┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Hello, sorry we are late. Kararating lang namin from Japan at dito na agad kami dumiretso ng asawa ko. Sorry Ate Natalie kung hindi na kami umabot sa kasal ninyo," ani Adi na nagmamadaling pumapasok kasama ang kanyang asawa sa event hall. "Good at nandirito na kayo. Palitan ninyo kami dito, sila na ang bahalang mag-kwento sa inyo tungkol sa mechanics ng laro. Sumasakit ang ulo ko sa larong 'yan," wika ni Thomas at hinila pa ang kamay ni Sebastian at pinatayo sa harapan ni Eoghan. Naguguluhan naman ang mag-asawa kaya ikinuwento ni Avvi kung ano ang laro nila, at kung ano ang magiging kasunod na laro. "Gusto ko 'yan, dapat may isang silid tapos duon gagawin," wika ni Sebastian kaya isang siko sa tagiliran nito ang ginawa ni Adi sa kanyang asawa. "Manyakis ka talaga," bulong

