❀⊱Natalie's POV⊰❀ Nakarating kami ng Baguio City sa loob lamang ng isang oras gamit ang helicopter ni Rouge. Paglapag namin sa hacienda na pag-aari ni Rouge ay hindi ko maiwasang humanga sa kagandahan ng lugar. Ang malamig na klima ay tunay na nakakapag paluwag ng pakiramdam. Iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Lumapit sa akin ang aking asawa na si Aaron at inalalayan niya ako sa aking paglalakad. Malaki na rin kasi ang tiyan ko at hindi ko na nakikita ang tinatapakan ko. "Ang ganda ng lugar na ito, mahal. Napakaraming pine tree," sabi ko kay Aaron habang nilalanghap ang sariwang hangin. "Talagang napakaganda nga, mahal. Perfect na lugar para makapag-relax ka," sagot ni Aaron habang hinahawakan ang aking kamay. Biglang lumapit ang aming anak na si Nathaniel, puno ng kasiyaha

