(Theo's POV)
I'M being followed.
I just want to eat some breakfast from this hotel's restaurant but I can't do anything in peace because there's three pairs of eyes that are glued to me!
Magmula ng makalabas ako sa unit ko, hanggang sa makababa sa restaurant at kahit noong nakaupo na ako ay hindi pa rin naalis ang mata nila sa'kin. I mean, I'm used to be stared at because even though na Chef lang ako, most of the time ay pinagkakaguluhan rin naman ako but these stares are stressing me out! Isang matang nagniningning sa saya, isang matang nagmamasid lang at isang matang halos saksakin na ako sa talim ng tingin nya.
Asar kong hinubad ang sunglasses ko tsaka nilingon yung direksyon nilang tatlo. They are hiding behind a large plant just beside the entrance door near the security guard. Bumuntong hininga ako noong agad na nagtago yung dalawa, pero yung isa na may masamang tingin ay pinandilatan pa ako hanggang sa hilahin rin sya nung dalawa nyang kapatid para magtago.
And what's with their outfits? They're wearing polo shirts with gumamela prints partnered with khaki shorts. Ginagaya ba nila yung fashion ko? Ugh, scammer na, outfit stealer pa.
"What the f**k is their problem?" Ibinalik ko ang sunglasses ko tsaka inilabas ang phone.
Umismid ako ng makita kung gaano karaming notifications ang naipon mula kahapon. I turned offf my cellphone yesterday just to be sure that no one knows where I am, pero mukhang napaka-in demand ko talaga hindi lang sa mga kaibigan ko kundi pati na rin sa dalawang kapatid ko.
"Why can't they let me rest in peace?" Asar kong pinagpipindot isa-isa yung messages nila. "Baka mamaya hanggang sa kabaong ko ay hindi rin nila ako patatahimikin."
Of all the people na bumomba ng inbox ko, si Mommy ang may pinakamaraming message. Noong una ay puro sweet messages pa ang sinend nya, pero kalaunan ay napangiwi ako dahil puro pagbabanta na ang mga sumunod. Then of course, ang pinaka-kaunti ay ang kay Daddy na mukhang napilitan lang mag-text.
From: Dad
Call your mom. She's panicking.
I sighed before dialing my mother's number. She's always like this, panicking na para bang mawawala na lang ako anytime. Why is she still treating me like a kid? As if naman na may mangyayari sa'kin na masama.
"Where are you?" Bungad nya matapos sagutin ang tawag ko.
"I'm fine. You don't have to worry, Mom." I began massaging the bridge of my nose because I know that she's gonna bombard me with questions.
"Fine? You just disappeared and did not notify any of us kung saan ka pupunta, then after twenty four hours ay tatawag ka para lang sabihin na you're fine? Are you kidding me, Theodore? Are you really f*****g kidding me?"
"Mom, seriously? You don't have to panic. I'm just on a vacation, okay?"
"Where exactly?"
"Just.... somewhere near Manila."
"And what's the location?"
"Mommy..."
"Theodore, sinasabi ko talaga sayo. Unless na kasama mo sina Veronica, I won't ask for anything anymore but since you went somewhere without our knowledge, I need to know where exactly you are." May diin na sabi nya.
I can't understand my parents, especially my Mom. I'm already thirty four years old pero parang bata pa rin ako kung ituring ni Mommy and sometimes nakakasakal na. Everytime naman na tinatanong ko sya o si Daddy kung bakit ay wala naman silang maisagot.
Pati ang sentido ko ay hinilot ko na dahil nagsisimula itong sumakit dala ng kunsumisyon. Natakasan ko nga ang mga inaanak ko pero hindi kay Mommy. Of course, just like before ay wala naman akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo kung hindi ay lalo lang syang magpa-panic.
"I'm on—"
"Are you talking with our Lola?"
I gasped when the three of them suddenly appeared beside me. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa nerbyos ng biglaang pagsulpot nila.
"Kausap mo po si Lola namin?" The one in the middle asked, I think he said his name is Hurricane.
He's easy to remember dahil kahit na magkakamukha sila, si Hurricane ang may pinaka-maamong mata sa kanila at pinaka-malumanay magsalita. Aside from that ay lagi syang nasa gitna nung dalawa na para bang binabantayan sya ng mga ito.
"Lola? Theo, who are you talking to?"
I groaned. Great, now pati si Mommy ay susubukan nilang kulitin.
"I'm sorry, Mom. I'll just talk to you later."
"What? No! Sabihin mo muna sa'kin kung nasa—"
Nag-sign of the cross ako pagkatapos kong patayin yung tawag. I need to pray for myself, na sana ay walang helicopter na bigla na lang magla-landing dito sa islang ito habang may mga naka-suit na sumisigaw ng pangalan ko.
"Praying ba yan po?"
Napadilat ako tsaka naka-ismid na binalingan si Hurricane. "Why do you talk like that?"
Tumabingi ang ulo nya na tila ba nagtataka sya sa tanong ko. "Bakit? Paano po ba ako mag-talk po?"
"Nagtatagalog ka na pero mali-mali pa rin sentence structure mo." Humalukipkip ako. "And why are you using the word 'po' excessively? Once is enough per sentence."
"At ano bang pakialam mo kung panay ang 'po' nya?" Sabat nung Thunder habang nakahalukipkip rin.
Ito yung pinakamatapang at pinakamasungit sa kanila, sya rin 'tong laging nasa kanan ni Hurricane. Bagay sa kanya yung pangalan nyang Thunder, parang kumukulog kada salita nya eh. Laging galit.
"I'm just asking." Saad ko tsaka malalim ang hiningang binalingan yung nasa kaliwa. "Ikaw? Baka may sasabihin ka rin?"
Ngumiti yung pinakamatino sa kanila. I believe his name is Storm. Sya yung laging umaawat kay Thunder at sya rin ang laging may mahigpit na hawak kay Hurricane. Kumbaga, sya ang lider sa kanilang tatlo.
These three little gremlins looked like the boy version of powerpuff girls. Making Storm as Blossom, Hurricane as Bubbles and of course, Thunder as Buttercup. I know that there's also Rowdyruff boys but their personalities suit the Powerpuff girls. Besides, makukulit lang sila pero alam kong hindi naman sila pasaway na bata.
"Hindi mo ba kami aalukin ng breakfast?"
Aba, kakaiba 'tong batang 'to. Is he asking if I'm going to treat them to some breakfast? If so, then why? Hindi ba sila pinakain ng magulang nila bago sila nagdesisyong sundan ako kahit saan ako magpunta?
Kumurba yung sulok ng labi ko tsaka nang-aasar na inilapit ang mukha ko sa kanilang tatlo. I even removed my sunglasses para lang makita sila ng malinaw.
"Why would I?"
The three of them exchanged glances, as if they were talking using their stares. Mahigit limang minuto muna ang lumipas bago muling nagsalita ang isa sa kanila.
"Are you poor na po ba? If you can't afford to feed us po, kaya ko naman po mag-ambag po." Hurricane asked innocently before grabbing something out of his pocket.
I pressed my lips together when he pulled out a handful of peso coins and dropped it on the table na may kasama pang putol na purple and yellow crayon, maliit na crumpled paper at kaunting himulmol. Then after showing his little 'treasures', he smiled widely, yung tipong aabot na sa tenga nya yung ngiti nya na para bang proud na proud sya sa ginawa nya.
"My ninang Harpy gave me that pocket money po kasi mabait raw ako, pero ibibigay ko na lang po sayo, Daddy."
Ugh. I don't like this kid, masyadong cute at inosente. Mahina ang puso ko sa ganito.
"Poverty is not on my list, Hurricane. I just don't see the reason for eating breakfast with the three of you."
"Bakit po? Hindi ba dapat magkasabay ang parents at anak po pag magkain na po?"
"Again, I'm not your father."
"He just doesn't want to eat with us! Yun lang yon, pinapahaba nya lang. Ganon sya kaarte." Sabat ni Thunder na pinagtaasan pa ako ng kilay.
"Thunder, bibig mo." Saway ni Storm.
"Totoo naman ang sinabi ko ah!?" Singhal ni Thunder.
I saw how Storm's eyes grew larger, trying to intimidate Thunder with just his stare. I was amused when Thunder really refrained from saying offensive things after that. That just proves that Storm is really the leader from the three of them.
I still don't know what their motive is in pretending to be my self-proclaimed children. Wala akong maalala na may nakatalik ako over ten years ago, besides ay college pa rin ako noong mga panahon na 'yon. I didn't have any girlfriend back then. I flirt and f**k but always with protection kaya imposibleng nakabuntis ako ng hindi ko alam.
