THIRD PERSON Pagdating ng apat sa Love in paradise beach resort. Marami-rami na rin ang mga tao kahit alas siete y medya pa lang ng umaga. Pagkatapos nila mag bayad para sa kanilang entrance at cottage, umupo muna si Virgo at Kany. Habang si Knight at Val kinuha sa sasakyan ang kanilang dala. "Ano na? Bakit may pa akbay-akbay na si Knight? At babes na ang tawag?" Tanong ni Virgo kay Kany na nakataas ang kilay. "Bff, sorry na. Sasabihin ko naman sana sa iyo. Kaso nahihiya ako. Promise no secret na sa susunod. Pero bff, sana tayo lang muna ang maka-alam. Sasabihin naman namin kay Kuya Jonathan pero hindi muna ngayon." Pa cute na sabi ni Kany kay Virgo. Kweninto niya na kasi ang unang paghalik sa kanya ni Knight at ang kanina. Nang matapos ni Knight at Val dalhin ang kanilang mga gamit. P

