THIRD PERSON Nakatulala lamang si Kany na nakatingin sa kawalan habang umiiyak at sinasambit ang pangalan ni Knight. Sobrang awa ng kaniyang mga magulang at pamilya niya sa kaniya habang tinitingnan siya. Kaya napag-usapan nila na kailangan ipatingin si Kany sa psychiatrist. Natakot sila na baka mawala sa katinuan si Kany dahil sobrang nasaktan sa pagkawala ni Knight. Isang linggo mula n'ong nilibing nila si Knight. Hindi din tumigil sa pag-iyak si Kany. Wala rin siyang sapat na kain at tulog. Kahit anong gagawin nila, hindi talaga nila makausap ng maayos si Kany dahil hindi ito nagsasalita. Nakatulala lang siya na umiiyak at ang pangalan lamang ni Knight ang kaniyang sinasabi. Hindi din siya iniwan ng kaniyang Mama at Papa kahit sa pag tulog. Hindi rin muna umalis ang mga magulang ni Kn

