THIRD PERSON "Congratulations! Chief Knight Rodriguez." "Congratulations! SPO3 Valentine Mendrano." Pagbati nang lahat kay Knight at Val. Si Knight bilang chief of police ng Banisilan. Si Val naman naman bilang SPO3. Isang linggo mula nang binigyan sila ng pahinga dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Pagbalik nila sa trabaho binigay sa kanila ang kanilang parangal. Dahil umalis si chief Jonathan sa pagiging chief of police. Ay si Knight ang pinalit bilang chief of police. N'ong una parang ayaw pa ni Knight tanggapin dahil naisip niya na baka sabihin ng kaniyang mga kasamahan na baka na promote lang siya dahil pinili siya ni Chief Jonathan at pinsan pa ng kaniyang nobya. Ngunit makikita sa kaniyang record ay ang pagiging tapat sa tungkulin kaya siya ang pinili na maging bagong hepe. Ma

