Kabanata 46

2379 Words
NAPALUNOK ako dahil sa tanong niya na iyon kalauna'y napaiwas ako ng tingin mula sa pagtitingin sa gawi niya ng may kung ano akong naramdaman na bagay. Bagay na hindi ko maipaliwanag kung ano, basta't may kung ano akong naramdaman.. parang tumibok ang puso ko ng malakas dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. But there is one thing that I am sure at iyon ay ang bakit napakapamilyar niya sa akin? Na para bang nakita ko na siya noon pero hindi ko lang maalala kung kailan at kung paano. Tapos may kung ano ring bond ako na nararamdaman. Bond na para sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa naisip, kalauna'y napatingin na lamang ako sa dance floor upang simulan muli ang naudlot kong paghahanap. Muli kung itinuon ang aking atensiyon sa mga nagsasayawan. Umaasa na sana'y sa pagkakataon na ito'y mahahanap ko na ang lalaki na siya talagang pakay ko rito magmula pa man kanina. Ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay muli akong napatigil at napatingin sa katabi ko ng muli itong nagsalita, "Are you deaf?" he asked, na siyang nagpakunot sa noo ko bago napalingon sa gawi nito. Isang nagtatanong na tingin ang ipinukol ko rito na siyang sinuklian niya rin lang naman ng isang nakakalokong ngiti, "Ayaw mo kasing sumagot e," ang nakangising ani nito sabay tunga sa alak na dala-dala nito. Napairap naman ako dahil roon bago muling napatingin sa mga nagsasayawan. In my peripheral vision ay nakita ko kung paano ito mapailing dahil sa inasta ko, "So ano nga?" tanong nito. "Anong ano?" Imbes na sagutin ang tanong nito'y tinanong ko rin ito pabalik, pero ang mga tingin ay nasa mga nagsasayawan pa rin na sa pagkakataon na ito'y mas nagiging wild pa. Kanina kasi medyo okay pa 'yong paraan nila ng pagsayaw, pero sa pagkakataon na ito'y mas tumindi pa.. mas naging wild pa nga ang mga ito e, isang palatandaan na lasing na nga talaga ang mga ito. May naglalaplapan pa nga e. "'Yong ano, 'yong may hinahanap ka ba rito," sagot nito sa tanong ko. Napatango naman ako, ah 'yon pala 'yon? Hinarap ko ang gawi nito,"Oo, meron," sagot ko sa tanong rito habang nakatitig rito. Lumingon naman ito sa gawi ko kaya ang ending ay nagkatitigan kaming dalawa. At 'yong nararamdaman kong kakaiba kanina ay mas lalo pang lumalala dahil doon. 'Yong t***k naman ng puso ko ay mas lalo pang bumilis at ang masama pa roon ay ang bakit? Bakit parang nakikita ko ang sarili ko sakan'ya? "Who? Is it a guy or girl?" sunod-sunod nitong tanong sa akin na siyang nag-pairap sa akin. E kasi naman, ba't ba ang raming tanong ng lalaking 'to? Tsk. Apaka tsismoso. "A guy," sagot ko sa tanong niya bagong muling itinuon ang atensiyon sa mga nagsasayawan. "A guy ha?" I heard him murmured, "May I know his name?" kalauna'y tanong nito na siyang nagpairap sa akin. Napairap ano ng marinig ko ang mga sinabi niya. E kasi naman ba't ba tanong ng tanong ang lalaking ito sa akin? Bat ba ang rami niyang tanong? Medyo nakakairita na ah. Imbes kasi na makakapag concentrate ako sa paghahanap ko'y nakukuha niya ang atensiyon ko na siyang nagiging dahilan kung bakit hindi ako nakakapag concentrate. At saka isa pa, ba't ba siya tanong ng tanong kung ano ang pangalan ng lalaking iyon? E asa naman siyang kilala niya ang lalaking iyon, 'diba? Nilingon ko ang gawi nito at doon ko ito nakitang nakatingin rin sa dance floor, tatanongin ko na sana ito kung bakit siya tanong ng tanong diyan, e impossible namang