❀⊱Natalie's POV⊰❀ Ikalawang araw na pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa gumigising si Aaron? Hindi ako mapalagay, lagi na lamang ginugulo ang isipan ko ni Lianna. Hindi ako papayag na makasingit siya sa buhay namin ni Aaron. Sabi ni Carter ay wala akong dapat alalahanin at kailangan ko lang hintayin ang pag-gising ni Aaron. Hindi ko rin hinahayaan na makapasok siya dito sa silid ni Aaron dahil wala siyang karapatan. Kami ng mga anak ko ang tanging may karapatan sa buhay ng asawa ko at hindi siya. May dahilan kung bakit siya itinaboy nuon ni Carter at iyon ang pilit kong aalamin. Alam ko na may inililihim si Carter sa amin tungkol kay Lianna, pero sa ngayon ay wala akong maapuhap na kasagutan dahil ayaw magsalita ni Carter. Ipinapanalangin niya na sana ay magising na si Aaron at manumb

