KANY "Moo, bakit nandito kayo? I mean masaya ako na nandito ka, pero baka magalit si chief. I miss you." Bulong ni Knight sa akin. Parang ayaw niya pa ako'ng yakapin. Ganun din si Val kay Virgo. "Nagdala kami ni Virgo ng meryenda. I miss you too." Bulong ko din sa kanya. Sabay bigay ng hawak ko'ng paper bag na may cupcakes. "Salamat, baka pagalitan kami ni Chief at kayo rin." Bulong niya ulit sa akin. Naramdaman ko na humigpit na ang pagyakap niya sa akin. Kaya humigpit din ang pagyakap ko sa kanya. Napansin ko si Virgo at Val na parang nag bubulong bulongan din. Saka binigay din ni Virgo ang hawak niya kay Val. Sasabihin ko na sana na pumapayag na si Kuya Jonathan ngunit may malakas na tumikhim sa aming likuran kaya napabitaw si Knight sa pagyakap sa akin ganun din si Val kay Virgo.

