┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Okay, 'yung pangalawang gagawin ninyo ngayon ang huhulaan ng inyong mga leader. Dapat paramihan kayo ng panalo, kung sino ang may pinaka-maraming panalo ay sila ang makakatanggap ng premyo kaya pagbutihin ninyo." Wika ni David. Naupo muli ang apat na pinuno at pinalitan naman ng magpipinsang Hendrickson ang mga papel na nasa noo nila Marcus. Ang pangalawa sa team ni Marcus ay si Kricel at si Ozias. Binasa agad ng isipan nila Ozias ang susunod na palaro kaya halos lumuwa ang mga mata nila ng mabasa nila ito at saka nagkatawanan. "What? Ano ba ang gagawin ninyo?" nag-uusyosong tanong ni Marcus pero hindi naman siya sinagot ng kanyang mga team. 'Kumakadyot na sawa,' iyon ang gagawin nila Ozias at Kricel at hindi nila alam kung paano ba gawin 'yun ng mga sawa o ng kahit na ano

