kabanata 1 pananaghili

493 Words
Hindi niya maiwasan paring managhili sa kapatid sa mga oras na iyon. bagaman pilit niyang sinupil ang mga luhang nais bumagsak. tipid ang ngiting nilingon niya si Tito Arturo. pinatatawag ninyo raw ho ako. magalang niyang tanong na iniiwas ang tingin sa panig ng ina. oo! iha! halika maupo ka. napag-usapan namin ng mama mo na tutal isang taon nalang at tapos ka na ng highschool. saan mo balak mag-aral ng kolehiyo? nakangiting tanong ni Don Arturo. natutuwa ito dahil ipinagpabahala na ng asawa sa kanya ang pagpapaaral sa mga bata. matulin pang lumipas ang mga buwan at magtatapos na siya ng highschool. bagaman sa una palang sinabi na ng ina na hindi nito siya masasamahan sa pag-akyat ng entablado dahil nasabay din sa graduation naman ng stepbrother na si Andrei. tapos na ito ng kolehiyo sa kursong business management. Hindi napilit ng Tito Arturo niya ang ina na samahan siya upang sabitan ng medalya. tipid siyang napangiti. minasdan niya ang sarili sa salamin. konting pulbos at lipstick lang ang pinahid niya sa mga labi at inayos lang ng konti ang buhok.simpleng damit lang din ang suot niya. bagaman sarili niyang pera ang pinangbili doon. lihim sa pamilya may sideline siyang trabaho. kahit konti lang ang sahod ay okey na din para may sarili lang siyang pera. at hindi laging umaasa sa ina o sa Tito Arturo niya. tahimik siyang lumabas ng silid. tahimik sa kapaligiran nasa kanya-kanya na sigurong gawain ang mga kasambahay. mapait siyang napangiti. sa bahay na iyon tila hangin lamang siyang dumadaan sa buhay ng mga ito. tanggap niya na malayo ang loob ng mga ito sa kanya kaysa sa bunsong kapatid. bunga na rin ng pakikitungo ng ina sa kanya. iniisip siguro ng mga ito na pagagalitan ito ng ina kapag naging malapit sa kanya ang mga ito. tahimik na lang siyang umalis ng bahay. iha! sigurado bang hindi pupunta ang mga magulang mo. o kahit isa sa kapamilya mo. tanong sa kanya ng butihing guro. tango lang ang sagot niya. baka naman hindi mo sinabi sa kanila na graduation mo ngayon. nagdududang tanong padin nito. matalim niya itong tiningnan. huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. Kaya Lang para rin sayo... Hindi ko ikinakahiya ang magulang ko. Kung iyon ang iniisip nyo, wala akong dahilan para gawin iyon. wala din akong dapat ipaliwanag kung bakit hindi sila makakapunta ngayon. taas noo niyang sagot. matiim niyang tiningnan ang guro. Hindi niya kailangan ang awa nito o ng sinuman. ilang sandali lang mag-isa siyang taas noong umakyat ng stages. wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao ng may halong awa. wala din siyang pakialam sa pagbubulungan ng mga ito. taas noo niyang tinanggap ang medalyang pinaghirapan niyang maabot. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon at ang kahihiyang inabot. Hindi rin niya makakalimutan na muli, inabandona siya ng ina. Hindi niya alam na sa isang sulok isang pares na mga mata ang matiim na nakatunghay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD