┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ang gagaling ng bawat team natin. Alam na alam kung ano ang gagawin nila, dito kayo napaghahalataan na mga manyakis kayo," wika ni David kaya ang lakas ng tawanan nilang lahat. "Walang tatalo sa ginawa ni Sammy at ni Hugo, lalong-lalo na ang ginawa ni Janine. Ibang klase!" Malakas na sabi naman ni Noah na nakikitawa na rin dahil sa mga naganap na unang palaro. "Tatanungin ko na ang mga pinuno ninyo kung ano-ano ang sagot nila. Napakadali lang naman niyan, hindi ba? Napakadaling hulaan kaya dapat hindi kayo magkakamali at isipin ninyong mabuti kung ano 'yan. Tatanggalin na namin ang mga nasa noo ninyo kaya kayong mga pinuno ay pwede ng tumingin sa isa't isa." Sabi ni David at naglapitan nga ang magpipinsang Hendrickson at kinuha ang papel nasa noo ng apat na pinuno ng mg