kilala niya iyon, pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa dahil sa mga katagang sinambit nito, "Malay mo kilala ko, 'diba?" ani nito sabay kibit ng balikat bago muling tinunga ang laman ng baso na hawak-hawak niya. "Araw-araw pa naman akong nariruto," dag-dag pang ani nito matapos inumin ang alak na nasa baso niya. Naitikom ko ang bibig ko dahil sa mga narinig ko. Ang irita o inis na nararamdaman ko kani-kanina lang ay naglaho ng parang bula ng may mapagtanto ako. Nang mapagtanto ko na posible ngang kilala niya ang lalaki na iyon since gaya nga ng sinabi niya'y araw-araw siya rito. Which means, hindi malabong nagtagpo na ang kanyang landas at 'yong landas ni Dashiel. Napabuntong hininga ako dahil sa naisip, muli naman itong napatingin sa gawi ko ng marinig siguro nito ang ginawa kong pagbuntong hininga, "So, sino nga?" ulit nitong tanong. Napabuntong hininga naman ulit ako bago sinagot ang tanong niya, "Dashiel..," paninimulang ani ko bago ako tumingin sa mga nagsasayawan, "Dashiel is his name." In my peripheral vision, nakita ko kung paano siya mapalingon sa gawi ko habang nakakunot ang noo, "Dashiel?" takang tanong nito. Hinarap ko naman ang gawi nito, "You mean, Dashiel Davin Carter?" dag-dag pang tanong nito. Tumango ako, "U-huh," sagot ko sa tanong nito bago napaisip. Looks like totoo 'yong sinabi niya kanina ah, 'yong araw-araw siyang naririto dahil parang kilala nga niya ang lalaking iyon. Alam niya kasi ang ikalawang pangalan at apelyido nito e. Well, ano pa ba ang dapat kong ipagtaka? E, gaya nga ng sinabi niya, halos araw-araw siyang naririto. "Ohhh," ang nanlalaki ang mga mata na ani niyo na tila ba'y kagaya ko'y nagulat rin ito sa naging rebelasyon ko. "Ba't mo siya hinahanap?" kalauna'y takang tanong nito na siyang naging dahilan kong bakit ako napadalawang isip. Napadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakan'ya ang totoo kung rason kung bakit ako naririto o hindi. Napadalawang isip rin ako dahil sa kadahilanang kung baka sakali mang sasabihin ko sakan'ya ang totoo kong rason ay baka ipagsabi lang nito iyon sa iba o hindi kaya kay Dashiel. At masisira pa ang plano ko if ever. Hindi kasi malabong sasabihin niya iyon kay Dashiel dahil gaya nga ng hinuha ko mukhang magkakilala na silang dalawa. At saka isa pa, baka pagtawanan lang ako nito 'no, o hindi'y baka mapagsabihan lang ako ng mga ito na nahihibang na ako. Nahihibang dahil sa kadahilanang paano papatol sa akin ang punyemas na iyon kung ganitong mukha ang meron ako? Isang— Naputol ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ng marinig ko siyang magsalita. "Woah, don't tell me. Isa ka rin sa mga babaeng nagkarandarapa sakan'ya?" Ang gulat na tanong nito, nanlalaki pa ang mga mata nito habang sinasambit ang mga kataga na iyon, bahagya rin umawang ang mga labi nito habang binibigkas ang mga kataga na iyon. Bahagya akong napailing ng mapagtanto ko kung anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya. Bahagya rin akong napairap ng makita ko ang reaksiyon ng pagmumukha niya. Like heck, really? Sa lahat ng rason na maari niyang mairason ang rason pa na talaga iyon ang napili niya? For pete's sake, ano ba ang tingin niya sa akin? Na katulad ako no'ng mga babae na nagkakandarapa kay Dashiel? Ha?! Putangina—never in my wildest dream na magkakandarapa ako sa lalaki na iyon. Oo! inaamin ko may gusto ako sa lalaki na iyon pero never pumasok sa utak ko na magkakandarapa ako sa lalaki