kabanata 1 katotohanan

494 Words
Alam din niya kung bakit lumayo ang loob nito sa kanya bigla. nadinig niyang masinsinan itong kinausap ng Tito Arturo niya isang gabi ng akala ng mga Ito na tulog na silang lahat. masakit mang isipin, para dito isa siyang salot na nagpapaala dito sa mapait nitong nakaraan na pilit nitong tinatakasan. Hindi nito matanggap ang pag-iwan dito ng ama lalo pa at hindi maganda ang pinagdaanan nito bago nito nakilala ang tito Arturo niya. at bago ito nakabangon muli. Hindi man nito sabihin sa kanya noon alam niyang sa mura niyang isip. na kinakalakal nito ang sarili mabuhay lamang silang magkapatid. patunay nadin ang ilang pasa sa katawan nito at hapong hapong mukha. alam niyang kung sino sinong lalaki ang lihim nitong dinadala sa bahay nila mapa umaga o gabi man kapalit ng konting halaga pangtustos sa pangangailangan nila. Kaya sino siya para magtampo o magalit dito dahil sa kaunting bagay. bagaman paminsan minsan ay namimiss niya ang pag aaruga nito sa kanya katulad dati wala na siyang magagawa pa. paminsan minsan ay namimiss rin niya ang ama. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang dapat maramdaman. Kung matutuwa sa pang iiwan nito sa kanila dahil nakilala ng ng ina ang tito Arturo niya o dapat magalit dito. Kung sana ay isinama nalang siya nito sa pag alis nito. napabuntunghininga nalang siya ng maisip ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung hilig mo lang talagang mag-isa o iniiwasan mo Lang talagang makisama sa amin nitong huli. untag ng lalaki. agad niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig ng mahinuha kung sino iyon. si Andrei ang kaisa isang anak ng tito Arturo niya. tahimik lang niyang ibinalik ang tingin sa langit. gusto kong mapag isa pero totoo din na umiiwas ako hindi sa inyo kundi alam mo na... mapait niyang sabi. bigla namang napahagalpak ng tawa si Andrei. Hindi nito akalaing magiging totoo ang dalagita sa sagot nito. saka pinagmasdan ang malungkot na mukha ni Carmela. bahagya pang nagulat si Carmela ng biglang may kuminang na bagay sa kanyang harapan. nagustuhan mo ba...nakangiting sabi ni Andrei dito at sinimulang isuot ang kwintas sa leeg ng dalagita. regalo ko iyan sa iyo kaya ingatan mo. pwede ko ba siyang isanla. Hindi niya alam Kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. namumula niyang iniiwas ang tingin dito. Hindi naman napigilan ng lalaki ang mapabunghalit ng tawa. syempre naman. saka natatawang ginulo nito ang buhok ni Carmela. biro lang wala akong balak isanla ang regalo mo. saka pinagmasdan ang suot na kwintas. salamat mahina niyang sabi. your welcome!oo nga pala halika na sa loob. pinatatawag ka ng papa pag uusapan nyo kung saang school mo balak mag-aral ng kolehiyo. isang taon nalang at matatapos ka na sa highschool di ba. saka nito inilahad ang palad sa kanya upang alalayan siya sa pagtayo. at nabungaran nila sa sala ang masayang pagkwekwentuhan ng mag-asawa habang nasa tabi ng ina ang dose anyos na kapatid na nakahilig dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD