kabanata 1 komprontasyon

669 Words
Walang nagawa si Andrei kundi bitawan ang braso ng dalaga at tanawin nalang Ito habang gumagabay na paakyat sa hagdan patungo sa kwarto nito. malamlam niyang tinanaw ito hanggang mawala sa kanyang paningin si Carmela. Saka siya humugot ng malalim na buntunghininga. may isa pa siyang problema na dapat ayusin at sa isiping iyon hindi niya maiwasang matakot na baka tuluyang mawala sa kanya ang babaeng lihim na minamahal. pagbungad palang ni Carmela ng umagang iyon sa may sala nila ay ang matalim na tingin agad ng ina ang tumambad sa kanya alasyete palang ng umaga batay narin sa relo niya. tutal bakasyon naman balak sana niyang maghanap ng ibang trabaho saka na sana siya magpapaalam sa mga ito kapag natanggap na siya. mabuti naman at naisipan mo nang gumising. Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang dinulot mo sa amin kahapon ha. tungayaw ng ina sa kanya bagaman naguluhan siya sa nais nitong tukuyin. tumikhim si Don Arturo saka nagsalita. tumawag sa akin kahapon ang kumpare ko. isa pala sa kaklase mo ay anak niya at nakita niya na mag isa kalang na umakyat ng stages. tinatanong niya kung alam ba namin na graduation mo at bakit hindi manlang kami dumalo. mahinahong paliwanag ng Don. tingnan mo nga.... ang kahihiyang dinulot mo akala ng mga tao pinabayaan ka namin. gayong alam mo naman na hindi kami makakapunta. sana hindi ka na umakyat sa stages matatanggap mo naman ang medalya kahit hindi ka umakyat o sumipot ng graduation mo. ano ba ang mahalaga doon o kaya sana isinama mo ang kahit isa sa kasambahay natin. at siya mong pinaakyat sa stages malay ba nilang hindi mo magulang iyon. ismid na turan ni Pamela sa anak. mataman niyang pinagmasdan ang ina saka napahagalpak ng tawa. muli gusto niyang maawa sa sarili at umiyak subalit pinigilan niya ang sarili. hindi siya iiyak sa harap at magmamakaawa dito kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya. Kaya pinili niyang tumawa nalang. oh! bakit hindi ko naisip ang bagay na yan noon pa. noong natapos ako ng elementary. na mag isa akong umakyat sa stages na tanging lumang bestida at sapatos lang ang suot ko, tanging pulbos lang ang pinahid ko sa mukha ko noon. hay Kung alam ko lang na hindi ako sisiputin ng nanay ko para ihatid sa entablado sana nagmakaawa nalang ako sa kapitbahay natin na samahan ako. ng sa ganoon hindi ako pinagtawanan ng mga kaeskwela ko o kinaawaan ng ibang magulang doon. dapat noon mo pa ipinayo ang bagay na yan. sarkastiko niyang turan sa ina may nais pa sana siyang sabihin dito subalit hindi na niya itinuloy. kahit anong mangyari hindi niya maitatatwang ina niya ito at kahit ganoon ang trato nito sa kanya nais niya parin itong igalang. alam niya kung bakit hindi ito sumipot noon sa graduation niya mas pinili nitong magpakaligaya kaysa samahan siya noon. mapait siyang napangiti pagkaalaala sa bagay na iyon. hayaan mo sa susunod yan ang gagawin ko para hindi kana maabala pa o wala kang maisumbat pa. sarkastiko niyang sumbat sa ina. abat malditang bata ito ah. yan ba ang natutunan mo sa paaralan. wala kang utang na loob ah. at akma siya nitong susugurin bagaman tumikhim si Don Arturo kaya natigilan si Pamela sa pagsugod sa anak. habang tumatagal tumitigas ang ulo mo hindi mapagkakailang nagmana ka sa ama mo. parehas na parehas kayo na hindi marunong tumanaw ng utang na loob. galit nitong turan sabay talikod. bahagya namang tinapik ng Don ang balikat ng dalaga at tinitigan ito. pagpasensyahan mo na ang mommy mo iha at sana huwag kang magsawang unawain siya. saka inabot sa kanya ang maliit na box hindi niya kinuha ang kahon kaya napilitan ang Don na kunin ang kamay niya saka inilagay doon ang munting regalo. regalo ko iyan para sa iyo sana tanggapin mo. saka ito ngumiti maligayang pagtatapos iha. iyon lang at sinundan na nito ang asawa. tahimik niyang tinanaw ang mga ito at mapait na tiningnan ang hawak na regalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD