SKY/KNIGHT "Ang swerte mo talaga, Sky! Ang dami na naman nating nahuli. Mula n'ong sumama ka sa akin. Maraming malaking isda ang nakuha natin. Dati isang balde lang ang makuha namin ni Misis. Pero n'ong ikaw ang kasama ko naging apat na, ngayon naman lima na. Sigurado mabilis tayong makaipon para makapag pagamot ka na sa private hospital para bumalik ang alaala mo. Saka na natin problemahin ang mukha mo kapag bumalik na ang alaala mo." Saad ni Kuya Ruben. "Kuya nagkataon lang siguro na marami tayong nahuli. Saka ma-swerte ako dahil kung wala kayo baka wala na ako dito sa mundo. Saka kahit hindi na ako magpa Doktor, okay lang Kuya. Hintayin ko nalang na bumalik ang alaala ko. Baka hindi naman mag tagal kusang babalik. Kaya hindi ko na pipilitin ang sarili ko na maka alaala." Tugon ko hab