Left with no choice. I raised my hand to call the attention of one of the waiters, seconds later ay may isang lumapit sa pwesto namin.
"Can you get us two extra chairs, please."
"Sure, sir. Just a moment please."
Mabilis naman kumilos ang waiter kaya hindi rin nagtagal ay nakaupo rin agad ang tatlo. I also asked the waiter to bring another set of breakfast menu for the kids since para sa'kin lang naman ang inorder ko. The service was fast because it only took ten minutes for them to serve the food.
I smiled a bit when their mouth made a big letter 'O' shape after seeing the food that was served by the waiter. Konting-konti na lang ay tutulo na ang laway nilang tatlo lalo na ng makita ang desserts at chocolate drinks na sinerved sa harap nila.
"What, first time?" Mayabang 'kong tanong habang inilalatag ang table napkin sa hita ko.
Thunder immediately shut his mouth before giving me a death glare. "Nakatikim na kami ng waffles! Lagi kaming nilulutuan ni mama ng waffles at masarap lahat ng luto nya!"
"Oh, really?" Hindi interesadong sagot ko pero mukhang hindi naging halata sa boses ko 'yon, lumiwanag kasi yugn mukha ni Hurricane.
"Masarap rin po yung other bread stuffs na ginagawa ni mama po. Favorite ko po yung muffin nya na may chocolate chips po sa taas po." Segunda ni Hurricane.
"Muffins?"
"You should try it." Sabat ni Storm habang inaayos ang napkin sa hita ni Hurricane. "If you want, dadalhan ka namin bukas."
Look at these gremlins, kung makangiti habang nagki-kwento tungkol sa luto ng nanay nila ay akala mo sobrang galing nito. Just how good of a cook is she?
"No need, save those cheap little muffins to yourselves." I smirked. "I'm a well known professional Chef, so for sure ay mas masarap ang muffins na gawa ko."
Nawala yung ngisi ko noong sabay-sabay na sumimangot yung tatlo na para bang na-asiman sila sa sinabi ko. They even started eating na para bang hindi ako ang magbabayad ng pagkain nila.
Aba, loko 'tong mga 'to ah. Hindi ako nag-aral ng Culinary arts para lang matalo ng nanay nila yung luto ko. And who the heck is she para paniwalain 'tong mga bubwit na 'to na ako ang tatay nila? Duh, I always have a condom with me para safe kaya imposible talaga.
Padabog kong kinuha ang kutsara't tinidor ko para mag-umpisang kumain, but even though we're eating my eyes we're still focused to them. Aaaminin ko, kahit na sobrang kulit nila ay natutuwa pa rin ako sa mga kilos nila because what do you mean they've been raised by a single mother? Their bond amazes me.
I like how overprotective Thunder is to his brothers. I know that he has a bad mouth, pero nakakatuwang makita kung paano nya ipagtanggol si Hurricane at ipagmalaki ang mama nya sa'kin.
I also like Storm's wits. Bihira sya magsalita na para bang kalkulado nya kung ano lang ang dapat na sabihin sa'kin, isa pa ay gusto ko kung paano sya magpakita ng otoridad sa mga kapatid nya. Look how cute they are, sabay pa nilang pinunasan yung pisngi ni Hurricane na napahiran ng whip cream galing sa chocolate drink.
Of course. Hurricane is the cutest. He's just simply sweet and innocent. I like how honest he is about what he likes—
I was stunned for a moment before frowning. What the heck? Pinupuri ko ba sila sa isip ko? Arrrgh. Ang sabi ko ay hindi ako magpapahulog sa scam tactics nila eh! Damn it!
"Scammer kayo, 'no?" I blurted out.
Sabay-sabay silang natigilan bago ako dahan-dahang nilingon. Nakakamangha yung pagkakasabay-sabay rin ng pagkunot ng noo nila.
"Dude, just tell us if you hate us! No need na insultuhin pa kame!" Thunder scowled, habang natawa naman si Storm.
"What's a scammer po? Good ba po yun or bad po?" Hurricane tilted his head again.
"Being a scammer is bad, Hurricane but don't worry, he didn't mean to say that to us." Storm explained to his twin before smiling. "Right, Dad?"
"I'm not your Dad sabi."
Storm glanced over his shoulder, as if he's looking for someone. When a couple from the nearby table stood up, Storm left his chair and ran towards them.
"What the heck is he doing?" I mumbled.
Minutes later ay nakangiting lumapit sa'min yung couple.
"Your son is so cute, he asked us if we could take your picture."
I raised an eyebrow. "Son? They're not my kids—"
"Here, just two shots of picture lang po."
Natanga ako ng makitang hawak na ni Storm yung cellphone ko at iniaabot na dun sa lalaki. What the f**k? Paano nya nakuha yon? I was just holding it in my hand but seconds later ay nakuha na nya? f**k.
Of course, wala akong choice kung hindi ang tumayo sa likuran nilang tatlo tsaka pekeng ngumiti sa camera. Ayokong mahusgahan na naman ng mga tao katulad kagabi noong itanggi 'kong anak ko sila.
The couple complemented us before they finally left. They kept on praising the triplets because of how good looking they are, they even asked where the mother is which is of course, hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam kung sino 'yon.
"See?" Nakangising iniabot pabalik sa'kin ni Storm yung phone ko. "Our faces don't lie. We're your children."
Ilang segundo kong tinitigan yung picture namin bago ako umungol sa sobrang inis.
Damn. Magaling 'tong mga 'to. Malapit na akong makumbinsi.
(Third Person's POV)
EVEN after having breakfast with them ay nakasunod pa rin sa kanya yung tatlo. He already asked them multiple times to stop following him dahil nangangati na ang paa nyang magpunta sa local bar ng isla o kaya naman ay ang maligo sa dagat, mag-try mag-surfing o kaya naman ay mangisda.
However, mukhang walang balak itong mga batang 'to na lubayan sya.
"Hanggang kailan nyo ako susundan?" Asar nyang tanong na hindi man lang nililingon ang mga ito.
"Nabo-bored ka na ba po?" Si Hurricane ang sumagot, nakatingala ito sa kanya habang hawak kamay na naglalakad kasabay ang dalawang kakambal. "We can bring you to our house po para makita mo po yung toy collections ko po. Pwede rin po tayong mag-play."
Huminto sya sa paglalakad. "What kind of toy?"
"Motorcycle po tsaka cars po."
"You like automobiles?"
"Opo. Meron din po akong train set na may riles tas umiikot sa buong room ko. Bili ni mama ko po."
'Spoiled sa mama, huh?' Pumalatak si Theo tsaka ngumisi. 'Okay, I'm not obsessed with cars or motorcycles even though I have those, so technically, hindi ko talaga anak 'tong mga 'to.'
"I'm not fond of any automobiles." Nginusuan nya si Storm. "Ikaw? May koleksyon ka rin or hobbies?"
Storm smiled. "I like reading. Pinagawan ako ni mama ng bookshelf sa kwarto ko."
'Huh, I don't like reading. It's boring. Confirmed na talaga, hindi sila anak dahil hindi naman nila namana mga hilig ko.' Lalong lumawak ang ngisi ni Theo.
"And you?" Tukoy nya kay Thunder.
Ngunit imbes na sumagot ay uungot-ungot itong nag-iwas ng tingin. Sinipa-sipa pa nito yung tuyong dahon na nililipad-lipad ng hangin sa sahig, tila ba pinapakitang nababagot sya at walang balak sagutin ang tanong ni Theo.
"He likes cooking just like you." Si Storm ang sumagot.
Thunder frozed. He looked at his twin with a scowl look on his face. Namula rin yung buong mukha nya, senyales na hindi sya natuwa sa sinabi nito.
Yun lang, pati si Theo ay nagyelo sa narinig.
'f**k. I love cooking.' He sighed.
"That's not true!"
"He has his own apron na si mama ang nagtahi at lagi syang nanonood kay mama sa kusina kada magluluto sya." Dagdag pa ni Storm.
"Storm! You douchebag!"
"Hey, watch your mouth!" Awat ni Theo. "Anong douchebag? Where did you hear that? Pipitikin ko yang mouth mo kapag inulit mo pa yang bad word na yan."
Thunder squinted his eyes. "At sinong nagsabing magpapa-pitik ako sayo? Sabi mo you're not our dad ah!"
"So? Tatay mo ko o hindi, pipitikin ko pa rin yang nguso mo dahil bad word yung sinabi mo."
The kid just rolled his eyes at him kaya kunsumidong bumalik sa paglalakad si Theo. Ginulo nya ang buhok nya sa sobrang frustration habang ang isang kamay ay nasa bulsa.
Para syang pato na may kasunod na tatlong bibe sa likuran, kahit saan sya magpunta ay sinusundan pa rin sya ng mga ito. Halos lahat ng nakakasalubong nila ay napapatingin sa kanilang apat, may iilan pang kumukha ng litrato dahil nadadala sa kakyutan nila.
Nahinto lang si Theo ng mapansin ang isang food stall na maraming bumibili. Napag-alaman nyang stall ito ng isang bakery dahil puro pastries lang ang tinitinda nito. As a Chef, hilig nya rin talagang kumain at magtikim-tikim ng produkto ng iba para naman magka-ideya sya sa mga pagkain na idadagdag nya sa menu.
Lumapit sya roon at sinipat ang laman ng display case. He's having a hard time choosing on what pastry should he pcik when he notced something.
Tumaas ang kilay ni Theo at nagpabalik-balik ang tingin sa natitirang tatlong cupcake tsaka sa triplets na nakatitig rito. This is the first time na naalis ang tingin nila sa kanya at hindi sya makapaniwalang dahil iyon sa pagkain.
He smirked when an idea suddenly popped up in his head.
"Gusto nyo?"
The triplets eyes' widened due to shock. Gustong tumanggi ng dalawa but Hurricane immediately nodded, so the other two just stared at him confusely.
"Miss, I'll take these three remaining cupcakes."
Pinanood ng tatlong bata kung paano ilagay ng staff yung tatlong natitirang cupcake sa paperbag habang si Theo naman ay nangingising nakamasid sa triplets.
Matapos magbayad ay agad na kinuha ni Theodore ang paperbag tsaka nagsimulang maglakad palayo. Hindi nagtagal ay narinig nya agad ang maliliit na yabag ng paang tumatakbo pasunod sa kanya.
"Hey! Hindi mo ba kami bibigyan?" Sigaw ni Thunder ng harangin nya si Theo.
Mas lumawak ang ngisi ni Theodore na bahagya pang yumuko tsaka inalog-alog ang paperbag sa harap nilang tatlo.
"And why would I? I bought these for myself."
Malamlam ang matang itinuro ni Hurricane ang paperbag. "But... but you ask us po if gusto namin po?"
"Yeah, I did pero wala akong sinabing bibigyan ko kayo." Umayos ng tayo si Theo tsaka inismiran ang tatlo. "Why don't the three of you go home and ask for money from your mother? You're really ruining my vacation."
Nagdidiwang ng husto yung kaloob-looban ni Theo ng makita kung paanong sabay-sabay na nalukot yung mukha nung tatlo, malamang inis na inis na sa kanya. Mabuti naman kung ganon para lubayan na sya ng mga ito.
Ngunit ang hindi nya inasahan ay ang mabilis na pagragasa ng luha ni Hurrican habang mahigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng sariling damit. Mabilis na namula ang ilong at pisngi nito habang nagsisimulang tumulo ang sipon.
Kumurap-kurap sya tsaka itinuro ang bata. "Oh, oh! J-joke lang! Wag kang iiyak—"
"I... I hate you po.... You're bad po..." Humihikbi nyang saad bago tumakbo.
"Hurricane! Wait!" Habol ni Storm sa kapatid.
"Hoy sandali lang—Ouch!" Hiyaw nya matapos syang sipain ni Thunder sa binti. "What the hell?!"
"Ang asshole mo talaga kahit kailan!" Sigaw nito sabay takbo para habulin ang mga kapatid.
Awang ang labing itinuro sila ni Theo kahit pa hindi sya nito nilingon. Hindi sya makapaniwalang sinipa sya ng batang yon at tinawag pang asshole.
"Anong—hoy! Hampasin sana ng nanay mo yang bunganga mo!" Pinagpag ni Theo yung binti nyang sinipa ni Thunder. "How dare he say that to me? Kanino bang anak 'yon?! Kung makapagsalita, walang filter!"
It was supposed to be a joke dahil gusto nyang asarin ang mga ito. Malay ba nyang iiyak yung isa? Napaungol sya sa inis. Imbes na lumalangoy sya sa dagat o kaya ay umiinom, heto't nag-overthink pa sya dahil dun sa tatlo.