuko ang aso nyang si Dusk.
"You wouldn't be pregnant for four times if your husband only cares about your looks." Saad ni Morgan na may naka-ipit pang yosi sa labi habang nagpupunas ng motor. "Why are you stressing yourself over a little hairfall? All of us we're gonna die in the end anyway."
Sabay-sabay kaming napangiwi sa huling sinabi ni Morgan. She looked a little bit depressed and lifeless today, meaning she got in an argument with Noam—which is very interesting dahil sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nalaman na kaya pala ni Morgan magmukhang nanlulumo.
"Thanks, bitches. I feel a little bit better now." Umismid si Veronica na para bang hindi sya naluluha kanina lang. "Anyway, back to you asshole. Why are you chugging a vodka instead of coffee? Did something happened? You have dark circles under your eyes."
Napatitig ako sa basong pinag-inuman ko na may kakaunting alak pa. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong nya.
What should I tell them? That there's three cute little kids who looked just like me that kept on insisting that I'm their father? Na malapit na akong makumbinsi na ako nga ang tatay nila? Ugh. I don't even remember who their mother is tsaka isa pa ay mukhang mga nasa ten years old na sila mahigit, don't tell me I knocked someone ten years ago when I was still twenty three? The heck, ga-graduate pa lang ako ng college non!
But the main reason kung bakit hindi ako makatulog kagabi ay dahil kay Hurricane. I'm wondering if he slept well or if he laid on bed with tears on his eyes ng dahil lang sa muffins. I mean, it's just muffins? Bakit sya umiyak ng dahil lang sa tinapay? Besides, I was just kidding! Bibigyan ko naman talaga sana sila kung hindi lang sya tumakbo palayo.
Asar kong nilamukos ang mukha ko gamit ang sarili kong palad. I really don't understand how my friends handle their kids. I also babysit their children from time to time but I only do basic care taking, as in bantay lang.
Well, whatever. I don't know anymore. I can't stop overthinking because of that child.
"This is because of Hurricane." I murmured.
"Ako po?"
I nearly jump on my seat when I heard his raspy little voice right beside me. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang naghahabol ng hininga matapos magulat.
"What the f**k?" Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat tsaka chineck ang kabuuan nya habang inosente syang nakatitig sa'kin. "You're here—wait, this is the hotel bar! What are you doing here? Paano ka nakapasok?"
Kumurap-kurap sya na para bang nawi-wirduhan sa tanong ko, talaga itinabingi pa nya yung ulo nya. Wait, is it just me or he's a little pale? Namumula yung pisngi at ilong nya pero parang namumutla yung kutis nya.
"Sa pinto po." Tinuro nya yung entrance na walang security guard. "Ayun po, open po yung door po."
Napahilamos ako sa mukha ko. Pakiramdam ko ay mas lalong sumakit yung ulo ko sa naging sagot nya.
"OMG! Who's that kid?!" Eksaheradang saad ni Vero na nakanganga pa kaya naman hindi na rin nakapagpigil yung iba na mga kapwa OA rin kagaya nya.
"Oh god, he looks exactly like you!" Vassy
"That's his. I'm not a doctor but I'm one hundred percent that that's his son." Morgan
"What the actual f**k?!" Chryseis
"May nabuntis sya?!" Charlotte
"Gagi, nakakabuntis ka pala?!" JR
"What?! What makes you think na baog ako?!" I blurted out. "You know what? Whatever! Mamaya na tayo mag-usap!"
"Wait—"
Hindi ko na hinintay yung sagot nila at basta na lang pinatay ang tawag. I can hear my own heartbeat because of this unknown nervousness—pero teka nga, bakit ba ako nine-nerbyos?! Eh wala naman dapat ika-nerbyos ng dahil lang sa nakita nila si Hurricane!
Bumaling ako ulit kay Hurricane na ngayo'y tutunggain yung basong may tirang alak dahilan para taranta kong agawin yung baso.
"Why would you do that?! That's vodka! It's liquor and it's not for children!" Inubos ko yung vodka tsaka pabagsak na inilapag sa bar counter.
Mukhang nagulat sya sa pagbagsak ng baso dahil nakita kong umangat ang parehong balikat nya. I was about to scold him more but his teary eyes made me froze.
