┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Inaya ni Mellard sina Carter, Aaron at si Rouge upang pumunta sa bahay ng mga magulang ni Trisha upang ipakita niya kay Rouge si Emboy. Saktong nakita nila si Emboy na naglalaro sa harapan ng bahay ng mga ito. Ipinarada agad ni Rouge ang sasakyan sa katapat na kalsada ng bahay nila Emboy. Heavy tinted naman ang sasakyan kaya hindi sila makikita sa loob. "That's Emboy, Kuya Rouge, 'yung nakasuot ng kulay itim na t-shirt." Mellard whispered. Kumunot naman ang noo ni Rouge na tinitigan ang bunsong kapatid ni Trisha, pagkatapos ay akmang bubuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan upang puntahan si Emboy, ngunit agad itong pinigilan ni Mellard sa braso. "Don't go near him. Ayokong magalit sa akin si Tita Rosa kapag nakita niya na may ibang tao lumapit kay Emboy upang mag-usyoso l

