THIRD PERSON "Bye love birds. Kita-kits bukas bff." Saad ni Kany. Kararating lang nila galing Davao. Alas kwarto ng madaling araw nag byahe na sila pabalik Banisilan. Kaya alas alas otso ng umaga nakarating na sila sa Banisilan. Dumiretso sila sa bahay ni Virgo para unang ihatid. Naging masaya at memorable para sa apat ang pagpunta nila sa Davao dahil officially magka relasyon na sila. Ang Mama at Papa lang ni Chief Jonathan ang kanilang sinabihan dahil nga magpaalam pa muna si Val at Knight kay Chief Jonathan at sa magulang ni Virgo at Kany. Kahapon kweninto kaagad ni Virgo kay Kany kung ano ang naging ganap sa kanila ni Val kaya masaya din si Kany para kay Virgo. Sinulit nila kahapon ang isang araw sa beach. Kahit hindi nakaligo si Virgo sa dagat nag enjoy pa rin naman siya dahil kasam

