ISANG napakapait na paglunok ang aking napakawalan dulot ng tagpong hindi ko inaasahang aking masasaksihan.
Kasabay rin ng paglunok ko na iyon ay ang pagdamdam ko sa kung paano nadurog ang puso ko dahil sa sakit nararamdaman ko. sakit na dulot ng tagpong nasa harapan ko.
Akala ko pa naman ay mapapadali ko ang misyon ko pero mukhang hindi ata.. dahil sa higad na nakadikit sakan'ya. At ang mas masama pa roon ay ang gago ni hindi man lang ako pinagtuonan ng pansin!
Napapatanong tuloy ako kung hindi ba nito naramdaman ang presensiya ko o sadyang busing busy lang talaga ito sa higad na nakadikit sakan'ya kaya hindi ako nito napapansin.
"Hoy pare! Nakikinig ka ba?!" rinig kong ani ni Deon kay Dashiel na magpahanggang ngayon ay busing busy pa rin sa pakikipaglandian sa babaeng nakaupo sa kandungan niya.
Actually, kanina pa pilit na kinukuha ni Deon ang atensiyon niya sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan nito pero ang gago tila wala man lang naririnig. Dahil imbes na pagtuonan ng pansin si Deon ay ipinagpapatuloy lamang nito ang ginagawa nitong pakikipaglandian.
"Hoy Dashiel!" sa pagkakataon na ito'y 'yong lalaking sinamahan ko na papunta rito ang tumawag sa atensiyon nito sa pagkakaalam ko'y Storm ang pangalan.
Nagpakilala na kasi ito sa akin e kaya alam ko na ang pangalan nito. Well, sa katunayan nga'y pati 'yong mga kaibigan niya'y nagpakilala na rin sa akin.. puwera na lang sa isa.. at iyon ay ang punyemas na lalaking iyon at ang kalandian nito.
Actually, hindi niya na naman kailangang magpakilala pa sa akin, 'cause I already know his name, pero dahil hindi alam ng mga kaibigan niya ang tungkol roon—puwera na lang kay Storm—ay todo agaw pansin pa rin ang mga ito sa atensiyon niya para makapagkilala ito sa akin.
"Dash!" Sa pagkakataon na ito'y 'yong lalaking may nakakaintimidad na na aura ang tumawag sa pangalan niya. Bahagya namang nanindig ang mga balahibo ko ng marinig ko kung gaano kabaritono ang boses nito. Napakabaritono nito na paniguradong kukuha talaga sa atensiyon ng kahit sino. Lalo na't sinasabayan rin ito ng nakakaintimidad niyang aura.
At tama nga ako sa hinuha ko na iyon dahil matapos magsalita no'ng lalaking may baritono na boses na sa pagkakalaam koy Shawnel ang pangalan ay segundo lamang ang lumipas at agaran ng napalingon sa gawi namin si Dashiel. Isang palatandaan na nakuha nga niya ang atensiyon nito.
"What?" asik na tanong ni Dashiel rito sabay harap sa gawi ni Shawnel.
"Ang sabi ko'y magpakilala ka." Imbes na si Shawnel ang dapat sumagot sa tanong nito dahil siya itong tinanong, si Deon ang sumagot.
Mula sa pagtingin sa gawi ni Shawnel ay nalipat ang tingin ni Dashiel kay Deon dahil sa mga narinig, "Saan?" taka ngunit nagkasalubong ang kilay na tanong nito.
"Yeah, kanino?" segunda naman no'ng malanding higad na sa pagkakataon na ito'y kandung-kandung niya pa rin. Palihim tuloy akong napairap dahil roon. Ang pa bebe kasi e, e mukha namang buyog ang mukha. Tss.
Ininguso ni Deon ang gawi ko. Sinundan niya naman ng tingin ang gawi no'ng nginusuan ni Deon.
Kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano nanlaki ang mga mata niya ng magkatitigan kami. Na tila ba'y nagulat siya ng makita niya ako.
Kitang kita rin mismo ng dalawang mga mata ko kung paano sunod-sunod na nagtaas baba ang adams apple niya. Isang palatandaan na sunod-sunod siyang napalunok ng makita ako nito.
Nakita rin mismo ng dalawang mga mata ko kung paano mawalan ng kulay ang mukha niya na tila ba'y nakakita siya ng multo.
Palihin tuloy akong napangisi dahil roon. Gulat ka 'no? Gulat ka sir 'no?
Tinaasan ko rin ito ng kilay na mas naging dahilan pa kung bakit ito napalunok which made freaking conclude. Na baka natatakot ang gago na 'to sa akin.
Natatakot dahil sa hindi ko rin naman alam na dahilan.
"Actually no need," ang biglaang sabi ko na siyang naging dahilan kung bakit ko nakuha ang atensiyon nilang lahat.
"Anong no need?" takang tanong ni Deon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Kitang kita naman ng dalawang mga mata ko kung paano niya pinasadahan ng tingin ang buong kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Kalauna'y umigting ang panga nito na tila ba'y hindi niya nagustuhan ang pustora ko. Bahagya tuloy akong na hurt dahil sa kaisipang baka pangit ako—baka hindi bagay sa akin ang pustora ko na ito kaya hindi niya ito nagustuhan.
Nang dahil sa kaisipan ko na iyon ay bahagya akong nasaktan which made me think na mas mabuti pang umuwi na lang ako at hindi na ipagpapatuloy pa ang seduce session na plinano ko since mukhang hindi naman tumalab ang kamadag ko sakan'ya—but no! Hinding hindi iyon mangyayari! Hinding hindi ako uuwi ng talunan! Kailangan ko siyang maakit kahit isang segundo man lang!
Nang dahil sa kaisipan na iyon ay sadya kong hinulog ang pouch na dala dala ko.
"Opps sorry!" ang ani ko bago dahan-dahang yumuko upang kunin ang pouch na nabitawan ko. Pero habang ginagawa ko ang pagyuko ko na iyon ay sinigurado ko munang nagkakatitigan kaming dalawa.
Kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano dumapo ang paningin niya sa cleavage kung sa pagkakataon na iyon ay napaka reveling na dahil sa ginawa kong pagyuko.
Kitang-kita rin mismo ng dalawang mga mata ko kung paano umigting ang mga panga niya habang nakatitig sa gitnang hiwa ng bundok ko. Ngunit hindi ko iyon pinansin, bagkos nga'y mas ginalingan ko pa ang ginagawa ko.
Nakakaaliw kasi ang reaksiyon niya e. Like heck, akala ko ba napapangitan siya sa akin pero bakit ganyan ang reaksiyon niya—ng pagmumukha niya? Para na nga siyang papatay ng wala sa oras e.
Nang dahil sa naisip ay doon ko napagtanto na baka hindi talaga siya napangitan sa suot ko—sa akin kaya siya nagkaganoon. Sadyang baka nagalit lamang siya kanina dahil sa klase ng suot ko. O baka sadyang umandar lamang ang pagka protective niya dahil baka may ibang lalaking pagnasaan—wait what?! What the hell I am f*****g thinking?
Siya magiging protective sa akin?! No way! Isang malaking kahibangan iyon! E kasi naman sino ba ako para protektahan niya?! E, isa lang naman akong frog!
But honestly may kung ano talagang umasa sa katawan ko na totoo iyong mga naisip ko. Which made my heart flutter.
But nah, napakaimposible talagang mangyari no'n e. Kasi siya magiging protective sa akin?
But hmm, let's see.
Napangiti ako dahil sa naisip. Hmm.. let's see.
Bago pulutin ang pouch ay iminuwestra ko muna ang puwet ko na tila ba'y may titira sa akin mula sa likod—dog style ika nga ni Candice.
Mas lalo pang lumawak ang ngiti na nasa mga labi ko ng makita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano pa mas umigting ang panga niya dahil sa nasaksihan.
Kasabay rin niyon ay ang pagdilim ng aura na pumalibot sakan'ya. Isang palatandaan na hindi na siya nasisiyahan sa ginagawa ko na siyang ikinasasaya ko naman.
Mas lalo pang dumilim ang aura niya ng makarinig kami ng pagsipol mula sa kung saan, kasabay ng pagsipol na iyon ay ang mga pagsambit sa mga katagang, "Wala akong nakita."
Tila binuhusan naman ako ng isang malamig na baldeng tubig dahil roon. At mas lalo pa akong nanlamig ng maalala kong hindi lamang pala kaming dalawa ang tao rito—at ang mas masama pa riyon ay puro lalaki itong mga kasama ko!
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto. Kasabay niyon ay ang pag-usbong rin ng hiya sa puso ko, dali dali tuloy akong napapulot sa pouch na sadya kong inihulog bago dali-daling napaayos ng tayo.
Damnit! Nang dahil sa kagustuhan kong maagaw ang atensiyon niya, nakalimutan kong hindi lamang pala kami ang tao na naririto!
Mygad self what did you just do?! Paniguradong sa pagkakataon na ito'y pulang-pula na ako! Hindi ko na kailangan pa ng salamin upang kompirmahin ang bagay na iyon dahil sa init pa lang ng pisnge ko na nararamdaman ko'y confirm na!
Yawaa! Lupa kainin mo ako!
Nakakahiya ka self! Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo?! Really? Para lamang ma seduce mo siya'y kailangan mo talagang gawin ang bagay na iyon?! Hindi ba puwedeng i seduce—wait what?! Paano ko naman siya ma se-seduce kung hindi ko gagawin ang bagay na iyon?
Right? Tama—
Naputol ako sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ng may maramdaman akong humigit sa palapulsuhan ko.
Kalauna'y naramdaman ko na lang ang sarili ko na naglalakad kahit na'y labag na ito sa loob ko. Labag ito sa loob ko'y dahil wala akong ibang magawa kundi ang sumunod sa mga yapak nito.
Kinakaladkad kasi ako nito e. Kahit na'y gustuhin ko mang kumuwala mula sa pagkakaladkad nito'y hindi ko magawa-gawa dahil sa kadahilanang ang higpit ng pagkakapit nito sa palapulsuhan ko na siyang naging dahilan kung bakit kahit anong gawin ko para lamang makawala mula sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa-gawa.
Kanina, nang dahil sa lalim ng pag-iisip ko'y hindi ko na lang namalayan ang sarili ko na kinakaladkad na niya pala ako—na hawak-hawak na pala ako no'ng gago. Namalayan ko lamang ito ng maramdaman ko kung paano kami sumiksik sa maraming tao.
Saan ba tayo pupunta?
Gusto ko sanang itanong ang mga kataga na iyon sakan'ya pero hindi ko pa rin magawa-gawa dahil sa kadahilanang wala akong pagkakataon. Ang bilis bilis niya kasing maglakad e, tas hawak-hawak niya pa ako. nawawalan na tuloy ako ng pagkakataon na magsalita.
At mas lalo pa akong nawalan ng pagkakataon ng marating na namin ang gawi no'ng hagdananan. Muntik na akong gumulong sa hagdanan dahil sa kadahilanang kahit nay hindi pa ako nakakaapak sa unang baitang ng hagdanan ay nasa ikaapat na siya habang kaladkad pa rin ako. Perks of having a high legs.
Mabuti na lamang at nakahawak ako sa railes nito kasi kung hindi'y paniguradong nasa ibaba na ako sa pagkakataon na ito, nakahiga sa malamig na sahig habang naliligo sa sariling dugo. Kinilibutan ako sa naisip.
'Tsaka pa lamang ako nakahinga ng maluwag ng maramdaman ko na ang pag-apak ng aking mga paa sa lupa. Pero agaran ko rin nahigit ang hininga ko na iyon ng muli kong naramdaman ang pagkaladkad sa akin no'ng gago palapabas sa bar.
Nang makakita ako ng pole pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng bar ay agaran na akong kumapit rito na parang tuko. I hugged the pole tight making him stopped from walking.
"Teka nga lang!" asik ko sakan'ya habang nakakapit na parang tuko sa pole na siyang naging dahilan naman kung bakit napatigil ang gago sa paglalakad.
Hayyy sa wakas! Nakahanap na rin ako ng pagkakataon para magsalita.
"Saan ba tayo pupuntang gago ka ha?" galit kong tanong rito ng lumingon ito sa gawi ko
Umigting naman ang panga nito, "What did you just said?" ang galit na tanong nito habang nagkasalubong ang kilay, bahagya naman akong napalunok dahil roon.
"What did you just called me?" ulit pa nitong tanong.
Marahas ko namang inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya bago kumapit sa pole ng mas mahigpit pa kesa sa kanina.
"Gago," sagot ko sa tanong nito na siyang mas naging dahilan pa kung bakit mas umigting pa ang panga nito.
Sunod-sunod tuloy akong napalunok, lalo na ng makita mismo ng dalawang mga mata ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa gawi ko.
"D-iyan ka lang," ang pagpapatigil ko sakan'ya. Pero ang gago ni hindi man lang nagpapigil.
"T-itigil ka o?" napaisip ako, ano kaya ang magandang panakot para tumigil ang gagong 'to?
"O?" tanong niya habang magkasalubong pa rin ang kilay.
"O susumbagin kita?" Imbes na salita iyon ay nagmukha pa tuloy itong tanong ko sa sarili ko, "Oo tama nga! 'Yon nga!" parang tangang sabi ko na siyang tinawanan niya lamang.
Nang makita kong isang hakbang na lamang ang layo namin mula sa isa't-isa at mukhang wala talagang balak na tumigil ang gago ay napagpasyhan ko na lamang na bumitaw sa pagkakahawak ko sa flag pole bago nagbalak na tumakbo papalayo sa gawi niya.
Pero bago ko pa man magawa ang balak ko na iyon ay napatigil na lamang ako ng maramdaman ko na lang ang sarili ko sa gitna ng mga braso niya.
"Do you really think that you can make me scared with that small fist of you? Hmm.. honey?" he asked huskily which made me gulped.