“May problema ba Vivoree?” Kunot noong tanong ni Ludy nang mapansin siya nitong hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Napakamot siya ng noo at hilaw na ngumiti. “W—wala naman po, Miss LuLudy Sandali pa siya nitong tiningnan bago tumango at nagpatuloy na sa ginagawa. Lihim siyang nagpakawala ng isang buntong hininga bago napatingin sa kanyang kandungan. Kahit naglinis na siya ng sarili kanina sa comfort room bago siya pumunta sa kanyang table, hindi parin siya mapakali. Nanlalagkit siya at idagdag mo pa ang kulay ng kanyang palda. Nakakatakot isipin na baka mapaghalataan siya kapag tumayo siya dahil may tatagos na basa sa kanyang pang-upo. Kung alam lang sana niya na magiging ganito ang sitwasyon, nagsuot na lang sana siya ng pantyliner kahit na mainit sa pakiramdam. Maya-maya pa’y dumat

