kabanata 2 panibagong simula

499 Words
Unang taon niya sa kolehiyo. bagaman nangangapa pa siya lalo pa at may mga kaya sa buhay ang halos lahat ng mga kaklase niya. sa halos dalawang buwan niyang pagpasok sa paaralang iyon ay wala man lang nagtangkang kausapin siya na tila ba hindi siya nag eexist sa kwartong iyon. bagaman pabor sa kanya ang bagay na yon. halos umiikot ang buhay niya sa pag aaral at pagtratrabaho. suma sideline siyang waitres sa isang kainan sa panggabi. Kaya halos hatinggabi na rin siya nakakauwi sa kanila na hindi naman pinipuna ng mga ito lalo na ng ina. bagaman minsan ay naabutan niyang naghihintay sa may sala ang tito Arturo niya upang kamustahin siya dahil siguro hindi na sila nito halos nagkikita. kahit pa sabihing sa iisang bahay lang sila tumitira. bakit gising pa kayo tito. alauna na halos masama sa inyo ang magpuyat.sita niya dito. tipid na ngumiti si Don Arturo sa dalaga. hinihintay talaga kita iha. halos hindi ko na matandaan kung kaylan tayo huling nagkita at nagkasama- samang mag-anak. kahit hindi sabihin ng mama mo alam kong namimiss at nag aalala siya sa iyo. alam mo ba iyon. pati narin si Andrei at Carol. mataman niyang minasdan ito. alam niyang kasinungalingan ang una nitong sinabi bagaman inignora nalang niya ang bagay na iyon. I'm sorry tito kung pinag alala ko kayo. masyado lang po talaga akong busy sa pag aaral ko. tipid niyang sagot. at alam nyo na kailangang magsipag. nakangiti niyang dugtong. huwag kang mag alala iha at nauunawaan kita . bagaman huwag mo sanang abusuhin ang sarili mo kung kaylangan mo ng tulong nandito lang ako kami ng mama mo ha. opo! wag po kayong mag alala tito kapag hindi ko na po kaya kayo po ang una kong lalapitan kaya huwag na po kayong mag alala sa akin. natatawa niyang sagot. mabuti pa po umakyat na po kayo sa silid ninyo at masama po sa inyo ang magpuyat. aakyat na rin po ako maya maya iinom lang po ako ng tubig sandali sa kusina. saka ito itinulak paakyat na sa hagdan. matulog na kayo tito. oo! iha! sige matutulog na ako. natatawa nalang itong nagpatianod. nang makitang umakyat na ang matanda ay tumuloy na siya sa may kusina kaya hindi na rin niya napuna ang isang pares na mga matang kanina pa pagpasok niya nakasubaybay sa kanya. malamlam nitong tiningnan ang papalayong dalaga saka nilisan ang dulo ng pasilyo bago pa makaakyat ang Don sa taas ay nakabalik na ang anino sa pinagmulan nito. halos anim na buwan na naging maayos ang pagpasok ng dalaga sa kolehiyo. ganoon kabilis dumaan ang araw sa kanya. iyon ang akala niya. subalit dahil sa isang pagkakamali niya ay nakatakdang mabago ang lahat. ang tahimik niyang buhay eskwela ay nakatakdang magulo ng magtagpo ang landas nila ng lalaking gugulo sa kanyang buhay. si Cedric Mondragon apat na taon sa kolehiyo at apo ng chairman ng paaralang pinapasukan. nag iisang tagapagmana ng mga Mondragon pinakamayamang angkan sa lugar nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD