"Babe...A-anong ibig sabihin nito?" Nauutal at halos hindi siya makahinga sa kanyang nakita. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa kanyang nasaksihan.
Bahagya namang nagulat ang dalawa nang makita siya. Mabilis na tumayo si Greg at tinakpan ng kumot si Vivoree. Sa hinuha niya mukhang kakasimula pa lang talaga ng dalawa but the saddest part is kung hindi siya dumating, malamang may mangyayari talaga.
Shit! Hindi niya napigilan amg sariling luha na maglandas mula sa kanyang mga mata. Nakakabakla mang isipin pero parang ang sakit-sakit naman yata ng isinukli ni Vivoree gayong wala naman siyang ibang ginawa kundi maging isang mabuting boyfriend sa babae.
"Tristan?" Halos pabulong na usal ni Vivoree at bumalikwas sa kama habang hawak hawak ang kumot na nakatakip sa hubad nitong dibdib.
Pinahid niya ang kanyang luha at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Napagtuunan niya ng pansin si Greg. May nakapaskil na nakakalokong ngisi sa labi nito na mas lalong nagpaigting ng kanyang galit.
Kilala niya ang lalaki. Hindi lang basta kilala kundi kalaban pa. Mula paman noon gawain na talaga nitong inisin siya nang mahumaling ang dating nobya ng lalaki sa kanya. Kung tutuusin, wala naman siyang kasalanan sa bagay na yun at hindi niya rin pinatulan ang dating girlfriend nito. But the bastard haven't moved on and kept on messing with him. At ngayon ang mga ngiting iyon ay para asarin siya na nakaganti na ito sa kanya.
Agad na nagdilim ang kanyang paningin at sinugod si Greg. Dahil nagulat ang lalaki, hindi ito agad nakahuma nang undayan niya ito ng ilang suntok. Hindi niya alintana ang sigawan sa kanyang likuran at nagkakagulong mga mga tao sa paligid. He was very livid. All he cares about is how to end the bastard infront of him. Naramdaman na lang niya ang pagpigil ni Vincent at Zeus sa kanya saka siya sapilitang inilayo kay Greg na ngayon ay nakasalampak sa sahig.
"Tangina! Bitawan nyo'ko! Papatayin ko ang lalaking yan! Putangína mo!" Nagwawala niyang sigaw.
He is a calm person pero hindi niya mapanindigan ang ugaling iyon ngayon dahil sa galit at selos niyang nararamdaman.
"Shít! Enough Tristan!" Sigaw pabalik ng dalawa.
But his anger made him much stronger dahilan para makawala siya sa mga ito at muling sinugod ang lalaki subalit mabilis na humarang si Vivoree sa harapan niya na may matapang na ekspresyon.
"Tumigil ka na, Tristan!" Mariin nitong bigkas.
Walang buhay siyang natawa. "Pinoprotektahan mo ang lalaking yan? Move Vivoree! I'm gonna kill that bastard—"
Hindi na niya natapos pa ang iba niyang sasabihin nang dumapo sa kanyang pisngi ang isang malutong na sampal mula kay Vivoree. Hindi siya makapaniwalang napatitig dito.
"Y—you slapped me?"
"Oo! Para magising ka dahil sumusobra ka na! Sinabi kong tama na diba? Hindi mo siya pwedeng saktan!" Singhal nito sa kanya.
"Babe...B—bakit naman ganito? B—bakit parang mas pinipili mo ang lalaking yan kaysa sakin?" Puno ng hinanakit niyang tanong.
"Because I am so done with you Tristan. Nakakasawa ka na! Nakakasakal yung sinasabi mong pagmamahal. Ayoko ng ganun. Hindi na kita gusto. Narealize kong mas gusto ko si Greg kaysa sayo. He was way better than you in everything even in bed kaya umalis ka na. Maghiwalay na tayo—"
"No...No, V. Wag kang makikipaghiwalay sakin," pagsusumamo niya at lumuhod sa harapan ng babae. He doesn't care if he will look like an idiot basta ang importante ay ang babaeng mahal niya. He could swallow his pride wholeheartedly for her.
"I can change...I will change...Lahat ng hindi mo nagugustuhan sakin babaguhin ko. Just...just don't break up with me." He pleaded at yumakap sa mga binti ng dalaga habang umiiyak.
He can't let Vivoree go. Hindi niya kaya. He will die if he loses her.
"Bitiwan mo nga ako Tristan! Yan ang problema sayo eh! Dinadaan mo sa kakulitan mo ang lahat para lang ikaw ang masunod. Masyado kang dominante! Halos hindi na ako makahinga. Hindi na masaya! Naririndi na ako!" Singhal nito habang pilit na kumakawala sa pagkayayapos niya.
He felt someone grab him by the shoulder and saw Vincent's hard expression. "Shibal! Stand up Tristan! Ayaw na niya sayo tangina mo ka! Tumayo ka dyan!" Galit nitong turan pero iwinaksi niya ang kaibigan at muling ibinaling ang atensyon kay Vivoree.
