❀⊱Natalie's POV⊰❀ Kahapon ng umaga matapos naming palayasin si Lianna ay hindi pa rin ito bumabalik. Sana nga ay huwag na siyang bumalik dahil hindi namin siya kailangan dito. Hindi rin ako makakapayag na makapasok siya sa loob ng silid ng asawa ko. Wala siyang karapatan dito dahil kami lang ni Nathan ang may karapatan sa asawa ko kahit na ano pa ang sabihin niya. "Hi baby, kamusta ka na? Gumising ka na, hinahanap ka na ng anak natin. Miss na miss ka na namin ni Nathan, bakit ba kasi ayaw mo pa gumising. Nandito lang kami mahal ko, naghihintay sa'yo kaya sana gumising ka na. 'Yung pangako mo sa akin tuparin mo, pakiusap ko sa'yo. Sabi mo kapag dumating ang pagkakataon na magkita kayo ni Lianna ay ako pa rin ang pipiliin mo, bakit pakiramdam ko ngayon ay natatakot ako sa maaaring mangyari

