I seductively winked myself infront of the mirror as I put my lipstick on.
Bahagaya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi gamit ang aking pang-itaas na labi nang sa gayon ay kumalat ang pula roon.
At ng makuntento na ako sa pula na nakikita ko roon ay sinunod ko na namang ayusin ang nakalugay kong buhok. Itinali ko lamang ito into a ponytail one. Wala kasi akong ibang alam na style sa kung paano taliin ang buhok ko e, kung hindi ito lang.
Mabuti sana kung nandidito si Candice dahil Paniguradong tutulungan ako nito kaso wala siya e. Andon kasi siya sa bahay ng magaling niyang ex. Kakausapin niya raw ito para panagutan siya nito na siyang ikinairap ko naman.
'Cause literally? She will bring her pride down para lamang sa lalaki na iyon? Ghad, nakakababa kaya iyon.
Nang makuntento na ako sa ayos ng buhok ko'y tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa salamin. Kalauna'y pinasadahan ko ng tingin ang aking buong katawan—mula ulo hanggang paa. At hindi ko naiwasan ang sarili ko na huwag mapangiwi ng makita ko kung gaano ka sexy at daring itong suot-suot ko.
Ghad, I'd never thought na dadating ang araw na mararanasan kong magsuot ng ganitong bagay para lamang sa isang lalaki... para lamang sa pag seduce sa isang lalaki.
Nakasuot ako ngayon ng isang short at crop top na siyang naging dahilan kung bakit ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag mapangiwi at huwag mailang.
Actually ang damit na ito ay kay Candice. Siya rin ang nagpilit sa akin na suotin ito. Noong una nga'y umangal ako ng makita ko ito pero ng sabihin niya sa akin ang mga katagang,
"Paano mo siya ma se-seduce kung makakapag manang ka? Remember, bar 'yon Marra, hindi simbahan."
Nang mapagtanto kong tama siya sa mga sinabi niya'y napatango na lamang ako. 'Cause heck, paano nga ba ako makaka-seduce kung pang manang ang suot ko? Paano ko ba siya ma se-seduce kung manang ang mga suot ko. E, ang rami ngang mga babae diyan na sini-seduce siya, may mayayaman, sexy at mga magaganda pa ito. E, samantalang ako? Isa lamang basura na may pakay, kaya paano ko siya mase-seduce kung pang manang ang suot ko?
At saka isa pa, Candice is right, bar 'yon at hindi simbahan kaya paniguradong pagtitinginan lamang ako doon kung pang manang ang susuotin ko at ang mas worst pa roon ay baka pagtatawanan rin lang ako ng mga ito.
Ang sabi ng source ni Candice, sa tuwing weekends ay palaging pumupunta si Dashiel sa isa sa mga sikat ritong bar sa manila para mag unwind at ang lugar ngang iyon ay ang destinasyon ko.
Nakasakay na ako sa isang taxi papunta roon. Hawak hawak ko sa kamay ko ang maliit na pouch na dala dala ko. Nagka krus rin ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko ng hindi ko na kinaya pa ang ilang na nararamdaman ko.
Ilang na dulot ng hindi ako sanay magdamit ng ganito at ilang tungkol sa paraan ng pagtitig nitong driver ng taxi na sinasakyan ko.
Nakakailang ang mga titig na pinapakawalan nito sa akin, mula rito sa likod ng kotse ay kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya pasimpleng tumitingin sa salamin na nasa harapan para lamang titigan ako.
At dahil roon ay hindi ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag mailang. Kung sana lang ay alam ko na ganitong klase pala ang driver nitong taxi na masasakyan ko edi sana'y mas pinili ko na lang ang jeep kesa rito.
Kanina kasi, mas minabuti ko na lamang na sumakay sa isang taxi kesa sa isang jeep dahil sa kadahilanang baka pagtitinginan lang ako ng mga tao roon dahil sa suot ko at baka masira pa ang pustura ko kung baka sakali mang ma traffic ako.
At hindi ko inaakalang isa iyon sa mga bagay na pagsisihan ko. 'Cause while feeling the ilang right now na nararamdaman ko para sa klase ng mga titig ng driver sa akin ay hindi ko naiiwasan ang huwag matakot at gustuhin na lamang ang tumalon ng walang pasabi mula sa sinasakyan.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako natatakot na magsuot ng ganito.. natatakot kasi akong mabastos e pero siguro.. mababastos at mababastos ka rin pala talaga kahit anong isuot mo kung merong may mga bastos.
At ma ra-rape at ma ra-rape ka pa rin talaga kahit na'y anong suot mo kung may rapist.
Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng pintuan bago mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa sarili kong katawan ng makita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano nito dinilaan ang pang-ibabang labi nito bago ako kinindatan.
Bahagya tuloy akong kinalibutan dahil roon. Ang creepy niya kasing pagmasdan e. He looks like a prey na handang handa ng kainin ang pagkain na nakahanda para sakan'ya.
Pasimple kong hinubad ang sandal na suot-suot ko kung may in case in emergency man na mangyayari rito. Pasimple ko itong hinubad para makatakbo ako agad kung baka sakali mang gawin nga ng lalaking ito ang posibleng bagay na gawin nito na nasa isip ko.
Hinubad ko rin ito dahil sa rason ng may maipokpok ako rito kung baka sakali mang magbalak ito na lumapit sa akin. Hinanda ko rin ang sarili ko sa kung ano man ang puwedeng mangyari sa akin.
Pero siguro naging judgemental lang talaga ako dahil lumipas ang ilang mga minuto at tuluyan ko na ngang narating ang destinasyon ko ng wala namang nangyayaring masama sa akin.
Ghad, did I just accused someone for wrong doings? Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa naisip.
Nagbayad na ko kay manong bago muling isinuot ang sandal ko na hinubad ko. Medyo nahirapan pa kong isuot ito dahil sa kadahilanang medyo hindi ako sanay sa pagsusuot ng ganito. Sa katunayan nga'y inabot pa ko ng ilang minuto kanina sa pagsusuot dito e.
Siguro, kaya ako nahirpan dahil sa kadahilang ito pa lang ang kaun-unahan kong makasuot ng ganito. Sa katunayan nga'y medyo nahihirapan ako sa paglalakad dahil dito.
"Thank you ho, manong," ang nakangiti kong bati dito sabay labas sa kotse nito. Ngumiti naman ito ng matamis sa akin bago ako tinanguan.
Sisiraduhan ko na sana ang pintuan pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng pigilan ako ni manong dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Teka iha," tawag nito sa akin na siyang nagpatigil sa akin.
Liningon ko ang gawi nito, "Po? Bakit po?"
"Ka ano-ano mo si Vildamir?" tanong nito sa akin habang pinagmamasdan ng mariin ang pagmumukha ko na siya namang naging dahilan kung bakit ako nagtaka.
"Ho? Ano pong Vildamir?" taka kong pabalik na tanong rito.
Kumunot naman ang noo nito na tila bay bahagya itong napaisip, kalauna'y hilaw itong napangiti bago sunod-sunod na napailing, "Ah, wala wala iha, sige una na ko," ang ani nito bago pinaandar ang sasakyan.
Napakibit balikat na lamang ako bago itinuloy ang naudlot kong pagsira sa pintuan.
"Weird," ang bulong ko sa hangin habang nagkikibit balikat.
Lumapit na ako sa gawi ng bar at hindi ko naiiwasan ang huwag mapapangiwi sa tuwing nakakarinig ako ng malakas na timbre ng musika at hiyawan ng mga tao.
Napapangiwi ako dahil sa kaisipang, nasa labas pa nga lang ako pero para ng masisira ang eardrums ko dahil sa lakas ng kanilang tugtugin, how much more kung nasa loob na ako?
Dahil sa naisip ay bahagya akong kinabahan at napaisip kong ipagpapatuloy ko pa ba 'tong nasimulan ko i hindi na lang. Pero ng maalala ko ang kalagayan ni mama sa loob ng kulungan sa mga panahon na iyon ay ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong paglalakad.
Kung noon ay kawawa na siya no'ng nasa loob pa lang siya ng kulungan ngayon naman ay mas naging kawawa pa ito. Hindi pa kasi siya fully healed e, sa katunayan nga'y hindi pa nga nag he-healed ang pasa nito e pero dahil sa policy ng kulungan ay wala kaming ibang nagawa kundi pabalikin siya roon kaya ang pagtalikod at ang pagbawi ay dapat wala sa bokabularyo ko ngayon.
Actually, inakala ko talaga no'ng una na joke joke lang yong sinabi ni Candice na kung gusto ko ng makalaya ang mama ko ng mas maaga at nang sa gayon ay hindi na maulit pa ang bagay na nangyari sa loob ng kulungan ay dapat kong i seduce ang bago naming prof dahil sa pag-aakalang makakatulong ito da akin. Makakatulong ito sa pagpapalaya sa mama ko.
Akala ko talaga na joke-joke niya lang iyon but when she said that she's not joking ay napaisip ako at doon ko nga napagtanto na tama siya... that she's right. In order for me to get my mother out of the jail I need to use my brain sa lalong madaling panahon at hindi 'yong sa matagal pa dahil habang tumatakbo ang oras ay mas nagkakaroon pa ng tiyansa na baka may mangyari pang masama kay mama and I can't imagine if that's happen again.
Ang masakit sa mata na ilaw, ingay na nakababasag ng eadrums at ang hiyawan ng mga tao ay ang unang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bar.
Bahagya pa akong napatakip sa tenga ko at sa mga mata ko ng hindi ko na kinaya pa ang ingay at ang sakit sa mata dulot ng nagkikislapang iba't-ibang kulay.
Ilang segundo rin akong nanataling ganoon bago tuluyang nakapag adjust ang sarili ko. At ng makapag-adjust na'y agaran kong hinanap ang gawi no'ng lalaking pakay ko.
Ang sabi ng source ni Candice ay kung wala ito sa first floor ay nasa second floor ito tumatambay, kung hindi naman ay nasa isa ito sa mga Vip room ng bar kasama ang babaeng na bingguwit nito.
Bahagyang kumirot ang puso ko sa naisip napabuntong hininga tuloy ako. Letse talaga tong pag-ibig na 'to, kung ano-ano na lang ang ipinaparamdam sa akin. At letse rin talaga ang lalaking iyon if ever kung nakikipagjugjugan ito ngayon.
Wait—bakit ba ang Oa ko kung makapag react? Girlfriend niya ba ako? Diba hindi? Kaya bakit ang Oa ko kung makapag react? At saka isa pa, normal lang iyon 'no.. normal lang ang makipagtalik sa iba't-ibang babae para sa kagaya niyang isang womanizer! Letse talaga 'tong pag-ibig na 'to.
Nang wala akong makitang Dashiel sa unang palapag ng bar ay napagpasyahan kong umakyat sa second floor upang doon mag try maghanap.
Nang makaakyat na ako ng tuluyan sa second floor ay doon bumangad sa akin ang iba't-ibang grupo ng mga kabataan na nag-iinoman. Nakaupo ang mga ito sa mga couch, pinapalibutan ang mesa na may nakapatong na pagkain.
At dahil sa mga nakita ko'y doon ko napagtanto na ang first floor pala ay para sa dance floor at bar counter samantalang itong second floor naman ay para sa mga trip lang uminom o hindi kaya'y umiinom muna dito bago sasayaw sa dance floor.
Natuon sa akin ang atensiyon ng ilang grupo ng mga kabataan ng dumaan ako sa mga harap ng mga ito at hindi ko naiwasan ang sarili ko na huwag mailang lalo na ng maramdaman ko ang mga titig nito sa akin na tila ba'y pinagnanasaan ako ng mga ito.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga iyon bago lumapit sa railes nitong second floor. At mula doon ay pinagmasdan ko ang buong kabuuan ng second floor, hindi inaalinta ang ilang mga titig na nakapukol sa akin.
Ilang minuto rin muna ang ipinukol ko para lamang sa paghahanap sa lalaking iyon dito sa loob ng second floor at ng magpagtanto ko na wala rin siya dito ay bahagya akong na disappoint. E kasi naman, baka hindi talaga siya pumupunta rito o baka hindi talagaa siya pumunta rito. Sayang lang 'yong outfit ko 'pag nagkataon.
Kahit na'y bahagyang na disappoint ay ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa kong paghahanap ng mapagtanto kong baka ando'n talaga siya sa first floor at nakaligtaan lamang siya ng mga mata ko dahil sa hindi maayos na ilaw.
Mula rito sa riles ay tinanaw ko ang kabuuan ng first floor. Sinuyod ko ang buong kabuuan nito ng tingin. Pilit na inaaninag ang mga pagmumukha ng mga tao rito kahit na'y nahihirapan ako dahil sa paibang-ibang kulay ng ilaw.
Sa kalagitnaan ng paghahanap ko'y napatigil ako ng may maramdaman akong tumabi sa akin,
Paglingon ko'y doon ko nakita ang isang guwapong lalaki, nakahilig rin ito sa railes habang hawak hawak nito ang isang baso na sa tingin ko'y alak ang laman.
Lumingon ito sa gawi ko at hindi ko inaasahan na mapapalunok ako ng makita ko ang mapupungay nitong mga mata, "May hinahanap ka ba miss?" he asked seductively which made me gulped.