at habang pinagmamasdan niya ito ay naroon ang kirot sa dibdib na dulot ng kahapon. at hindi niya maiwasang isipin si Ely. Kung ano na ang nangyari dito? Kung may anak na ito sa babaeng sinamahan nito. at sa isiping iyon ay ibayong galit ang bumabangon sa dibdib niya. Hindi niya maiwasang mainis sa anak sa pagpapaalala nito sa ama nito. dahil doon tuluyan niyang inilayo ang loob dito at sa bunsong anak ibinuhos ang buong pagmamahal niya.
napuna ni Arturo ang paglayo ng loob ng asawa sa panganay nitong anak na si Carmela. dahil doon kinaawaan niya ang bata. bagaman hindi niya masisi ang asawa nauunawaan niya ito. lalo pa at malalim ang sugat na iniwan dito ng lalaking unang minahal nito.
subalit sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon ang galak sapagkat kung hindi nangyari ang bagay na iyon wala sana sa tabi niya ang asawa ngayon at baka nagkasala pa siya. dahil hindi niya kayang pigilin ang damdamin niya para sa asawa. at siguradong gagawin niya ang lahat maagaw lang ito sa asawa nito. Kaya mabuti na ding nagkahiwalay ang mga ito. bago pa siya dumating sa buhay ni Pamela. at dahil doon ituturing niyang parang tunay na anak ang mga anak nito. lalo na si Carmela. pupunan niya ang pagkukulang ni Ely sa mga bata ng sa ganoon gumaan din ang kanyang dibdib at hindi mangulila sa ama nito ang dalawang bata.
lalo na si Carmela na sabi nga ng asawa na malapit ang panganay nito kay Ely kaysa dito at masyado nito itong inispoiled. noon.
pantay ang pagtingin niya sa anak at sa dalawang batang babae. Kung ano ang meron ang anak meron din ang dalawa. kung ano ang meron si Carol ganoon din Kay Carmela. bagaman hindi niya mabago ang malamig na pakikitungo pa rin ni Pamela sa panganay nito. napuna naman niyang malapit ang loob dito ng anak na si Andrei kaysa kay Carol.
ika katorse kaarawan ni Carmela ng araw
na iyon at gusto sanang ipagdiwang ng magarbo ni Arturo ang kanyang kaarawan bagamat pinilit ng ina na simpleng pagdiriwang nalang ang gawin. at ito ang nasunod sa huli. sa bata niyang isip ay binalewala niya ang bagay na iyon. para sa kanya ang mahalaga ay magkakasama sila kahit pa may konting lungkot sa kanyang dibdib dahil wala sa tabi niya ang ama.
masayang nagkwekwentuhan ang ina at tito Arturo niya kasama si Andrei at Carol. pinili niyang magpahangin sa kanilang hardin. Hindi niya magawang magtagal sa tabi ng mga ito dahil alam niyang hindi matagalan ng ina ang presensya niya. madali itong mabugnot at labis na ipinahahalata ang inis sa kanya. Kaya para hindi masira ang maganda nitong mood lagi siya na ang kusang lumalayo at umiiwas dito.
alasotyo na ng gabi ng oras na iyon. tahimik niyang pinagmasdan ang langit. sa ngayon kuntento na siya. Hindi na siya umaasang mamahalin pa ng ina katulad dati noong hindi pa sila iniiwan ng ama. masakit man tanggap na niya ang katotohanang iyon.