◄Aaron's POV► Ilang araw na rin ang lumipas mula ng huli kaming magkita ni Lianna. Hindi ko siya gustong saktan, pero hindi ko mapapalagpas ang ginawa niyang pananakit sa aking asawa. Kaylanman ay hindi ko hahayaan na may taong mananakit sa babaeng pinakamamahal ko. Kaya ng marinig ko ang sinabi niya, umakyat agad ang dugo sa ulo ko at isang malakas na sampal ang unang dumapo sa mukha niya. Bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok sila Rouge na may hawak na isang kulay itim na envelope. Napatingin ako dito at isang simpleng ngiti ang sumilay sa aking labi. Ito na yata ang resulta ng DNA na hinihintay ko. Kumuha din kasi sila ng sample sa akin upang malaman namin kung anak ko nga ba si Frances. "Dumating na." Wika ni rouge at ipinatong niya ito sa ibabaw ng office table ko. Napatitig

