KABANATA 26:
"KUMAPIT KA," utos nito sa akin pagka angkas na pagka angkas ko pa lang sa motor niya.
Imbes na sundin ang utos niya'y hindi ko ito sinunod, bagkos nga'y mas umusog pa ako palayo sakan'ya. Making him frowned because of frustration.
Kakatapos ko pa lang sa pagbibihis ko, wala kasi akong ibang magawa kundi ang sundin ang utos niya. Inaamin ko, natakot ako sa banta niya kanina, sa banta niyang pagkaladkad sa akin papasok sa loob ng cr at sa paghubad sa akin.
Knowing him, kayang kaya niyang gawin ang bagay na iyon, sa punyemas ba naman ng pag-uugali na meron siya, hindi imposibleng magawa niya ang bagay na iyon.
Pansin ko lang, he have this kind of attitude na palaging nagagalit kapag hindi nasusunod ang gusto niya. 'Yong tipong ipinipilit talaga niya ang gusto niyang mangyari at saka isa pa, hindi ko rin mabasa 'yong emosyon na meron siya, pa bago-bago kasi ito, hindi pernamente.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang pinakawalan niya, na tila ba'y sa pamamagitan niyon ay pinapahaba niya ang pasensiya niya, "Kakapit ka sa akin o ihuhulog kita?" nakaigting na pangang tanong nito.
Labag man sa loob at hindi man gusto ng katawan kong sundin ang utos niya'y wala akong ibang nagawa kundi ang umusog palapit sa gawi nito, natatakot kasi akong totohanin niya ang bagay na iyon e, at saka isa pa, nakakahiya na, kanina ko pa kasi nararamdaman ang mga nagtatanong at nagtatakang titig na pinapakawalan ni Kuya Noel para sa amin e.
Nagtataka kung bakit ganito kung makaasta ang lalaki na ito.
Actually, alam ko na kanina pa talaga nagtataka si Kuya Noel sa mga inaasta ng lalaki na ito, mas lalo lang itong nadagdagan pa dahil sa asta ng lalaki na ito ngayon.
Umusog ako palapit sa gawi niya pero bago niyon ay isang pag irap pa muna ang pinakawalan ko para sakan'ya, pag-irap na paniguradong nakita niya dahil sa side mirror nitong motor niya. Gamit kasi ang side mirror nitong motor niya'y nagagawa niya 'kong tignan kahit nay nakatalikod siya sa gawi ko, and damn it is really making me uncomfortable, ang tindi niya kasi kung makatitig e, parang adik na naglalaway.
Gamit rin ang side mirror nitong motor niya'y nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Na tila ba'y nasiyahan siya sa nakitang reaksiyon ko. Napairap tuloy ulit ako dahil doon.
Umusog ako palapit sa gawi niya pero kahit gano'n pama'y sinigurado ko pa rin na may sapat na layo ang katawan namin mula sa isat-isa. Layo, nang sa gayon ay maiwasan ang pagdidikit ng aming mga katawan. Layo nang sa gayon ay maiwasan ko ang pagdikit ng dede ko sa likod niya.
Sa totoo lang, ito ang isa sa nga dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong sumakay ng motorsiklo. E kasi naman, kahit anong pilit mong pag-iwas at pag pigil ay hinding hindi mo pa rin talaga maiiwasan ang pagdikit ng dede mo sa likod no'ng driver lalo na kapag dumadaan kayo sa malubak-lubak na daan.
"Kumapit ka," utos niya sa akin habang sinisimulan ng i-istart ang motor niya.
Sinunod ko naman ang utos niya na iyon.
Kumapit ako sa dulo ng t-shirt niya at hindi sa bewang niya na siyang naging dahilan kung bakit hindi na naipagpatuloy ni punyemas ang balak niyang pagpapatakbo sa motor.
Napabuntong hininga ito bago binitawan ang manibela. Binitawan niya ang manibela para kunin ang kamay kong nakahawak sa dulo ng t-shirt niya, kalauna'y hinila niya ang dalawang kamay ko na siyang naging dahilan kung bakit ko nahigit ang sarili 'kong hininga dahil sa gulat, sa gulat na natamo ko ng mapayakap ako sakan'ya ng wala sa oras.
Uusog na sana ulit ako palayo sakan'ya pero hindi ko na ito naipagtuloy pa nang mahigpit niyang hawakan ang dalawang kamay ko na nakayapos sa bewang niya.
"Stay still Marra or else.." pambibitin nito.
Napairap naman ako, "Or else ihuhulog mo ako?" pagpapatuloy ko.
He nodded, "U huh."
Muli akong napairap sa tinuran nito bago sapilitang inalis ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya and luckily nakawala naman ako mula sa pagkakahawak niya, nawala kasi siya sa konsentrasyon e, bahagya kasing gumalaw ang motor na sinasakyan namin, kaya ayon todo balance ang ginawa no'ng gago, baka kasi matumba kami ng wala sa oras e.
"Edi ihulog mo," tapang-tapangan ko na paghahamon sakanya bago umusog palayo sa gawi niya. Nagtapang-tapangan ako kahit na'y sa totoo lang ay natatakot ako, natatakot ako na baka totohanin niya iyon, 'cause like what I've said, may pag-uugali siyang hindi ko mabasa basa.
Nakita ko kung paano sumilay ang isang malagim na ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko, "Talaga lang ha?" mapang-uyam na ani niya habang nakatingin sa gawi ko gamit ang salamin.
Tumango naman ako bago ipinagkrus ang mga braso ko.
His jaw clenched because of what I did. Kalauna'y lumingon ito sa gawi ni Kuya Noel na ngayon ay takang taka pa rin sa inaakto ng punyemas.
"Tito, mauuna na po kami, pakisabi nalang kay Silva."
Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay hindi na hinintay pa ng punyemas ang sagot ni Kiya Noel, bagkos ay pinaharurot nito ng mabilis ang motor nito na siyang naging dahilan kung bakit napakapit ako ng mahigpit sakanya ng wala sa oras.
Wala sa sariling ako'y napausog palapit sakan'ya para kumapit ng maramdaman ko ang pagbilis ng pagpapatakbo niya, and luckily nakakapit naman ako sakan'ya ng hindi nahuhulog. Pero nga lang, 'yong kaluluwa ko parang naiwan ko sa car wash, parang yong kaluluwa ko humiwalay sa akin ng wala sa oras.
Sa ilang minuto na nakasakay ako sa motor niya ay wala akong ibang ginawa kundi ang kumapit sakan'ya ng mahigpit, hindi inaalintana ang dede kong nakadikit sa likod niya.
Sa ilang minutong nakasakay ako sa motor niya ay wala akong ibang ginawa kundi ang hilingin sa diyos na sana'y hindi pa matatapos ang oras ko—na sanay mananatili pa akong buhay, na sanay hindi ako mamatay, hindi pa kasi ako handa e, hindi pa ako handang makasama si San Pedro.
Sa ilang minutong nakasakay ako sa motor niya'y ilang beses kong kinurot ang gilid niya, umaasa na sana'y sa pamamagitan niyon ay titigil siya o hindi kaya'y hihinaan niya ang pagpapatakbo pero ang gago, hindi man lang natinag, mas lalo pa nga nitong binilisan ang pagpapatakbo e. Mas lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo na tila ba'y enjoy na enjoy ito, samantalang ako rito sa likod niya'y para ng tuko kung makakapit sakanya. Tuko, na kunting-kunti na lang ay mahihimatay na.
Mabilis ang pagpapatakbo niya at ilang kanto lang rin ang layo ng pagdadausan nila sa drag race nila, mula sa car wash na kung saan ako nagtratrabaho, kung kaya't minuto lamang ang lumipas simula ng umalis kami roon ay narating na agad namin ang pagdadausan ng drag race.
Isang napakalalim na pagbuntong hininga ang nagawa ko ng tuluyan ng tumigil ang motor na sinasakyan namin.
Pagkatigil na pagkatigil pa lang ay agaran na akong bumaba mula sa pagkakasakay ko. Pagkatapos ay hinubad ko ang helmet na suot suot ko, hinubad ko rin ang bag na dala-dala ko bago ito walang pasabing ibinigay kay punyemas, na siyang tinanggap naman nito pero kahit ganoon pama'y mababakasan mo pa rin sa mga mata nito ang labis na pagtataka sa inakto ko—kung bakit parang nagmamadali ako pero hindi ko iyon inintindi dahil sa pagkakataon na ito'y ay ang pagbaliktad lang ng sikmura ko ang inintindi ko.
Dali dali akong tumakbo papunta sa isang tabi para sumuka, hindi inaalinta ang mga tingin na nakamasid sa amin simula ng makapasok kami sa lugar na ito.
Parang hinalukay ang buong sikmura ko, pagkatapos ay para itong binaliktad...
Ang mga katagang iyon ay ang tanging madedepina ko sa nararamdaman ko sa pagkakataon na ito. And it is really suck and f**k.
I vomit really really hard because of the s**t that I am feeling. Tila ang nakain ko sa buong magdamag ko'y nawala sa sikmura ko dahil sa kadahilanang naisuka ko ito.
Damn! Hinding hindi na talaga ako sasakay sa motor na iyon! Letse! Mukhang iyon pa ang magiging dahilan ng kamatayan ko.
Suka lang ako ng suka habang hinihiling sa diyos na sana'y bumalik na sa dati ang sikmura ko, na sana'y umayos na ang sikmura ko, hiniling ko rin sa diyos na sana'y mawala na itong letseng nararamadaman ko at sana'y lumipat itong nararamdaman ko sa punyemas na iyon! Sa punyemas na iyon na siyang dahilan kung bakit ako nasusuka ng matindi ngayon! Ang punyemas na siyang dahilan kung bakit ako parang mamatay na ngayon.
Sa kalagitnaan ng pagsusuka ko'y may naramdaman akong humaplos sa likod ko, hindi ko na kailangan pang lumingon upang alamin kung sino iyon dahil sa gaspang palang ng pag-uugali niya na naamoy ko'y agaran ko ng napagtanto na siya iyon, na siyang rin naging dahilan kung bakit ko agarang binaklas ang kamay niyang humahaplos sa likod ko. Agaran ko itong binaklas dahil hindi ko kailangan ng tulong, hindi ko kailangan ng tulong mula sa letseng tao na siyang dahilan kung bakit ako nasusuka ngayon.
Hindi natinag ang punyemas sa una kung pagbaklas ss kamay niya mula sa pagkakahawak sa likod ko, hindi ito natinag sapagkat muli nitong hinaplos ang likod ko sabay sambit sa mga katagang,
"Are you okay?" ang nag-aalala nitong tanong sa akin na siyang nag-pa irap sa akin sa kawalan.
Hindi ko pinansin ang tanong niyang iyon bagkos ay mas itinuon ko pa ang atensiyon ko sa ginagawa kong pagsusuka.
"Do you want water?" ulit pang tanong nito habang patuloy pa rin sa paghaplos sa likod ko.
Nairita naman ako dahil sa tanong niyang iyon na siyang naging dahilan kung bakit ko binaklas ang kamay niya mula sa likod ko sabay harap sa gawi niya.
Galit kong nilingon ang gawi nito, "Puwede bang tigil tigilan mo ang paghaplos sa likod ko? Nakakairita kasi e!" galit kong tanong sakan'ya, nakita ko naman kung paano lumlam ang mga mata nito dahil sa tinuran ko na iyon, "At saka isa pa, ipasak mo sa baba mo ang tubig na sinasabi mo!" galit ko pang dagdag sa sinabi nito bago siya muling tinalikuran upang sumuka.
Kung noon ay naiinis, naiiirita at galit ako sakaniya dahil sa ginawa niyang panggugulo sa buhay ko, ngayon naman ay mas lalo pa akong naiinis, naiirita at naggagalit sakan'ya. Ang putspa niya kasi e, tinatanong ba naman niya 'ko kung ayos lang ba ako, well infact siya nga mismo sa sarili niya ay alam na hindi ako okay dahil sa ginawa niya na siyang naging dahilan kung bakit ako nagsusuka.
At saka isa pa galit ako sakan'ya dahil sa kadahilanang, muntikan na niya 'kong idamay sa kamatayan niya—muntikan na akong mamatay dahil sakan'ya, like heck, for petes sake, hindi pa ako handang mamatay! Kung siya ay oo edi mag solo siya! Marami pa 'kong pangarap sa buhay no!
Galit ako sakan'ya dahil parang wala siyang kaluluwa kung makaasta. Hindi kasi natatakot mamatay e at ang mas masama pa roon ay dinadamay ako.
Ghad! That man is really insane and f*****g freaking crazy!
Narinig ko naman siyang napabuntong hininga ng malalim dahil sa sinabi ko pero hindi ko iyon pinansin dahil ang tanging importante lang sa akin ay ang maisuka ko ang lahat ng laman ng tiyan ko nang sa gayon ay wala na akong maisusuka pa.
And I am right, dahil ng maramdaman kong wala ng laman ang tiyan ko—naubos na ay 'tsaka pa lang ako napatigil sa pagsusuka.
Habol habol ko ang aking hininga at hawak hawak ko ang tiyan ko ng tumayo ako mula sa pagkakayuko ko.
"Water?" tanong niya sabay lahad sa akin ng isang mineral water. Nagtaka naman ako dahil roon, nagtaka kung saan niya ito nakuha, e samantalang sa pagkakaalam ko'y wala naman atang malapit na tindahan rito.
Pero kahit ganoon pama'y kinuha ko pa rin iyon dahil sa kadahilanang kailangang magkalaman ang tiyan ko, kasi kung hindi'y paniguradong ikakamatay ko ito.
Inirapan ko ang punyemas bago pabalang na kinuha iyon sa palad niya. Pabalang ko rin iyong binuksan bago dali daling ininom.
Nang makuntento ay tsaka pa lang ako tumigil sa pag-iinom. Pabalang ko itong ibinigay muli sa punyemas na iyon na siyang tinanggap naman niya.
Hahawakan na sana niya ako pero umiwas ako bago dali daling lumakad papunta sa gawi no'ng motorsiklo niya.
Nang makalapit ay kinuha ko ang bag ko na naroroon bago ito walang pasabing isinukbit sa balikat ko.
Nang makuha ko na ito'y aalis na sana ako sa punyemas na lugar na iyon ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng may humawak sa palapulsuhan ko.
"Where are you going?"
Nang dahil sa mga katanongan na iyon ay wala sa sariling ako'y napalingon sa gawi no'ng nagtanong sa mga katagang iyon. At doon ko nakita si punyemas, malamlam ang mga mata nito habang nagtatakang nakatingin sa bag na dala-dala ko.
Pabalang kong binaklas ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko bago siya inirapan, "Uuwi," sagot ko sa tanong nito bago wala paligoy-ligoy na muli siyang tinalikuran.
Hahakbang na sana akong muli ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng sa ikalawang pagkakataon ay pinigilan ako nito, but this time, pinigilan niya ako sa pamamagitan ng isang yakap na siyang ikinalaki ng mga mata ko dulot ng pagkagulat.
He hugged me tight as he whispered something on his beneaths, "Don't leave me, please," I heard him whispered.
Tila ako'y napako sa kinatatayuan ko dahil roon pero ng maramdaman ko ang mga mapagmatyag, mapanuri at mapanghusgang mga tingin mula sa kung saan man ay agaran akong kumuwala sa yakap niya.
Maglakas ko siyang itinulak ng tuluyan na akong makawala mula sa pagkakayakap niya bago siya tinignan ng isang nakakamatay na tingin. Sumusobra na kasi ang lalaking ito e.
Sumsubra na ang panggugulo niya sa buhay ko! Hindi ko na mabilang pa kung pang ilang beses na niyang ginulo ang buhay ko simula ng mag cross ang mga landas naming dalawa. At lahat ng iyon ay pinalampas ko, 'yong ginawa niyang paghalik sa akin, yong ginawa niyang muntikan ng pagsagasa sa akin, lahat ng iyon ay pinalampas ko, pero ngayon mukhang hindi ko na talaga mapapalampas pa.
Muntikan na kasi akong mamatay dahil sakanya, at 'yong trabaho ko, mukhang nanganganib ng mawala sa akin dahil sa pamimilit niya.
Damn this man! Damn him! Damn!
Isang nakakamatay at nagbabanta na tingin ang ipinukol ko sakan'ya, nakakamatay at nagbabantang huwag siyang magkakamaling lumapit sa gawi ko, dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.
At imbes na pagkatakot na emosyon ang makikita ko sa mga mata niya ay isang hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol nito sa akin. Hindi makapaniwala, na tila ba'y hindi siya makapaniwala na may ganito akong side, na may tigre akong side.
He chuckled bago humakbang palapit sa gawi ko, pinandilatan ko naman ito ng mga mata, isang pahiwatig na huwag na huwag siyang magkakamaling lumapit sa akin dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin siya pero ang gago hindi man lang natinag, mas lalo pa nga itong lumapit sa gawi ko e. Na siyang naging dahilan kung bakit ko naikuyom ang mga kamao ko at saka sana siya susuntukin.
Susuntukin ko na sana ito dahil hindi talaga siya nagpapaawat e, patuloy pa rin kasi sa paglapit pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng hawakan nito ang nakaamba kong kamao sakan'ya bago ako nito pinihit patalikod.
Napatalikod ako mula sa gawi niya ng wala sa oras dahil sa ginawa niya, kung kayat ang kinalalabasan ay nasa likod ko na siya, hawak hawak ang kamay kong nakakuyom.
And from that position, he hug me tight before whispering something,
"Ang tapang pala ng honey ko, e kung sa kama kaya?" bulong niya mula sa likod ng tenga ko na siyang nagpahupa ng galit na nararamadaman ko.
Humupa ang galit na nararamdaman ko pero napaliton iyon ng panlalamig at saka pagkahigit ng hininga,
At mas lalo ko pang nahigit ang hininga ko ng maramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa tiyan ko, at mula roon ay hinaplos haplos niya ito sabay bulong sa mga katagang,
"I know that you're hungry honey, so let's it? Hmm?"