na iyon katulad no'ng mga babae na nagkakandarapa sa kan'ya. Hindi naman kasi lingid sa ating lahat na marami ang nagkakandarapa sa lalaki na iyon. And never in my wildest dream na magiging kabilang ako sa mga iyon. Kung sana nga lang ay hindi ko kailangan ang tulong niya, edi sana'y hindi ako pupunta sa lugar na ito, hindi ako magbibihis ng ganito. Kaso e, kailangan ko siya. I really really need him because I can't lose my mom. Panigurado kasing babalikan si mama no'ng mga muntik ng pumatay sakan'ya e. At bago pa man mangyari ang mga iyon, kailangan ko ng maunahan ang mga ito. At mauunahan ko lamang ang mga ito sa pamamagitan ng punyemas na iyon. Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang mapangahas na lalaking nagtanong sa akin sa mga kataga na iyon. Bumuntong hininga muna ako nang sa gayon ay ma control ko ang temper na nararamdaman ko. Baka kasi bigla ko na lang masampal ang lalaking ito e. "No," sagot ko sa tanong nito. "I am here because I need to ask some question on him regarding on the the topic that he discuss a while ago in our class," pagsisinungaling ko. Kung may award lang sana ang pagiging best in making stories and lies. Paniguradong nakuha ko na ito. Ang galing ko kasing gumawa ng kuwento at magsinungaling e. Well, sino ba naman kasi ang mag-aakalang, makakabuo agad ako ng storya, in just a couple of seconds? Habang pinapakalma ko kasi ang sarili ko kanina, gumawa na ako ng kuwento sa utak ko. Kuwento na siyang isasagot ko sa tanong niya nang sa gayon ay matigil na ito sa kakatanong sa akin. Baka kasi magtanong pa ito ng magtanong e kung hindi pa ako magsasalita. At baka kung ano pa ang masabi nito sa oras na sinabi ko rito ang totoo kong rason, kung kaya't nagsinungaling na lang ako. Para iwas tanong. "So, you're his student?" tanong nito sabay pasada ng tingin sa kabuuan ko. Bahagya naman akong nailang dahil roon pero ipinagsawalamg bahala ko na lang iyon. "Hindi halata," dag-dag pang ani nito matapos akong pasadahan ng tingin. Napailing na lamang ako dahil doon. E kasi naman, pano ba mahahalata na estudyante ako kung ganito ang pustura ko? Alangan namang mag uniform ako rito 'diba, para mahalata lang niya? Kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paano nito inisang lagok ang natitirang alak na nasa loob ng baso nito. At ng maubos ay iniligay niya ang baso na iyon sa isang tray, tray na dala-dala no'ng waiter na bigla na lang dumaan sa gawi namin. Matapos mailagay ang baso roon ay hinawakan nito ang palapulsuhan. Maglalakad na sana ito habang hawak-hawak ako, ngunit hindi na nito ito naipagpatuloy pa ang balak niya na iyon ng pigilan ko ito. "Wait!" pigil ko rito sabay pilit na inalis ang kamay nitong nakahawak sa palapuksuhan ko. Napatigil naman ito bago napalingon sa gawi ko. Pinagkunutan ako nito ng noo, "Saan ba tayo pupunta?" dag-dag ko pang ani rito habang pilit pa rin inaalis ang kamay nitong nakahawak sa palapulsuhan ko. "Basta," sagot nito sa tanong ko bago ito muling nagbalak na kaladkarin ako. Pero kagaya kanina'y hindi ako nagpatumpik, pinigilan ko ang sarili ko na huwag mahatak niya sa pamamagitan ng paghawak sa riles upang doon kumuha ng supurta. Nakita ko naman kung paano ito mapatigil kalauna'y napabuntong hininga ito ng malalim bago hinarap ang gawi ko. "Saan ba kasi—" hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng magsalita ito. "Hinahanap mo siya, right?" ang naiinis na tanong nito. Napatango naman ako. "'Yon