"You were just clouded by your emotions. Diba mahal na mahal mo ako? That's what you told me. Diba okay pa tayo kagabi... We can be okay again. Let's forget everything that happened. Magsimula tayo ulit. I can forget all of this V, basta manatili ka lang sakin. Mahal na mahal kita. Please...wag naman ganito oh...Nakikiusap ako sayo V...Wag mo akong hiwalayan..."
Vivoree combed her hair in frustration. Wala na ang lambing sa mga mata nito gaya noon kahit pa man nagagalit-galitan ito sa kanya. Bakas ang iritasyon sa mga mata ng babae and her expression pierce through his heart like a sharp knife.
"I'm sorry Tristan. Believe me, I tried. Sinubukan ko paring gustuhin ka kahit na ayaw ko na but I just can't. Hindi naman pwedeng habang buhay akong magtiis at magsinungaling sayo. Nagkataon lang talaga na nahuli mo kami ngayon..."
Napailing siya. She is not the Vivoree he knew. Marahil may malalim na dahilan ang babae kaya ito nagkakaganun. "Tell me V. May nagtulak ba sayo na gawin to? Did someone threaten you to sleep with him. Tinakot ka ba ng gagong yan? Pinagbantaan? Sabihin mo sakin. You know I can protect you, right?" He uttered, convincing her or rather...should he say, convincing himself?
Dahil hanggang ngayon parang panaginip lang lahat. Hindi talaga siya makapaniwala. They were both happy or has she been deceiving him all this time? But the eyes and the body doesn't lie. Mahal siya nito but everything seemed like out of place. Parang may mali.
"Walang nagpumilit sakin Tristan. Hindi mo ba nakita, we are about to have séx dahil gusto namin pareho ang isa't isa kaya lang dumating ka—"
"Pero ako ang mahal mo. I am your first—"
"But doesn't mean na hindi na ako pwedeng magmahal at makipagsèx sa iba. Wake up Tristan. Nasa Gen Z na tayo at wala sa makalumang panahon. Sèx is normal for people who are attracted to each other at ganun kami ni Greg. Ipagsisiksikan mo pa rin ba ang sarili mo o baka naman gusto mo dalawa kayo. You want threesóme? Para naman maiba?" Himig nakakaloko nitong tanong.
Dahan dahan siyang napabitaw sa babae. Walang bakas ng kasinungalingan sa mga mata nito. Tangína! This isn't a dream and everything that's going on and said are all true. Muling pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Parang namamanhid ang puso niya sa sobrang sakit. Pinagmasdan niyang mabuti ang babaeng bukod-tangi niyang minahal saka dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaluhod.
He scanned her beautiful face with his swollen tired eyes. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang mga kamay at hinaplos ang mukha nito. "I thought I really knew you but I was wrong this time..." He bit his lower lip to suppress his tears. "I'm sorry if I am that insensitive. Sorry dahil akala ko masaya ka sakin at ayos lang tayong dalawa. I'm sorry if the love I gave you isn't enough to make you happy anymore... Just know that I love you so damn much and letting you go hurts so fùcking bad, V..."
He took a step forward and hugged her tightly as he could. "If ever you change your mind at narealized mong mahal mo pa pala ako, come back to me Vivoree...I will be right around the corner...waiting for you..."
Muli niya itong pinagmasdan. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mga mata nito at para ngang hindi ito interesadong makinig sa kanya. Gathering all his strength, he left the woman he loved to the other man she likes. He just realized ang hirap pala ng ganito lalo na't ang lalim ng pagmamahal niya sa mga panahong nakilala niya ang babae.
"Tangína Tristan, magpapakamatay ka ba? May exam pa tayo bukas! Umuwi na tayo!" Galit na wika ni Vincent at hinila siya paalis sa bar counter.
Walang lakas siyang sumunod sa kaibigan hanggang makarating sila sa parking lot.
"Until when are you gonna ruin your life for that b***h who doesn't care about you, Tristan?"
Nag-angat siya ng tingin at nakita si Zeus na nakaupo sa hood ng sasakyan at mukhang hinihintay sila. Pagod siyang tumabi sa lalaki dahil sa kalasingan. Ilang araw na mula ng maghiwalay sila ni Vivoree at ilang araw na din siyang lango sa alak. It's the only way he knew to lessen the pain.
"Just fix your goddamn life Tristan at para matigil ka na sa kahibangan mo sa babaeng yun, a news had reach in my ears which came from her bestfriend, Pia that Vivoree is now having another boyfriend aside from Greg. Matagal ka na pala niyang niloloko. She was nothing but a b***h hungry for dícks and she's enjoying her life kaya tumigil ka na. Enough with your sentiments and move on, Tristan." Mahabang litaniya ni Vincent.
He closed his eyes full of tears. That night he whispered in the wind not to see her again and be deceived with her venomous beauty...