"I... I'm sorry po..."
I'm speechless. No words came out from my mouth especially noong sinimulan nyang kusutin yung mga mata nya na parang pinipigilan umiyak. Damn.
I pinch the bridge of my nose before heaving a deep sigh. I picked up my phone and inserted it into my pants back pocket before picking him up. Naramdaman kong nagulat sya sa ginawa kong pagbuhat sa kanya pero hindi naman sya umalma at mas hinigpitan lang ang pagkapit sa batok ko.
"I'm sorry. I didn't mean to shout at you. Nagulat lang ako kaya tumaas yung boses ko." Hinagod ko yung likod nya para pakalmahin sya. "Next time, don't drink at someone's glass, okay?"
"O-okay po..."
I sighed before leaving while still holding him. May iilang mga taong nililingon kami na para bang nagtataka sila kung bakit buhat-buhat ko si Hurricane na parang baby eh samantalang medyo malaki na sya.
I don't mind it though. Bata pa rin naman kasi ang tingin ko sa kanya.
"Where are your brothers?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang elevator.
"I don't know po. May nakita po kasi akong magandang car kanina kaya lumabas po ako. Tapos sinundan ko po yung may-ari dito sa loob kaso di ko sya nahanap tapos po nakita po kita doon kaya sayo na lang ako lumapit po." Paos pero may halo pa ring sigla na kwento nya.
"Why did you do that? Paano kung bad guy yung sinundan mo? You shouldn't just follow any strangers, Hurricane."
"I know po. Tinuruan na po ako ni mama po pero kasi yung car nya ang ganda talaga po."
Pumalatak ako. "Nasaan ba yung bantay mo? Tsaka yung mama mo, nasaan? Sa tuwing nakikita ko kayong tatlo ay lagi kayong walang kasamang guardian."
"Si mama po mamaya pa pupunta dito kasi nag-work pa po sya sa bakery kahapon."
"You have a bakery?"
"Yes po!" Hurricane giggled. "Nag-bakery si mama sa baba ng bahay namin po. Masarap sya mag-bake, di'ba po na-kwento ko na po sayo kahapon?"
Tumaas ang kilay ko sa kwento nya. Bakery, huh? So their mother is really a good baker? So she's working all alone? Hmn...
Hindi na nahinto si Hurricane sa pagki-kwento kaya hinayaan ko na lang sya. Karga-karga ko pa rin sya hanggang sa makarating kami sa unit kung saan ako temporarily nagsi-stay.
I gently put him down on my bed and tucked him in. Sinalat ko ang noo nya at napangiwi ng maramdaman ang init non. I knew it, may sakit nga 'tong batang 'to kaya namumutla at paos ang boses.
"You're sick. Uminom ka na ba ng gamot kanina?"
He blinked. "May sakit po ako?"
"Yes. Did you cried a lot yesterday until your eyes got puffy and nose got stuffed?"
Ngumuso sya tsaka umaktong tila nag-iisip kaya natawa ako. He's just like a cute little cartoon character.
"I think so po." He pouted even more. "Kasi nagtampo po ako kahapon dahil dun sa muffin. Then I got tripped pa po habang natakbo kahapon."
My hand just moved automatically on it's own and went to pat his head. My hand seems comfortable on touching his soft hair, mukhang maganda ang shampoo na binibili sa kanila ng mama nila.
"I'm sorry for making you cry yesterday. Can I see your wound?"
Tumango ito at ini-angat ang suot na jogging pants. Napapalatak si Theo ng makita ang namumulang gasgas nito sa tuhod kahit nalagayan na ng ointment.
"That must have been hurt a lot." Ibinaba nyang muli ang pants nito. "How can I make it up to you?"
"Marunong ka rin po bang gumawa ng muffins?" He asked as his face lit up due to excitement.
"Of course. I'm a chef, remember? Kahit anong gusto mo, I'll do it."
He chuckled when I pinched his warm, blushing cheeks. "Muffins lang po. Apology accepted na po."
I can't help but to smile because of his adorable response. This kid is so kind. Magiging problema 'to ng nanay nya balang araw dahil madaling i-take advantage ang pagiging naive nya.
"Your throat must have been hurting." I stood up and checked the cabinet for some medicine. "Well, I'm not sure if I have some medicine here especially yung para sa bata. I think I need to call someone from the reception to ask—"
"Papa."
O—kay? What's happening with me? I'm feeling something that I've never felt before.
Tila hirap na hirap akong humarap sa kanya na nakahiga pa rin sa kama ko. He's looking at me with his tired yet still beaming face na para bang hindi talaga nya nararamdaman yung sakit nya.
"Pwede mo po bang tawagan si Ninang ko? Baka nag-aalala na po sya sa'kin po. I memorized her number po."
"S-sure."
Naupo ako sa tabi nya tsaka inilabas ang cellphone ko para i-type ang number na mabagal nyang dini-dictate sa'kin.
"Alright, I'm calling her right now. This is actually better para ma-inform sya about your sickness." Anya ko habang muling sinasalat yung noo at leeg nya. "By the way, ano pangalan ng ninang mo?"
"Ninang Harper po."
Napapikit ako ng marinig ang nakaka-bwiset na pangalan ng lesbiana na 'yon. I hate the guts of that woman. Lagi akong inaakusahan ng micro cheating behind her friend's back na hindi ko naman maalala kung sino, like hell? I'm a womanizer, but I don't cheat!—but wait, what if same name lang?
"Hello? Sino 'to?"
Fuck. That's the f*****g lesbian.
(Third Person's POV)
NAG-e-echo ang malutong na tawa ni Hurricane sa apat na sulok ng unit ni Theodore. Pareho silang may harina sa mukha at mga braso, pero lamang yung kay Hurricane dahil halos tila ginawa nitong polbo yung harina dahil buong mukha ay nalagyan. Halos naging bestida na tingnan ang isinuot ni Theo na apron sa bata.
Nakaupo ito sa kitchen counter habang si Theo ay inililipat yung muffins sa malaking bandehado na pinagtulungan nilang i-bake. Umaalingasaw ang amoy ng chocolate chips na nilagay nila bilang toppings sa muffins na umuusok-usok pa.
"Pwede po ba akong mag-uwi?"
"Yeah. You can bring all of this back to your place so that you can share it to your twin brothers." Dinampot ni Theo ang isa sa muffins para balatan at hipan bago i-alok kay Hurricane. "Here, tikman mo. Be careful lang kasi mainit-init pa yan."
"Owkie!"
Nakigaya si Hurricane at naki-hipan rin bago kumagat ng tuluyan sa muffin. Agad na nagliwanag ang mata nya tsaka humawak pa sa magkabilang pisngi, dahilan para proud na mapangisi si Theo.
"Masarap?"
The kid nodded. "Yes po!"
"Gaano kasarap?"
"Sobrang sarap po." Nag-thumbs up si Hurricane. "9/10 po."
"Mas masarap kaysa sa gawa ng mama mo?"
Nawala ang ngiti ni Hurricane tsaka mabilis na umiling, sinamahan pa ng pag-ekis ng mga braso na para bang sobrang tutol ito sa sinabi nya.
"No po. The best po talaga yung gawa ni mama."
"Damn it..." Bulong ni Theo tsaka asar na ginulo ang sariling buhok.
Bumalik si Hurricane sa pagkain ng muffin na hawak nya. Tumaas pa ang kilay ni Theo ng mapansing kumukuyakoy at gumagalaw ang ulo ni Hurricane habang ngumunguya na para bang enjoy na enjoy nya ang kinakain nya.
Hinaplos ni Theo ang noo ng bata para i-check ang temperatura nito. Napalitan ng ngiti ang ngiwi nya ng mapansing bumaba ang init ng katawan nito at medyo bumabalik na ang kulay ng kutis ni Hurricane.
Maya-maya pa at ang tunog ng doorbell ang nagpasimangot muli sa kanya.
"Baka si ninang Harper na yan!" Hurricane squealed in delight while Theo just groaned in annoyance towards the person who kept on pushing the doorbell button repeatedly.
"Let's get you down first, baka mahulog ka."
Ibinaba ni Theo si Hurricane at tsaka hinubad ang apron na suot nito. Pinagpagan nya rin ito para mabawasan ang harina sa katawan at especially sa mukha na pinunasan pa nya ng wet wipes, baka sabihin ng ninang nito ay hinayaan nyang magdungis ang bata.
He let the kid go and run off towards the door habang sya ay naiwan para kumuha pa ng wipes upang punasan naman ang sarili. He can hear Harper's familiar voice giving Hurricane a little scolding kaya naman naglakad na rin sya patungo sa pinto.
"Halos tatlong oras ka na namin hinahanap! Bakit bigla-bigla ka na lang nawawala? Pinag-alala mo kami ng husto!"
"Eh kasi po yung car po eh..."
"Car? Anong car?"
Naabutan nyang nakayuko si Harper habang ini-eksamin ang kabuuan ni Hurricane, habang si Storm at Thunder naman ay tila nagulat pa na makita si Theo. Isang ngisi ang iginawad nya sa dalawa, ngiti ang isinagot ni Storm pero samantalang isang ngiwi naman ang ibinigay ni Thunder.
"You might wanna check his temperature first bago mo sya pagalitan." Pagsingit ni Theo.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Harper sa gulat pero mabilis rin 'yon napalitan ng matalim na tingin. Theo can't help but to frown especially when Harper tried to hide the triplets behind her as if she doesn't want him to see the kids.
"What are you doing here?"
"I'm on a vacation." Tipid na sagot ni Theo bago sinenyasan ang triplets. "Hurricane, why don't you bring your brothers inside and get the muffins that we baked para naman matikman nilang dalawa?"
Hurricane beamed. "Okay po—"
"No, aalis na tayo." Pigil ni Harper kay Hurricane na ngayo'y bumagsak ang balikat sa pagkadismaya.
"Aw, pero paano na po yung muffins na ni-bake namin?"
"Gagawa na lang tayo ulit."
Theo saw how Hurricane winced when Harper held the child's arm. Hindi nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng init ng ulo dahil doon.
"Hey, anong problema mo?" Anya matapos isahing hakbang ang pagitan nila tsaka marahang hinila si Hurricane at itinago sa likod nya. "I already told you that he's sick and that's how you handle him? I'm well aware of your hostility towards me pero hindi mo kailangang hawakan ng ganyan ang bata."
Natauhan si Harper sa sinabing iyon ni Theo tsaka nag-aalalang tiningnan si Hurricane na ngayo'y nakanguso habang nagtatago sa likod ni Theo.
"MAMA!"
Ang magkasabay ng sigaw ng triplets na 'yon ang nagpahinto pareho kay Harper at Theo. Sinundan nila pareho ng tingin ang tatlong bata na sabik na tumakbo patungo sa pinto.
There's a woman standing outside of the hallway, both arms are spread away as she kneel on the floor while waiting for her kids to hug her and when they finally reached her, she did not hesitate to kiss them one by one on their cheek that made the kids giggle.
Hirap na hirap lumunok si Theo habang pinagmamasdan ang eksenang 'yon. Hindi nya alam kung bakit pero tila ba may kung anong nakabara sa lalamunan nya kaya hindi nya man lang makuhang magsalita. Isa pa ay bumalik yung nerbyos sa dibdib nya—kung nerbyos nga bang matatawag 'yon. Kakaunti na lang ay lalabas na ang puso nya sa ribcage nya.
Strange. It's really, really strange to feel that way towards the mother of the triplets that he never seen or met before. Did he forget her or something? He swears na hindi nya talaga naaalala ang babae.
She's wearing a pair of hearing aid on both of her ears but that doesn't hinder her beauty at all. That reddish round cheeks that looks so soft it makes him wants to bite her. Those thick chubby arms that looks so fluffy to the point that he might just let her headlock him. Those fully rounded breasts, hip dips, soft looking belly, thick thighs and legs—how can he forget such a gorgeous woman like her? That's a real greek goddess right in front of him!
"Do... do I know you...?" He finally utters, still starstrucked to her.
Nangunot ang noo ni Harper, hindi maunawaan yung reaksyon ni Theo. Ngunit ang ina ng triplets ay tumayo lang ng tuwid bago nagpakawala ng usual nitong nakasisilaw na ngiti na mas lalong nagpa-umbok sa mapupula nitong pisngi.
"It's nice to finally meet you again, Theodore."