naman pala e! Edi sumama ka sa akin dahil dadalhin kita sa lugar kung nasaan siya." I was about to said something ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng maramdaman ko na lang ang pagdapo ng mga palad niya sa palad ko matapos niyang sambitin ang mga kataga na iyon. Kalauna'y kinaladkad na ako nito papunta sa lugar na sinasabi nito. At dahil sa kadahilanang wala na akong ibang magagawa pa'y nagpakaladkad na lang rin ako dito. Nagpapatiuna ako sa bawat paghakbang na pinapakawalan nito. Wala kasi akong choice kung hindi ang magpatiuna rito e. Nakahawak kasi siya sa mga kamay ko tas ang higpit pa ng pagkakahawak niya. Panigurado ngang sa pagkakataon na ito'y pulang pula na ito e. Hindi ko na alam kung saan patungo ang daan na tinatahak namin. Basta't ang tangi ko lang alam ay umikot kami bago nagsumiksik sa mga nakahalerang upuan na may nakaupong nag-iinoman. "Excuse us," ang ani ko. Ako na ang nagsabi sa mga kataga na iyon sa bawat taong pinagsisiksikan namin. Dahil mukhang ang lalaking ito na nakahawak sa akin ay walamg balak na mag excuse since patuloy lamang ito sa ginagawa nitong paglalakad. Isang napakalalim na pagbuntong hininga ang aking napakawalan ng tuluyan na kaming makawala roon sa gawi no'ng mga upuan na nakahilera. Para kasing nakalimutan kong huminga habang dumadaan kami rito e kaya gano'n na lang ang kalalim ang buntong hininga na napakawalan ko. "Malayo pa ba tay—" "—We're here." Hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng magsalita ito kasabay ng pagtigil nito. Bahagya naman akong napangiwi ng maramdaman ko kung paano tumama ang noo ko sa matigas niyang likod ng bigla-bigla na lang itong tumigil. Like heck, ano ba naman ang lalaking 'to! Kung makatigil ay bigla bigla! Na tila ba'y wala man lang ito kasamang kinakaladkad niya. "Hoy—" I was rant some shits on him ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng muli itong naglakad habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Aba'y walang pasabi ang gagong 'to ah. Sa ikawalang pagkakataon ay muli akong napangiwi ng maramdaman ko na naman kung paano tumama ang mukha ko sa likod niya dahil sa biglaan niyang pagtigil na siyang naging dahilan kung bakit talaga ako nainis ng todo-todo. Mag ra-rant na naman sana ako ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng makarinig ako ng ilang boses, boses ng pagbati. "Hey bro, antagal natin sa cr ah, nakailang putok ka?" rinig kong bati no'ng isa sa lalaking kasama ko. "Oo nga bro, nakailan ka?" segunda naman no'ng isa. "Tumahimik nga kayong mga gago kayo. Kung ano-ano na lang ang mga pinagsasabi niyo. Mahiya naman kayo sa kasama ko." rinig kong ani no'ng lalaking kasama ko na siyang ipinagtaka naman no'ng mga kausap niya. "Ha? May kasama ka ba? Nasan?" rinig kung sunod-sunod na tanong no'ng isa dulot ng pagtataka. "Oo nga! Nasaan?" segunda no'ng isa. "Ito siya oh," ani ng lalaking kasama ko bago ako dahan dahan pinalabas mula sa likod niya sa pamamagitan ng pahila sa mga kamay ko. Napangiti na lang tuloy ako ng hilaw ng bumulaga ang pagmumukha ko ng wala sa oras sa mga kasama niya. "Hi?" ang hilaw kong ani habang nakangiti ng hilaw. Pero ang ngiti ko na iyon ay agaran ring naglaho at napalitan ng isang malungkot na ngiti ng makita ko ang lalaking pakay ko rito... na sa pagkakataon na ito'y may kandung-kandung na babae. Nagtatawanan rin ang mga ito na tila ba'y may sariling mundo ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD