punu ng kahulugan ang tingin nito sa dalaga. bagaman naroon din ang matinding paghanga para dito.
that's my girl. mahina nitong bulong saka tumalikod na.
habang bumababa ng stages ay hindi niya pinapansin ang mga taong nakatingin sa kanya. kahit pa ang mga kaklase na bumabati sa kanya tanging tango lang ang tugon niya sa mga ito.
natapos at natapos ang graduation niya ng ganoon na lamang. tiningnan niya ang oras alas kwatro na ng hapon. masyado pang maaga para umuwi sa kanila. nadinig niyang tumunog ang cellphone niya sa bulsa pero hindi niya iyon pinansin.
isang lugar ang sumagi sa kanyang isip na nais puntahan upang magpalipas ng oras. mapait niyang tinanaw ang lugar na dati pa niyang gustong puntahan kasama ang pamilya. subalit ngayon malabo ng mangyari ang bagay na iyon. alas diyes na ng gabi ngapasulyap siya sa relo. tahimik niyang minasdan ang paligid mula sa lugar na kinaroroonan niya. nasa tuktok siya ng Ferris wheel kung saan tanaw niya ang walang hanggang kadiliman at sa nagkikislapang ilaw sa gitna niyon. mga ilaw na nagbibigay sa kanya ng munting pag asa sa nagdidilim niyang buhay.
mapait siyang napangiti sa sarili. nais niyang pumalahaw ng iyak subalit walang luhang lumalabas sa kanyang mga mata na tila ba tuyo na iyon. nais niyang humiyaw upang isigaw ang sama ng loob subalit walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig na tila ba manhid na iyon. natawa na lamang siya sa awa sa sarili. pinapangako niya sa sarili sa araw na iyon na hindi na siya masasaktan pang muli. simula sa araw na iyon tuluyan na siyang mag isa wala siyang ina na mag aabandona sa kanya o kapatid na kaiingitan niya. Hindi na rin siya maghahangad ng mga bagay na malabong mapasakanya. Saka mapait na tinanaw muli ang paligid niya.
mag aalauna na ng hatinggabi ng makarating siya sa mansyon ng mga Acosta. tahimik siyang pumasok para lamang magulat ng biglang bumukas ang ilaw sa may sala.
finally you're back. akala ko naligaw ka na at hindi mo na alam ang pauwi sa atin. sarkastikong wika ng tinig.
tahimik niyang nilingon si Andrei halata sa boses nito ang galit. napabuntung hininga siya saka nilagpasan lang ito. masyado siyang napagod ng araw na iyon at nais na lamang magpahinga.
nagulat pa siya ng biglang sinaklit ng binata ang kanyang braso. muntik na siyang mapasubsob sa dibdib nito.
what do you want? angil niyang tanong dito.
answer me! mahinahon bagaman seryoso ang tinig ng binata.
what? tipid na tanong ni Carmela. bagaman alam niya ang tukoy ng binata.
napabuntunghininga si Andrei saka pigil ang inis na muling tiningnan si Carmela. explain bakit ngayon kalang umuwi at bakit Hindi mo sinasagot ang tawag ko at ni tita sayo? angil niyang tanong.
namasyal lang ako at hindi ko namalayan ang oras. masyado akong nalibang tipid niyang sagot dito.
I'm tired gusto ko na sanang magpahinga na. pwede bang bukas na tayo mag usap. pakiusap niya dito na namumungay na ang mga mata sa antok.