KNIGHT "Ingat pabalik Bud! Salamat sa paghatid." Pasalamat ni Val pagkatapos ko siyang ihatid sa bahay ng mga magulang ni Virgo. Kahit limang taon na hindi umuwi si Virgo at hiwalay na sila ni Val. Parang anak pa rin ang turing ng mga magulang ni Virgo kay Val. Kanina habang nasa duty kami, tumawag ang Mama ni Virgo na sa bahay nila kumain ng hapunan at matulog si Val. Kaya ngayon hinatid ko siya. Alas-siete nang gabi pa lang kaya susunduin ko rin si Kany sa bahay ni Chief Jonathan para isama ko siya sa apartment. May bahay na rin ako na pinagawa para sa aming dalawa. Two months from now ay ikakasal na talaga kaming dalawa, kaya sobrang excited na talaga ako. Bumalik na muna ang mga magulang ni Kany sa Canada para ayusin ang mga naiwan nila duon. Dahil mag for good na sila dito sa Pilip

