Simula
"Ano ba kasing regalo ang gusto mong bilhin Tristan?" Nayayamot na tanong ng best friend niyang si Vincent sa kanya.
"Kaya ko nga kayo sinama dahil magpapatulong ako diba?" Pinanlakihan niya ito ng mata.
Nagpakawala naman ng isang malalim na buntong hininga si Zeus at nakapamewang na inilibot ang paningin sa loob ng mall na kinaroroonan nila ngayon. "Tangina naman kasi! Kanina pa tayo ikot ng ikot. Ilang mall na din ang napasok natin pero hanggang ngayon di ka pa nakakapili kung ano na talaga ireregalo mo," naiinip nitong segunda.
"Tulungan niyo nga ako sabi. Ano bang maganda iregalo sa kanya? Yung tipong hindi niya makakalimutan. I want to make everything memorable." Kamot ulo niyang pahayag.
"Gross!" Nakangiwing ani Zeus.
"Bakit ba kami ang tinatanong mo? Kami ba boyfriend ni Vivoree," sarkastiko namang saad ni Vincent.
Kagat labi na lang siyang napailing. Ngayon ang ika-anim na buwang monthsary nila ng girlfriend niyang si Vivoree Escalante. She is not the first woman in his life pero si Vivoree lang ang bukod tanging babaeng sineryoso niya. Nakilala niya ito mag-iisang taon na ang nakaraan nang lumiban ito sa klase at tumalon sa pader kung saan sila nakatambay tatlo ni Vincent at Zeus dahil breaktime nila sa university na pinapasukan nila.
Napagkamalan pa siya ng dalaga na naninilip sa ilalim ng palda nito kaya't nakatanggap siya ng suntok at sabunot mula rito. Pero kahit na ganun ang nangyari, hindi niya maiwasang mabighani sa simple nitong ganda at angas. Parang lagi itong handang manapak. Matapang at hindi nagpapaapi. Masokista na yata siya pero iyon ang totoo. He was so fùcking inlove with her.
Vivoree is a seventeen years old senior high school student samantalang nasa college na siya. Ilang buwan din niya itong niligawan. Pahirapan pa dahil mataray ito at madalas hindi namamansin. Ganunpaman, hindi naging dahilan iyon para sumuko siya. He still pursued her and earned her sweet yes after five months of courting and the rest is history.
Kahit na simpleng babae lang si Vivoree, nahihirapan pa rin siyang mamili ng ireregalo sa babae. Hindi naman ito materialistic. Hindi rin mapili lalo na't laki ito sa hirap but he wanted to give her his best. Yung tipong maipagmamalaki talaga siya nito hindi bilang isang mayamang nobyo kundi mapagmahal at maasikasong boyfriend.
"Bigyan mo na lang kaya ng pera si V. Sigurado ako matutuwa yun tapos diba sabi mo purple favorite color niya? Isang bundle ng tig-iisang daang perang papel. Purple naman kulay nun," biglang suhestyon ni Zeus.
"Ang cheap naman nun. Dapat isang bundle ng tig-iisang libo. Diba uso yun? Gawin mong bouquet o di kaya gawin mong kapa at korona tapos isang milyon ang halaga," segunda naman ni Vincent.
Sandali siyang nag-isip pero maya maya pa ay napailing din. "Hindi naman romantic yung tema ng pinagsasabi niyo eh. Alam niyo namang ayaw niya tumanggap ng pera mula sa akin diba? Kahit nga bente na inuutang niya sakin binabalik pa niya."
Sumandal silang pareho sa railings ng fourth floor ng naturang mall habang nakapangalumbabang nakatingin sa baba at nag-iisip kung ano ba talaga ang bibilhin niya. Maya maya pa ay pumitik sa ere si Zeus habang may malawak na ngisi.
"Alam ko na kung anong ireregalo mo, dude!"
"Siguraduhin mo lang na maganda yang naiisip mo," paingos niyang sabi. Alam naman kasi niya na puno ng kabulastugan ang utak ni Zeus taliwas kay Vincent na puro kahanginan ang laman.
"Bumili tayo ng purple na ribbon at itali natin diyan sa titì mo at yan ang iregalo mo sa kanya! Diba romantic yun?"
Humagalpak ng tawa si Vincent samantalang pinukol niya ito ng masamang tingin. Tangina! Sabi na nga ba wala talagang kadala-dala ang lalaking to.
"Ikaw nalang ang gumawa niyan Zeus! Tutal malapit na birthday ni Psyche diba? Iregalo mo yan sa kanya at lagyan mo ng yellow ribbon at dahon para magmukhang sunflower," sarkastiko niyang turan.
Nakangising umiling ang loko. "Nah. Hindi ko ibibigay tong golden boy ko sa kanya. Friends don't fùck dude."
"Eh di ligawan mo," kibit balikat niyang tugon.
"Ayaw niya. Takot siya kay Terrence. Binalaan kasi siya at kinuwelyuhan dun sa likod ng campus," ani Vincent.
Siya naman ang natawa. "Takot ka pala dun? Eh pinsan lang yun eh, di naman yun totoong kuya ni Psyche para bumahag buntot mo."
"Di ako takot gago! Magkaibigan lang talaga kami," pagsusungit nito bago sila tinalikuran at nagsimula ng maglakad patungo sa stall sa harapan nila.
Natawa na lang sila sa inasal ni Zeus. Akmang susunod siya sa lalaki nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jaybee, isa sa blockmates niya sa college.
"Dude nasaan ka?" Tanong agad nito kahit di pa siya nakakapagsalita.
"Nasa mall ako, bakit ba?"
"Break na pala kayo ni Vivoree?"
Kumunot ang kanyang noo sa tanong nito. "Anong break? Hindi no! Monthsary namin ngayon." He may sound childish pero proud na proud siya sa girlfriend niya kaya nga kilala ito ng halos lahat kaibigan at kaklase niya pati narin ng parents niya.
"Talaga? Tangina, eh kakakita ko pa lang sa kanya papasok sa isang motel na may kasamang lalaki."
Agad sumulak ang galit sa kanyang dibdib. "Tarantado ka ba! Sinisiraan mo ba sakin ang jowa ko?" Galit niyang asik.
"Hindi Tristan. Bakit ko naman gagawin yun. Nakita ko talaga siya. Hindi lang siya, maging si Pia nakita din siya dahil magkasama kami ngayon."
"Tumigil ka na Jaybee. Di ka na nakakatuwa!"
"Tangina naman kasi. Itetext ko sayo yung address. Puntahan mo dito kung gusto mo. Bilisan mo lang at baka matapos agad sila, di mo na maabutan," anito bago siya pinatayan ng linya.
Ilang sandali lang ay agad na nagtext si Jaybee sa kanya. Halos mayupi na niya ang kanyang cellphone ng makita ang address na sinend ng lalaki. Sa pagkakaalam niya ay malapit lang iyon sa kinaroroonan nila ngayon.
"Tara na muna dude, may pupuntahan tayo!" Aburido niyang wika kay Vincent.
Tinawag naman nito si Zeus bago sumunod sa kanya. Isang sasakyan lang ang gamit nila papunta sa motel na sinasabi ni Jaybee.
"What's going on Tristan? Akala ko ba mamimili tayo ng regalo mo para kay V?" Naguguluhang tanong ni Zeus.
Humugot siya ng hangin at marahas iyong ibinuga. "May titingnan lang tayo sandali," seryoso niyang wika at pinaharurot na ang sasakyan paalis sa mall.
Hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Jaybee. He knows Vivoree too well. Hindi ganung klaseng babae ang girlfriend niya. Mahal siya nito at hinding hindi ito magloloko. He isn't going to that hotel dahil wala siyang tiwala sa dalaga kundi para ipamukha kay Jaybee na nagkakamali ito.
Itinigil niya ang sasakyan sa motel na sinasabi ni Jaybee. Sa labas, nakita niya ito at maging si Pia, ang matalik na kaibigan ng kanyang nobya na tila balisa.
"Nasaan na yung sinasabi mo, Jaybee?" Maangas niyang tanong.
"Nasa loob sila Tristan. Hintayin na lang nating lumabas para makita mo kung totoo ba o hindi ang mga sinasabi ko," tugon nito.
He chuckled. "Tsss...Wala akong panahon para maghintay, papasok ako at titingnan natin kung totoo bang nandyan ang girlfriend ko sa loob," aniya at nagsimula ng humakbang papasok.
"T—teka! Hindi ba bawal pumasok dyan? Hindi papayag ang mga bantay niyang motel na manggugulo tayo. Baka ipadakip ka pa sa mga pulis." Awat ni Pia sa kanya.
Vincent who already get the situation intervened between them at naglabas ng lilibuhing pera bago umakbay sa kanya. "Kung ayaw ng mga bantay magsalita, then money can talk."
Nagtuloy sila sa loob. Sinalubong naman sila ng isang medyo may edad ng babae. "Ilang room ba ang sa inyo."
"May hinahanap kami, pakituro samin kung nandito ba ang babaeng ito dito sa motel ninyo?" Diretsahan niyang tanong at ipinakita ang picture ni Vivoree.
Nagkatinginan ito at ang cashier ng establisyemento. Kinuha niya ang perang hawak ni Vincent at inilapag sa harapan ng cashier. "Sapat na siguro itong halaga para magsalita kayo?"
Napalunok naman ang dalawa. Mabilis na tumayo ang cashier at ibinigay sa kanya ang spare key card. "Ito po Sir. Nandyan po ang hinahanap niyo. Amin na po ba itong pera?"
Hindi na siya sumagot at iniwan na ang mga ito. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang dalawang kaibigan pati na si Jaybee at Pia pero wala na doon ang atensyon niya. Nang ibinigay ng cashier ang spare key ay halos hindi na siya makahinga sa labis na kaba. Parang mabibingi siya sa lakas ng t***k ng kanyang puso. Tanging dasal lang niya na sana kamukha lang ni Vivoree ang naroon sa loob.
Ilang sandali pa, narating na nila ang room number na tinutukoy ng cashier. Humugot siya ng malalim na paghinga bago isinilid sa doorknob ang spare key. Dahan dahang bumukas ang pintuan at tumambad sa kanya ang senaryong hindi niya lubos maisip.
Vivoree is naked on the bottom of a man who was also naked on top of her. The man he used to hate the most—Greg Revamonte…