Chapter 1: province girl
Monica POV:
" Monica saan ka ba galing at kanina pa kita hinahanap? " Sigaw sa akin ni Mabel ang kaibigan kung matalik simula pagkabata. Ano kaya ang kailangan nito at humahangos pa siya sa kakatakbo.
" Oh, anong nangyari at tumatakbo ka dyan? Para kang hinahabol ng elepante sa laki ng pawis mo. " Pinagtawanan ko pa siya dahil sa itsura niya. Nakasimangot siyang tumingin sa akin kaya naman tumigil na ako.
" Bakit ka ba naparito? Tumakbo ka pa para makapunta dito sa bahay. Pwede mo naman akong tawagan kung importante yan. " Ayaw ko na kasing abalahin itong kaibigan ko sa pagpunta dito sa bahay.
" Hindi mo nga tiningnan ang telepono mo kung may mensahe ako o wala. Si Aling Soling umuwi galing Maynila. Di ba naghahanap ka ng trabaho para may pangbili ka ng gamot ng lola mo? Ang kaibigan daw ng amo niya naghahanap ng kasambahay dahil ayaw ng anak niya na magkikilos ang ina niya. Malaki ang sahod tapos bonus tapos may benespisyo pa. " Maganda sana kung may magbabantay kay lola Bening. Malaking tulong sana kung makapasok ako sa trabaho na yun.
" Gustuhin ko man Mabel pero walang magbabantay kay lola Bening kaya ayaw ko muna siyang iwan. Maganda sana yun dahil malaki ang sahod kaso si lola Bening hindi ko kayang iwan. " Nalungkot ang kaibigan niya sa sinabi ni Monica. Niyakap niya ito at hinaplos ang kanyang likod.
" Pasensya kana Nica. Hindi rin ako makatulong sa pagbabantay dahil alam mo naman na si nanay may sakit din. Ako sana ang sinabihan ni Aling Soling kaso umayaw ako dahil si nanay din walang mag-alaga kaya naman sinabihan ako ni Aling Soling na maghanap ng kakilala ko kaya pinuntahan kita dito. " Masaya man ang balita pero nakakalungkot na hindi rin sila makapasok sa sinasabing trabaho. Habang nag-uusap kami ng kaibigan ko may biglang bumagsak sa loob ng kwarto kung saan kami malapit ni Mabel kaya tumakbo kaming dalawa. Pagbukas ko ng kwarto nakita ko si lola Bening na nakatihaya na wala ng malay at nalagutan ito ng hininga. Kaya iyak ako ng iyak habang karga siya.
" Nica, nakikiramay ako. Siguro napagod na ang lola Bening mo. Kung saan man siya ngayon masaya na siya. Iyak mo lang yan para mawala ang bigat ng nararamdaman mo. " Niyakap na rin ako ni Mabel. Bakit nangyayari ito sa akin? Wala na akong kasama sa buhay. Ang mama at papa ko ay namatay din sa sakit sa puso kaya kami nalang ni lola Bening ang naiwan. Ngayon naman ay iniwan na ako ni lola Bening. Hagulgol ang ginawa kong pag-iyak. Hindi ko man lang nadala sa hospital ang lola Bening ko. Lord, tulungan niyo po akong makatayo sa sarili kong mga paa. Huwag niyo po sana akong pababayaan.
' Sa wakas ay nailibing ang lola Bening sa tulong ng barangay at mga kapitbahay namin. Umuwi ako ng bahay para mag-ayos dahil sobrang kalat na naiwan nung nakipaglamay. Malungkot na ngayon ang buhay ko ako nalang mag-isa sa buhay. '
" Nica? " Tawag sa akin ni Mabel. Ito talagang babae na ito hindi napapagod sa paro't parito sa bahay. Binuksan ko siyang ng pintuan.
" Bakit ka nandito sino kasama ng nanay mo sa bahay? " Ngumiti lang siya ng kunti at pumasok. Kasama din pala niya si Aling Soling.
" Iha, pasensya ka na kung nadisturbo ka namin ng kaibigan mo. Nakikiramay pala ako sa nangyari sa lola Bening mo. Naparito ako dahil nabalitaan ko na naghahanap ka ng trabaho. Kaya naparito ako kahit kamamatay lang ng lola Bening mo dahil babalik na ako ng Maynila sa makalawa. Gusto mo bang sumama? Para na rin malibang ka kaysa manatili ka dito ikaw nalang mag-isa tapos maliit lang kinikita mo sa tindahan mo dito. Para wala na rin ikaw isipin ako na bahala sa lahat ng gastos mo sa pamasahe. Nandito naman si Mabel pwede niya 'to dalawin ang bahay mo. Payag ka ba na sumama sa akin? " Naisip ko rin kasi kung maglagi ako dito mababaliw ako sa kakaisip kay lola Bening. Siguro panahon na para asikasuhin ko din ang sarili ko.
" Sige po Aling Soling sasama po ako sa inyo pagbalik po ninyo ng Maynila. Mabel, sana dalawin mo palagi ang puntod ni lola Bening at itong bahay. Padalhan kita ng pera kung makapasok ako ng trabaho sa Maynila para matulungan kita sa bayarin mo sa pagpapagamot kay Aling Sema. Para ko na din kasi siyang nanay. " Habang nagsasalita ako ay umiiyak na si Mabel sa harapan ko kaya niyakap ko na lang din siya.
" Na sige, maghanda ka na at aalis tayo sa makalawa. Ibalita ko na din sa magiging amo mo na nakakuha na ako ng kasambahay nila. " Tumango nalang ako kay Aling Soling at pagkatapos ay umalis na ito. Kaming dalawa nalang ni Mabel ang naiwan sa bahay.
" Lagi ka magmesssge sa akin o tawag huh? Mamimiss kita Nica. Kapag hindi mo kaya ang trabaho doon umuwi ka dito huh? Huwag ka din magpapaapi doon dapat lagi kang lumalaban para hindi ka apihin doon. " Parang nanay lang kung magpayo. Hindi ko na siya kinontra pa para tumigil na siya.
' Dumating na nga ang araw ng pag-alis ko sa lugar namin. Kaya si Mabel hindi na mapigil ang paghagulgol.'
" Mag-iingat ka sa Maynila, Nica. " Tumango ako sa kanya tsaka ko siya niyakap at tinapik ko ang likod. Ang nanay naman niya na si Aling Sema ay niyakap ko din.
" Ingat ka, anak. " Para talaga niya akong anak. Sabagay kapatid ko na rin naman si Mabel.
" Salamat po. Kayo din po mag-ingat at uminom po ng mga gamot ninyo. " Pagkatapos nun ay umalis na kami ni Aling Soling. Sumakay na kami ng jeep papuntang bayan. Doon kasi kami sasakay ng bus papuntang Maynila.
" Tiyak na gagabihin tayo pagdating ng Maynila. Bukas na kita ihatid sa magiging amo para makapahinga ka pa ng maayos. " Tumango nalang ako at tahimik na umiiyak. Naalala ko lang ang pagkamatay ni lola Bening. Pinahid ko ang mga luha ko dahil malapit na kami sa sakayan ng bus papuntang Manila.
" Halika ka na, Nica. " Kinuha ko ang mga gamit ko at sumunod kay Aling Soling. Sumakay kami sa malamig na bus na nagpapatayo ng balahibo ko. Hindi pa naman ako sanay sa aircon.
" Okay ka lang ba, Nica? Giniginaw ka ba? Ito suotin mo muna itong jacket ko." Kinuha ko ang jacket ni Aling Soling at sinuot. Mabuti nalang may jacket si Aling Soling.
" Aling Soling, anong oras po kaya tayo makarating ng Maynila? " Hindi pa kasi ako nakapunta ng Maynila sa tanang buhay ko kaya hindi ko alam.
" Makakarating tayo doon mamayang alas nuebe pa ng gabi. Medyo malayo kasi ang probinsya natin kaya mamaya pa tayo makakarating. " Mahaba pa pala ang biyahe. Medyo inaantok na ako at wala pa akong tulog. Sumandal ako sa may bintana para makaidlip ng kunti.
" Aling Soling iidlip lang po ako ng kunti inaantok po ako. " Pinikit ko na po ang mga mata ko. Tapos may nakita akong mga puti na magagandang bulaklak. Sa kabila naman ay mga puno. May nakita akong babae na nakatayo kaya pinuntahan ko.
" Magandang araw po sa inyo. " Lumingon siya sa akin at ngumiti. Laking gulat ko na si lola Bening ang nakita ko.
" Lola Bening? " Tawag ko sa kanya. Tumakbo ako para yakapin siya pero hindi ko siya mahawakan.
" Kumusta ka na apo? Pasensya ka na kung iniwan kita. Oras na kasi na iwanan kita dahil pagod na ang katawan ko. Pero alam mo ba na mas masaya pala dito kung saan ako naroon? Walang sakit at puro lang masaya. Apo, kailangan mong tatagan ang sarili mo alam ko na mahirap pero alam ko din na mga pagsubok mo lang 'to sa buhay. Salamat at lumaki kang may takot sa Diyos. Gagabayan kita saan ka man magpunta. Huwag mong hayaan ang sarili mo na mahulog sa lungkot. Magpakasaya ka apo dahil yun ang nararapat. Huwag mo akong intindihin dahil masaya na ako. Apo, mahal na mahal kita at tandaan mo nasa likod mo lang ako. Kailangan mo ng gumising apo. Paalam na sayo " Biglang nagdilim ang paningin ko at paggising ko nakatingin na sa akin ang mga tao.
" Si lola Bening po nagpakita sa panaginip ko. " Hinagod ni Aling Soling ang likod ko. Panay pa din ang iyak ko habang hinahagod ni Aling Soling ang likod ko sabay hawak sa kamay ko.
" Masaya na ang lola Bening mo, iha. Nagpakita siya sayo para siguraduhin na okay ka sa pagkawala niya. Andito kaming lahat para sayo Nica kaya huwag kang mag-alala alagaan ka namin lalo na ang kaibigan mong si Mabel at si Sema. " Pang-aayom ni Aling Soling sa akin. Laking pasalamat ko sa kanila na kahit hindi nila ako kadugo handa pa rin silang tulungan ako.