kabanata 1 ang karugtong

501 Words
kontento na siya sa buhay kahit salat sila sa ibang bagay. Hindi man ito nakatapos ng pag aaral mapamaraan naman eto at hindi sila nito pinababayaan. Kaya at paanong sa isang iglap nagawa sila nitong iwan ng ganoon na lamang. tanging isang sulat lang ng pamamaalam ang iniwan nito kung saan sinabi nito na sawang sawa na ito sa ganoong buhay nila at sumama na ito sa nakilala nitong babae na maykaya sa buhay kaya huwag na nila itong hanapin pa. galit niyang nilamukos ang sulat. ano ang karapatan nitong sabihin iyon sa kanya. Hindi ba at siya ang dapat magsabi ng mga bagay na iyon dito. dahil sa mga pangako nito noong una. natatawa nalang niyang binalibag ang sulat sa sahig at tahimik na umiyak. lumipas pa ang mga oras na hindi niya namamalayan. saka lang sumagi sa isip niya ang panganay na anak. hindi pa ito bumabalik magbuhat ng umalis ito kanina. tiningnan niya ang paligid sa labas. tahimik iyon at tanging kuliglig lang ang madidinig sa gitna ng kadiliman. agad siyang napatayo ng maisip ang anak. agad siyang naghuhumadaling lumabas ng bakuran. Hindi alintana ang paang walang pangyapak. walang direksyon niyang tinahak ang daan at sinipat sipat ang bawat kubling lugar na maaring pagtaguan ng anak. madilim na sa paligid at halos sarado na ang mga bahay na nadadaanan. kumakabog ang dibdib niyang gusto ng pumalahaw ng iyak sa labis na pag aalala. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling may masamang mangyari dito. ilang sandali pa siyang paikot ikot sa paligid ng sumagi sa isip ang isang lugar na madalas nitong puntahan. agad siyang bumalik pabalik sa kanilang tahanan. Hindi alintana ang mga paang nagsugat sugat na dahil sa mga batong tinatapakan. agad siyang dumiretso sa likod bahay at hinawi ang mga halamang naglalakihan. Doon niya natagpuan ang natutulog na anak sa malamig na lupa at namamaluktot sa lamig. napapaiyak na napaluhod siya sa harap nito. matapos pagmasdan ito ay agad niya itong pinangko at mahigpit na niyakap. ang kaawa awa niyang anak. Hindi niya dapat ito idinamay sa galit niya sa ama nito. siya ang totoong dapat sisihin sa pangyayaring iyon. siya ang may kasalanan kung bakit sila iniwan ni Ely. masyado siyang naging mapaghanap dito. hanggang sa ginawa na nitong araw ang gabi at ngayong napagod na ito. bigla siya nitong iniwan sa ere. paano na sila ngayon ng mga anak niya . paanong nagawa ni Ely sa kanila ang bagay na iyon. tahimik nalang siyang umiyak habang kalong ang anak. akala ni Pamela tuluyang nagdilim ang langit sa kanya. akala niya hindi na siya muling iibig pa. subalit ng makilala niya si Arturo ay muling nabago ang lahat. matiyaga siya nitong sinuyo sa kabila ng alam nito ang kanyang nakaraan. maluwag nitong tinanggap ang dalawa niyang anak. ganun din ang kaisa isa nitong anak na si Andrei. at labis niya iyong ipinagpapasalamat. bagaman habang tumatagal at lumilipas ang mga araw ang panganay niyang si Carmela ay lumalaki ang pagkakahawig nito sa una niyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD