┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Biglang nataranta si Lianna ng makita niya na kusang sumama si Frances kay Carter. Nagsimula siyang humakbang upang habulin ang kanyang anak at sinigawan pa niya ang binata. "Saan mo dadalhin ang anak ko? Ibalik mo si Frances, Carter! Hayop ka ibalik mo dito ang anak namin ni Aaron!" sigaw ni Lianna. Susundan na sana niya sila Carter, pero agad na nahablot ni Aaron ang braso nito at galit na iniharap ang dalaga sa kanya. "Ang kapal naman ng pagmumukha mo na ipagsigawan na anak ko ang batang 'yon." Galit na ani ni Carter habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Lianna. "Carter, tama na 'yan. Hayaan na lang ninyo silang umalis. Nakakaawa ang bata, baka ma-trauma sa mga nangyayari sa kanyang ina," mahinang ani ni Natalie ng pinipigilan nito ang kanyang asawa. "No

