Kabanata 27

2079 Words
ILANG minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon and instead of answering his damn questions ay gumawa ako ng paraan na makaalis mula sa pagkakahawak niya. Actually, I've been trying to get out from his hugs but until now ay wala pa ring nangyayari-hindi ko pa rin nagagawang makalaya mula sa mahigpit na pagkakayakap niya. Hindi ko magawa-gawa sapagkat ang lakas lakas niya kesa sa lakas na meron ako, at ang kapal kapal rin ng balat niya na siyang naging dahilan kung bakit kahit anong gawin kong pagkurot sa braso niya para lang makalaya mula sa pagkakahawak niya ay hindi ko pa rin magawa-gawa. Ni hindi ko nga ito naririnig na dumaing e, which made me f*****g think kung anong klaseng balat ang meron sa punyemas na ito at kung bakit hindi man lang ito umaaray kahit na'y anong diin na ang ginagawa kong pagkukurot sakan'ya. Sa ikaraming pagkakataon, ay muli ko na namang sinubukan ang makawala sa pagkakahawak niya, but this time, another tactic ang gamit ko. Tactic, na medyo malayo sa tactic na ginamit ko kanina. Imbes kasi ang pagkurot sa braso niya ang gamitin ko'y iniba ko ang tactic ko para makawala na ako mula sakan'ya at ang tactic ko na iyon ay ang gamit ang mga paa ko ay inapakan ko ang paa niya na nasa likod ko, umaasa na sana'y masasaktan siya at saka mapapabitaw, pero kagaya no'ng mga nauna'y hindi man lang natinag ang gago, ni hindi nga ito gumalaw e o iniwas man lang ang mga paa niya e, na tila ba'y hindi man lang ito nasaktan. At dahil sa kaisipan ko na iyon ay mas diniinan ko pa ang pagkaka-apak ko sa paa niya, umaasa na sana'y sa pagkakataong ito'y masasaktan na siya. Pero ang gago hindi man lang natinag, mas lalo pa ngang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin e, na siya namang naging dahilan kung bakit ko naramdaman ang mga paghinga niya sa batok ko na siya namang nagbigay ng kung anong kikabot sa kaibutiran ko. "Bitawan mo nga ako!" utos ko sakanya habang pilit na binabaklas ang pagkakahawak niya. I tried so hard to be out from his hugs, but I guess my strength is not enough, 'cause kahit anong gawin kung pagpupumiglas mula sa mga yakap niya para lang makawala ako ay hindi ko pa rin magawa-gawa. "Ayoko," sagot niya sa tanong ko. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng tenga ko o mali lang ba 'yong pagkakarinig ko o kung ano pa man diyan, basta't mahihimigan mo kasi talaga e, magihimigan mo sa tuno ng boses niya ang pagpapabebe niya. Pero kahit ganoon pa may ipinagsawalang bahala ko ang bagay na iyon. Dahil imposible naman ata ang naiisip ko na iyon 'diba? Imposible dahil sa laki niyang 'yon, magpapabebe siya? Nakakasuka ah. Pero cute. Napairap ako sa kawalan at saka malalim na napabuntong hininga, pilit na hinahabaan ang pasensiyang unti unti ng nawawala. Tumingala ako sa kalangitan at doon ko nakita ang nag gagandahang mga butuin sa kalangitan, six or seven na ata ng gabi kung kaya't naglalabasan na ang mga ito. Tumingala ako at saka doon nag-isip ng panibagong tactic, tactic na magpapakawala sa akin ng tuluyan mula sa pagkakahawak niya, at wala sa sariling ako'y napangiti ng matamis ng may maisip ako. And it is to, "Aww!" rinig kung daing ng taong nasa likod ko ng gamitin ko ang panibagong tactic na naisip ko sakan'ya- ang tactic na kung saa'y sisikuhin ko ang tiyan niya. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin dahil sa ginawa ko na iyon, na siyang ikinahinga ko naman ng maluwag, med'yo na su-suffocate kasi ako sa yakal niyang iyon e, I don't know why pero siguro dahil ito sa kadahilanang hindi ako sanay, hindi ako sanay na may yumayakap sa akin. Sinubukan kung baklasin ang pagkakayakap niya sa akin habang dumadaing siya, pero ang gago ayaw pa rin bumitaw kahit nay nasiko ko na ito-kahit na'y halos mag lumpasay na siya dahil sa sakit. Nainis tuloy ako dahil doon. "Bibitaw ka o sisikuhin ulit kita?" ang naiinis ko na tanong habang pilit na binabaklas ang pagkakayakap niya sa akin. Damn! Ano ba ang kinakain ng isang 'to? At bakit kahit anong pilit ko'y hindi pa rin siya kumakalas? Kumain ba 'to ng semento? Ang tibay tibay e, kahit na'y umaaray ay hindi pa rin kumukuwala. Nang wala akong makuhang sagot mula sakan'ya, at ng hindi rin naman siya kumalas mula sa pagkakayakap sa akin kahit na'y pinagbantaan ko na siya'y doon nabuo ang pasiya sa utak ko, ang pasiya na kung saa'y sisikuhin ko ulit siya. I was about to do that thing to him, ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng makuha ng malakas na hiyawan ang atensiyon ko. At ng sundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng hiyawan na iyon ay doon ko nakita ang ilang kababaehan at kabaklaan na nasa field, nagsisigawan at nagtitilian habang nakatingin sa isang bagay-partikular sa isang magarang sasakyan na ngayon ay humaharurot papasok sa field na siyang pagdadausan siguro ng drag race na sinasabi nila. Wala sa sariling napatulala ako at saka nalaglag ang mga panga ko ng makita ko ang sasakyan na tinitilian nila. Napatulala ako sapagkat hindi ko inaakalang ang mga sasakyan na nababasa ko lang sa mga auto mobile magazine noon, ngayon ay nakikita na mismo ng dalawang mata ko. At isa lang ang masasabi ko at iyon ay ang sana masagasaan ako ng sasakyan na iyon. Alam ko kasing hinding hindi ko mahahawakan ang ganoong sasakyan sa tanan' buhay ko. Kung kaya't magpapasagasa na lang ako dito, para kahit papaano'y maramdaman ko man lang sa katawan ko ang gulong nitong may tae. Wala sa sariling ako'y napailing sa isip. Pag usapang sasakyan kasi ay palaging nagigising ang diwa ko, ewan ko ba kung bakit, kung bakit ako mahilig sa mga sasakyan e samantalang wala naman akong sasakyan kahit isa man lang. Mula pa man noon ay nakahiligan ko na ang magbasa ng mga diyaryo at magazine, at siguro iyon ang dahilan kung bakit ako naadik sa sasakyan. E kasi imbes na 'yong brief section ang tinitigan ko gaya no'ng ginagawa ni lola noon, dumidiresto ako sa pahina na kung saa'y ang laman ay puro sasakyan. Mahilig ako sa sasakyan kahit na'y wala akong sasakyan at iyon ang dahilan kung bakit ako pumasok bilang isang taga hugas ng sasasakyan sa car wash ni Kuya Noel. Mahilig ako sasakyan pero mas mahilig pa rin ako sa pera, and that was the reason why pinili ko pa ring humindi ng tanongin ako ni Kuya Noel kung gusto ko raw bang sumama rito o kung ano pa man. I priorities the money over the car pero dahil sa letseng Dashiel na iyon, napasama tuloy ako rito ng wala sa oras. Mahilig ako sa sasakyan to the point na pati ang mga pangalan at unit ng mga ito ay alam ko na, puwera na lang do'n sa cheap na sasakyan no'ng malantod na babae sa tayler kanina. At ang sasakyan na humaharurot papunta sa gawi namin ngayon ay ang isa sa mga pinakakamahal na sasakyan ngayon, ang Porsche 911. Ang tilian ng mga kababaehan at kabaklaan ay mas lalo pang lumakas ng bumaba mula sa sasakyan na iyon ang isa sa mga pinakaguwapong nilalang na nakita ko. Isang nakaitim na lalaki na may suot suot na leather jacket ang lumabas mula sa sasakyan na iyon. At hindi ko inaakalang mas malalaglag pa ang panga ko at mapapako pa ang mga mata ko sakan'ya ng makita ko ang buong kabuuan ng mukha niya matapos niyang hubarin ang shades na suot suot niya. Kahit nay malayo mula sa gawi namin ang lalaking iyon ay klarong klaro pa rin ng mga mata ko ang buong kabuuan ng pagmumukha niya na tila ba'y may telescope ang mga mata ko. Hindi na ako nagtaka pa ng marealize ko kung bakit ganito na lang kung makatili ang mga babae at kabaklaan dito, e kasi ako nga mismo ay gustong gusto na rin makitili e, ang guwapo kasi! Parang artista! Gusto ko sanang makitili rin kaso sabi ni lola masama raw 'yon e, masamang tilian ang isang lalaki dahil para sakan'ya dapat raw ang nga babae ang tinitilian ng mga lalaki. Dahil ang mga babae ay dapat na tinuturing na prinsesa at hindi isang fan girl. Wala sa sariling nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang paghigit ni punyemas sa akin paharap sa gawi niya. "Ano ba?!" galit kong ani dito habang pilit na inaalis ang dalawang kamay niyang nakahawak sa magkabilaang balikat ko. "Ano bang problema mo?" sa pagkakataon na ito'y ramdam na ramdam ko na ang galit sa puso ko, e kasi naman, ba't ba siya gan'yan? Ba't ba siya gan'yan kung makaasta? Bakit ba siya bigla bigla na lang nanghihigit ah? Na tila ba'y hindi tao ang hinihigit niya? "Kanina ka pa ah," dag-dag ko pang ani dito habang pilit pa ring iniiwaksi ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilaan kong balikat. "Ano bang problema mo ah?" naiinis at galit kong tanong sakan'ya, naiinis dahil kahit anong pilit kung gawing pag-alis sa kamay niyang nasa balikat ko ay hindi ko pa rin magawa-gawa. Nagagalit dahil kung makaasta siya ay para bang isa lang akong laruan na gaganonin-ganonin niya lang. "Don't look at him like that," galit na sagot nito sa tanong ko na siyang nagpakunot sa noo ko. Like heck, anong pinagsasabi ng isang 'to? Ako? Huwag titigan ang lalaki na iyon like that? Ha? E? Ano namang meron kung tititigan ko ang lalaki na iyon ng ganoong paraan? Wala naman sigurong masama 'di ba? Titig lang naman iyon e. At saka isa pa, ba't ba ang over nito kung makapag react? "E, ano naman kung tititigan ko ang lalaking iyon?" tanong ko rito, habang pilit na sinasalubong ang mga matatalim na titig niya. "Basta huwag!" "E bakit nga?" ulit kong tanong dito. Nagulo naman nito ang sariling buhok dahil sa pangungulit ko, na gulo nito ang sariling buhok na tila bay naiinis na siya, at tama nga ako ng marinig ko ang mga bulong niya. "Damn! Sana di ko na lang sinama ang babaeng 'to!" rinig kong bulong nito habang patuloy pa rin sa paggugulo sa buhok niya kalauna'y muli itong tumitig sa mga mata ko. "Basta!" sagot nito, ang pagkairita at ang pagkainis ay klarong klaro sa boses, napailing naman ako dahil doon. Hinawan nito ang kamay ko, "Tara na nga!" naiinis pang dagdag na sabi nito bago nagsimulang maglakad. Napatigil naman ito ng awatin ko ito, "Teka, teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ko rito. Malalim na napabuntong hininga muna ito bago lumingon sa gawi ko, kalauna'y napasapo ito sa sariling mukha na tila bay inis na inis na siya at hindi na niya kaya pa ang pag pigil sa temper niya, "Palayo sa lalaki-este sa lugar na ito!" sagot nito sa tanong ko bago muling hinawakan ang kamay ko para maglakad muli. Pero muling naudlot ang balak nito ng awatin ko ito sa pamamagitan ng isang tanong, "Ha? Bakit naman?" I asked, the curiosity is really visible on my voice. Muli itong napabuntong hininga, "Basta!" sagot nito bago ako hinila pasunod sakan'ya, nagpatiuna na lang rin naman, wala na kasi akong ibang choice e. Pero bago pa man kami tuluyang makalayo sa lugar na iyon ay napatigil na naman kami mula sa paglalakad ng may marinig kaming tumawag sa pangalan niya, "Dashiel, pre!" tawag ng kung nino man na siyang nagpatigil sa amin sa ginagawa naming paglalakad. Sa ikaraming pagkakataon ay napabuntong hininga na naman si Dashiel bago napalingon sa pinanggalimgan no'ng boses, lilingon na rin sana ako ngunit hindi ko na naipagpatuloy pa ng higitin ako ni punyemas papunta sa likod niya na tila bay pinapatago niya ako roon. Na siya ring naging dahilan kung bakit hindi ko makita iyong kausap niya. "Aalis na kayo? E, hindi pa nga nagsisimula 'yong race?" rinig kong tanong no'ng lalaki. Gusto kong silipin kung sino 'yong nagsalita pero hindi ko magawa-gawa, dagil sa bawat pagsilip ko ay ang bawat pagharang rin naman no'ng gago sa paningin ko gamit ang malalapad niyang balikat napapairap na lang tuloy ako. "Oo pre, bawal kasi malamigan si misis e, alam mo na, buntis e." Wala sa sariling napaubo ako dahil sa bigla na bigla ko na lang naramdaman dulot ng sinabi niya, kasabay rin niyon ay ang panlalaki ng mga mata ko. 'Cause heck, what did he just said? Misis? Buntis? Sino? Ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD